Chapter 23

729 22 1
                                    

Scent's Point Of View

Kasama niya si Roxanne na malaki ang ngiti sa labi. Bawal mag-croptop sa school pero iyon ang suot ni Roxanne. May graphics pa na 'baddie'.

"Hi, Denni. Napa-bisita ka, anak." Iyon ang salubong ng adviser namin sa bagong dating.

"Yes, I'm here to talk to Armil. You're so pretty, Ma'am."

"Aw, maliit na bagay. Sige, hanapin mo lang si Armil at may pupuntahan pa ako."

Humigpit ang hawak ko kay Armil. It was some sort of signal.

"Oh, there you are. Akala ko nasa council ka kaya doon ako pimunta kanina. I'm glad hindi mo na ako tinataguan. We need to talk," she approcahed us.

Nanatili ang titig ko sa kaniya. I don't have any idea what is up. I don't want to be selfish but I don't want them to talk either.

"Fine. But I'm bringing my girl with me. Kung ayaw mo, hindi ako makikipag-usap sa 'yo."

"Okay, as if I have a choice," irap nito at tumingin sa 'kin.

Tahimik lang ang mga kaklase namin na nakikinig. Honestly, this is so embarrassing. Nakatuon ang atensyon nilang lahat sa amin. 

I found myself sitting next to Armil in the garden. Nasa harap namin nakaupo si Denni.

"I'm here to ask for a closure. Bakit mo ba ako pinagtataguan? It's not like... aakitin kita or what. Yes, I still want you but I will never stoop that low," she chuckled.

"Really, Denni? In front of my girlfriend? Ayusin mo iyang pananalita mo kung ayaw mong layasan ka namin dito."

"Chill. Ano bang masama sa sinabi ko? Na-offend ka ba, Miss Colina?"

Tumango ako. "Not gonna lie, I did."

Mabuti nalang pala at sinama ako ni Armil dito. Hindi ko rin naman siya papayagan kung sakaling mag-uusap sila ng silang dalawa lang. May tiwala naman ako sa boyfriend, ayoko lang talaga sa kasama niya. 

"Wala na ba talagang pag-asa, Armil?" she softly asked. "I was in US for my health treatment. Pagbalik ko dito ganito na. I thought you would wait for me."

Ah, damn. Two-faced.

"Bakit? Mamamatay ka na ba?" pabalang kong tanong.

"Scent!" Armil gape.

Umirap ako. Alam kong masama iyong tanong ko. Hindi ko lang naman napigilan ang bibig ko.

"A girlfriend with a rude mouth, I see. Hindi ko alam na you're into someone with an attitude like that, Armil. I thought you were a decent woman. You look so innocent and fragile. Pero nasa loob pala ang kulo," ngumisi ito.

"Ano pa ba ang kailangan mo? You still want my boyfriend but would never steep that low? Nagpapatawa ka ba? Bakit ka nandito ngayon kung gano'n? 'Tsaka closure? Para saan pa? Tantanan mo na ang boyfriend ko, please lang. Para kang aso na habol ng habol. Masagwa tignan para sa isang babae na maghabol sa lalaki." Tumigil ako saglit at huminga ng malalim. "Sige, sabihin na nating gusto mo ng closure para sa peace of mind mo, as far as I can remember binigay na ni Armil 'yon sa 'yo. Narinig mo na galing mismo sa bibig niya. It was all a play. How could you forget? You were the script writer."

Iyon ang eksaktong salita na sinabi ni Armil kay Denni noon. Tandang-tanda ko pa ang bagay na 'yon. Nasa utak ko pa rin ang bawat katagang binitawan ni Armil. Katagang binitawan ng boyfriend ko.

Denni eyed me dangerously. Nakakuyom ang kamao at nanginginig na nakatingin sa 'kin. Say what, loser? Ngumiti ako ng matamis sa kaniya at humilig sa balikat ni Armil.

"How dare you?! Manahimik ka diyan malandi ka hindi ka kasali dito!"

