• - CHAPTER 11 - •

4 0 0
                                    

I was about to enter the university’s gate, riding my motorcycle, when my phone suddenly vibrated inside my pocket.

Sandali kong itinigil ang motor sa gilid para tingnan kung sino ang nag- text tutal maaga pa naman.

Kapag nakatatanggap ako ng text o tawag ay kaagad kong sinasagot. Mahirap na baka emergency pala sa bahay o sa grupo tapos hindi ko nasagot. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama nang dahil sa kapabayaan ko.

Awtomatikong tumaas ang kilay ko matapos na makitang hindi registered sa contacts ko ang nag- text. Hindi rin ako pamilyar sa numero dahil ngayon lang ako nakatanggap ng mensahe mula sa number na ’to.

Want some info about your father? Meet me now at ****** cafe. Be quick.

Ganiyan ang mismong mga salita na nakasulat sa text na ipinadala sa akin ng anonymous sender.

I didn’t know what I was thinking but the second I realized, I was already driving my motorcycle to the address of the cafè the sender had sent me.

I know I can be impulsive sometimes.

Naalala ko nga nito lang nakaraan, bigla- bigla na lang akong nakipaglaban sa mga miyembro ng Treacy matapos kong mabalitaan na ginulpi nila ang kapatid ko. Hindi na ako nakapag- isip na maaari nilang malaman ang tunay kong pagkatao sa oras na malaman nilang babae ako. Bukod kasi sa mga matataas na kasapi ng bawat organisasyon, wala nang iba pang nakaaalam na babae ang kasalukuyang lider ng Risum. Kadalasan na si ang pinapadalo ko sa tuwing iniimbitahan kaming dumalo sa mga malalaki at magagarang party. Some of the committee’s members has no idea of who I am, not until I attended the recent glamorous party at Alvarez’s mansion, revealing myself as the recent leader of the Risum.

Today is one my impulsive action.

Right after I read the word about my father, my reflexes pushed me to manneuver my motorcycle to Bacolod. Ni hindi ko na nga naisip na baka prank message lang ’to. Sa ilang taon kong pagsusumikap na makasagap nang kahit na katiting man lang na impormasyon sa ama ko, wala akong napala hanggang sa ngayon. Maging ang koneksiyon ng organisasyon ay ginamit ko na para makakalap ng impormasyon sa loob ng dalawang taon pero bigo ako. Kaya hindi naman masama kung magbabakasakali ako ngayon.

Kung totoo man na kilala niya ang ama ko, maaaring masagot na lahat ng mga katanungan tungkol sa pagkatao ko. Kung hindi man at isa lang itong kalokohan, humanda siya sa ’kin.

Zest- o nga nabubutas ko, tagiliran niya pa kaya?

I quickly parked right after I arrived then hurriedly went inside the cafè. Inilibot ko ang paningin sa paligid para hanapin ang taong nag- text sa ’kin. Kaunti lang ang tao sa loob.

May nakita ako na isang estudyante na tumitipa sa kaniyang laptop sa bandang kaliwa ’pag pasok ko. Sa bandang kanan naman ay may mag- jowa na payapang nag- uusap habang nakalapag sa ibabaw ng mesa sa harap nila ang dalawang tasa ng kape at dalawang platito ng desserts. Sa inner left corner nakapwesto ang cashier at glass dessert holders kung saan naka- display ang iba’t ibang uri ng nakakatakam na desserts. Dumako sa pinakasulok na parte ng cafè ang aking paningin. Halos pribadong parte na bandang roon dahil bukod sa hindi ito masyadong kita sa ibang tao sa loob ng cafè, mas dim ang ilaw doon kesa sa cozy- dim na ilaw ng cafè.

Kaagad kong nakilala ang babaeng prenteng- prente na nakaupo sa parteng ’yon. Hindi ako maaaring magkamali. Siya si Cynthia Alvarez– Stanley’s mom. She took a sip on the cup of coffee as if she’s in a tv commercial show. She’s holding the cup with all grace and class, eyes closed and with measured movements. Now I wondered if why she’s here.

Pero tutal, wala naman akong pakialam sa matapobreng babae na ’yon, hindi ko na siya pinagkaabalahang titigan pa. Kinuha ko ang phone at kaagad na nag- reply sa text. Ipinaalam kong nandito na ako sa address na ibinigay niya.

Entangled With YouWhere stories live. Discover now