“Ang ibig ko pong sabihin . . . patay na po . . . ang totoong lider ng Treacy, Supremo!”
“Anong kabaliwan ’yang pinagsasabi mo!?” Galit na galit na sigaw ni Connor pagkatapos ay binalingan at inutusan ang mga bantay. “Ilabas ni’yo ang lalaking 'to! Kita ni'yo naman na kasalukuyang ginagawa ang paglilitis, hindi ba!? Bakit hinayaan ninyong makapasok ang isang ’to!?”
Namumula na siya sa galit at hindi mapakali sa kaniyang kinatatayuan. Pabalik- balik ang kaniyang tingin sa lalaking nakayuko ngayon sa harap ni Supremo at kay Stanley na nanatiling nakayuko. Napansin ko ang paggalaw ng mga balikat ni Stanley.
Wait, Is he . . . crying?
Mabilis akong kumilos nang nakita kong lumapit si Jelly kay Stanley. Tumayo ako pero kaagad akong napigilan ni Clever. Nakita ko kung paano dahan- dahang inangat ni Jelly ang kaniyang kamay at maingat na hinaplos ang likod ni Stanley, as if comforting him. Inangat ni Stanley ang kaniyang mukha at binigyan ng maliit na ngiti si Jelly. Namumula ang mukha ni Stanley at basang- basa ito ng luha. May kinuhang panyo si Jelly sa kaniyang bulsa at ginamit itong pamunas sa pisngi ni Stanley. Pagkatapos ay nagyakapan ang dalawa.
My head was throbbing in so much pain and confusion. Gulong- gulo ako mga nangyayari. Kahit isa ay wala akong maintindihan. Para akong tanga. Pilit kong ipino- proseso sa utak ko ang mga kaganapan pero walang nagsisink- in ni isa.
Hindi tuminag ang dalawang bantay na inutusan ni Connor. Nanatiling nakayuko sa harapan ang lalaki at kapagdaka'y nag- angat siya ng tingin, paharap sa Supremo.
Supremo slammed the judge’s hammer and it's deafening sound stopped everyone in creating chaos. We all settled in our seats again and waited for the next thing to happen, waited for another revelation to be announce.
“Isara ang pinto! Walang sinuman ang maaaring lumabas hangga’t hindi ko sinasabi!” Biglaang utos ni Supremo.
Mabilis na tumalima ang dalawang lalaki na nagbabantay sa pinto. Isinara nila ang pinto at maingat na binantayan.
Saglit akong nag- panic nang wala na si Jelly sa tabi ni Stanley. Natutop ko na lang ang dibdib ko nang makita siyang nakaupo na ulit sa kaniyang pwesto kanina. Akala ko ay kung ano na ang nangyari sa kaniya.
“Ano ba talaga ang nangyari? Isalaysay mo sa amin nang malinawan ang lahat!” Maawtoridad na utos ni Supremo sa lalaki.
“Masusunod, Supremo!” Pagsunod ng lalaki.
Pagkatapos ay nagsimula siyang magsalaysay ng totoong nangyari.
“Kasisimula pa lang ng paglilitis nang bigla kaming makatanggap ng tawag, Supremo. May isang misteryosong tao na nagbigay sa amin ng hint na ang taong nililitas ngayon ay hindi ang totoong lider ng Treacy kung hindi ay isang puppet lamang. Hindi totoo na siya ang lider ng Treacy. May isang tao na siyang namamahala sa organisasyon at ang taong ito ang may kagagawan ng lahat ng krimen na idinidiin sa Treacy,” pagsisimulang siwalat ng lalaki.
Gaya ng inaasahan, hindi makapaniwala ang lahat. Muli na namang nagpuyos ang galit ko. Padarag kong binalingan ang mga traidor sa gilid ko ngunit gaya ng iba, parang wala rin silang alam tungkol sa rebelasyong isiniwalat ng lalaki. Maliban kay Connor na tahimik lang at masakit ang tinging ipinupukol sa lalaking nagsasalita sa harap. Maya- maya pa ay bigla siyang tumayo at dinuro ang lalaki.
“Sinungaling ka! Si Stanley ang lider ng Treacy at alam 'yon ng lahat! Umamin ka nga! Sino ang nag- utos sa ’yo na siraan kami!? Magkano ang binayad nila sa 'yo!? Ha!?” Nagpupuyos na sa galit si Connor pero ang ipinagtaka ko ay kung bakit hindi siya pinipigilan o sinasaway man lang ng mga matatandang myembro.
YOU ARE READING
Entangled With You
SonstigesCentury of years ago, the war between angels and demons had arisen. In a majestic palace of Heavenly Realm, Cyfrin, the Goddess of Love was entrusted by the Supreme Creator to protect the Kardia Temple where the Red Strings of Fate was located. Duri...