Napatayo ito sa galit. The way she speaks, it was full of madness. Kahit magtumbling ka pa diyan sa galit wala akong pakialam.

"That's enough! Wala kang karapatang tawagin na malandi si Scent."

Binundol ng kaba ang dibdib ko ng tumayo si Armil at lumapit kay Denni. Agaran ang pagtayo ko para pigilan itong masaktan ang babae. Armil's aura is so dark and he's so ready to hurt her. 

"Love, kumalma ka," mahinang ani ko.

"Kung hindi ka lang sana dumating e di may pag-asa pang magkabalikan kami! Alam mo ikaw, kasalanan mo 'to lahat eh," tumalim ang tingin ni Dennielle sa akin.

"Feeling mo naman! For clout lang naman 'yong relasyon niyo, clout chaser!" sigaw ko pabalik.

"I hate you!"

Denni forcefully grabbed my hair. Napaigik ako sa sakit na dulot no'n. Gumanti rin ako sa paghila at mas todo pa ang paghila sa kulot at mahaba niyang buhok. I can't believe I'm doing this right now but what matters to me the most is to overpower this bitch. 

"Damn! Stop!"

Armil pulled me away from her. Nagpupuyos na humarap ako sa kaniya at dinuro siya.

"Gusto mong makuha ang boyfrien ko? Go! Take him! Tignan natin kung makukuha mo siya."

"Hurting her is a wrong move, Denni. You're not getting away with this."

"Love, masakit ang ulo ko," mangiyak-iyak kong sumbong.

Armil gently touched my head and fixed my hair. Ngumisi ako at lumingon sa umiiyak na talunan. Ipinalibot ko ang braso sa katawan ni Armil, nakatalikod kay Dennielle.

Wala sa sariling napangiti ako at inabot ang mukha ng kasintahan. Tumingkayad ako at pinatakan ito ng halik sa labi. That placed a small smile in his thin lips. Saktong pagharap ko sa kinaroroonan ni Denni ay nakita ko itong tumatkbo papunta sa 'min.

Denni and I bumped with each other. Armil wrapped his arms around me to protect me from falling.  At dahil nasa likod ko siya ay siya ang nadaganan ko nang bumagsak kami.

"If I can't have him, then no one will."

Agad akong tumayo ng makita ko ang ngisi na nasa mukha ni Denni. She ran away quickly and that's the time I realized my boyfriend is lying on the ground... bleeding uncontrollably.

"L-love? Love gumising ka!"

Lumuhod ako sa tabi nito at dahan-dahang iniangat ang ulo nito. Mas lalong lumakas ang iyak ko ng makita ang dugo sa kamay ko. His head was dripping with blood. 

"Apple! Help me! Jun! Amos!" 

Humikbi ako ng humikbi. Armil is not opening his eyes and it scares me. 

"M-margaret! Tulungan niyo ako. Mykee! Jareyn! Please."

Nanginginig man ang mga kamay ay sinikap kong kunin ang cellphone ko na tumalsik. I sent a message to our group chat asking for help. He's hurt because of me. 

"Anong nangyari? Armil!"

Unang nagsidatingan ay si Shaila at Alyssa kasama si Alexandra at Christine sa likod. May bitbit na pagkain kaya alam kong galing ito sa canteen.

"A-ambulansya. Please, tumawag kayo ng tulong."

Sunod-sunod ng nagsidatingan ang mga kaklase ko kasama ang ibang teachers ng school. Some of them were crying, mostly girls. The boys wrapped his head to stop the bleeding while the ambulance was on the way.

"Anong nangyari, Colina?" our adviser asked.

They made me sit on the bench but I refuse to leave Armil's side.

"S-si Armil. He's hurt because of me. Nag-away kami ni Denni."

Ramdam ko ang panginginig ng labi ko habang nagk-kwento ng nangyari. The image of Armil kept on repeating in my head. His unconscious state, the blood, it was the only thing running in my head. 

 "If I can't have him, then no one will."

*****

Ang Puting Brief ng Aking KaklaseWhere stories live. Discover now