•- CHAPTER 12 -•

8 0 0
                                    

Pagkatapos ng last subject ay kaagad akong humangos papuntang cr.

Inilabas ko ang brown envelope sa loob ng aking bag. Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ko magawang mag- concentrate sa mga itinuturo ng professors namin dahil puro pago- overthink ang ginawa ko. Atat na atat na akong mabasa at makita kung ano ang laman ng envelope.

“What the-!?”  Malakas na bulalas ko.

Natakpan ko ang aking bibig nang biglang nagtinginan sa akin ang mga babaeng nagsasalamin sa loob ng cr. Hindi ko sila pinansin at sa halip ay dali- dali akong pumasok sa pinakamalapit na cubicle. I called Mrs. Alvarez and after a while, she answered.

“What is it exactly you want, Mrs. Alvarez!? Mukha ba akong nakikipagbiruan, ha?!”  I frustratingly shouted, controlling the volume of my voice to avoid creating more inconvenience.

“Hearing such reaction of yours, I guess you already seen it, don’t you?”

Her voice was so calm that it irritates the hell out of me!

Nagpakawala ako nang napakalalim na buntong- hininga bago sumagot.

“Are you even serious about this? You told me, Mrs. Alvarez! You would give me all the informations that I need! Tapos bibigyan mo lang ako ng isang picture without even a context?”

I am so angry. Damn it!

Hearing her continous breathing at the other line, like she’s enjoying my confusion and misery to what she just gave me, made me want to kill her! Only if I can, I will! I will badly do it!

“That’s already a hint, Ms. Fuentes. Akala ko pa naman matalino at wais ang lider ng Risum.”

Puno ng panunuya at pagkadismaya ang kaniyang boses.

“But you know what? You sounded like a mad fool while talking to me right now.”

Putangina!?

“That picture will serve as your guide. Why don’t your start investigating by knowing if who are the persons in that picture? Take a closer look at them. Especially at the young girl. You haven’t recognized her? I told you, kapag nasunod mo ang sinasabi ko, tutupad ako sa usapan. Layuan mo si Stanley at kapag nakita ko ang resulta after a week, ako na mismo ang maghahatid sa ’yo ng mga impormasyong kailangan mo.”

That was her long sentiment before she ended the call.

“Hello?! Mrs. Alvarez! Hello!?”  Paulit- ulit kong tawag.

“Argh!”

Nasuntok ko ang pinto ng cubicle sa sobrang inis.

Narinig kong nagsigawan ang babae sa labas at maya- maya pa’y mabilis silang nagtakbuhan palabas. Madiing nakakuyom ang aking mga kamao. Mabibigat ang aking paghinga at hindi ko magawang kumalma.

Muli kong tinitigan ang isang lumang litrato na siyang laman ng envelope na binigay ni Mrs. Alvarez. Tumayo ako at nilamukos ang envelope tsaka padabog itong itinapon sa basurahan. Nagtungo ako sa harap ng salamin at ang tanging hawak ko na lamang ngayon ay ang picture.

Sa ginupit na picture, may dalawang bata, isang babae at isang lalaki. Masasabi ko na magkaedad lang silang dalawa, magkasingtangkad at pareho silang malapad na nakangiti habang nakaakbay sa isa’t isa. Pero ang isang bagay na ipinagtataka ko ay kung bakit sadya itong ginupit.

Sino ang kasama ng dalawang bata sa picture?

Bakit ginupit siya?

Anong relasyon ng dalawang bata na ’to?

Entangled With YouWhere stories live. Discover now