“Miss, nasaan ang ID mo?” Istriktong bungad na tanong sa akin ng guard, pagpasok na pagpasok ko ng main gate, sakay ng aking itim na motor.
Sandali kong itinigil ang motor at itinaas ang visor ng suot kong itim na helmet.
“Freshmen po ako rito sa CHMSU. By Friday pa ang schedule namin for ID picture kaya wala pa po kaming ID,” magalang kong sagot.
Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Mukhang hindi siya kumbinsido na rito ako nag- aaral.
“Sigurado ka bang estudyante ka rito? Patingin ng enrollment form mo, hija,” suplado niyang utos habang nakakunot ang noo na parang duda sa sinabi ko.
“Sige po, wait lang. Nasa phone ko kasi ang soft copy.”
Agad kong kinuha sa bag ang aking cellphone at mabilis na hinanap ang soft copy ng enrollment form ko this first semester.
Halos ilang minuto kong hinanap pero hindi ko makita sa gallery ko. Ang masaklap, baka nadelete ko accidentally at hindi ako nakapagscreenshot ng bago. Pagbaling ko sa guard ay hindi niya pa rin ako tinatantanan ng mapanuring titig. Parang anytime, kakaladkarin niya ako palabas.
Napaigtad ako nang biglang may malakas na bumusina sa aking likuran. Paglingon ko, ilang sasakyan na ang nakapila. Hindi sila makapasok dahil nakaharang ako sa main gate. Kaya naman muli akong mabilis na nagscroll sa gallery at nagpakawala ng malalim na paghinga nang sa wakas ay nakita ko rin ang hinahanap. Pinakita ko ito sa guard. Tumango siya bilang senyas na maaari na akong pumasok.
Agad kong pinaharurot ang motor papasok sa parking lot ng university. Muntik pa akong di makahanap ng spot dahil halos ukupado na lahat. Nang makarating at makapark nang maayos ay agad akong bumaba. Hinubad ko ang suot na helmet at hinayaang liparin ng hangin ang nakalugay kong buhok.
Bago umalis ay sinuri ko muna ang sarili sa salamin ng aking motor. Pero hindi ko maayos na nakikita ang sariling repleksiyon dahil sa liit ng salamin. Nang mapansin ko ang itim na kotseng nakaparada sa aking tabi, naisipan kong doon na lang manalamin.
“Hm . . . ang angas ng kotse ah?” puna ko sa nakaparadang BMW 7 Series– one of the most expensive car na kung hindi ako nagkakamali ay nagkakahalaga ng halos sampung milyon.
As far as I know, in order to be considered a car luxurious, the vehicle must have high- end features that go above and beyond the average necessities. The vehicle must equipped with better performance capabilities, lavish interiors and all the latest safety and technology features. Above all, it has features that aren't available on lower-priced car models. By looking at it's exterior features, I can totally say that this car has increased price levels of comfort, equipment, amenities, quality, performance, and associated status.
Naging agaw- atensyon ang sasakyan sa maliit na space ng parking lot ng university. May ilang estudyante pa na literal na napapahinto para lang pagmasdan ang mamaling sasakyan. Halos lumuwa ang mata ng iba. Ngayon lang ’ata nakakita ng ganitong mamahaling kotse.
Napangisi ako.
Hindi naman sa pagmamayabang, pero minsan na rin akong nakapagmaneho ng luxury cars. Hindi nga lang sa ’kin. Pero okay lang! Maghahanap na lang ako ng pogi, mabango, at mayaman na jowa para hindi na ako magpapakahirap sa pag- iipon pambili ng sasakyan. Hitting two birds with one stone. May driver na, may jowa pa. Bonus na lang ang sasakyan!
Alam kong disente at mamahalin ’tong kotse pero hindi naman siguro magagalit ang may- ari kapag nanalamin ako sa bintana ng kotse niya, ano?
Tinted ang salamin kaya wala akong makita sa loob. Kapag nahuli niya ako, sasabihin ko na lang may dumapong langaw kaya nilinis ko. Malay naman natin baka bayaran pa ako sa pagkawanggawa.
YOU ARE READING
Entangled With You
RastgeleCentury of years ago, the war between angels and demons had arisen. In a majestic palace of Heavenly Realm, Cyfrin, the Goddess of Love was entrusted by the Supreme Creator to protect the Kardia Temple where the Red Strings of Fate was located. Duri...