“Shit! Shit! Shit!” Mahihina kong mura.
Halos ilang kilometro na lang ang layo namin sa ambush area ngunit mula kanina ay hindi sinasagot ni Stanley ang tawag ko.
Did he blocked me? Or is he intentionally ignoring my calls?
“Please . . . please, answer the goddamn phone!”
Pero wala. Ring lang nang ring ngunit walang sumasagot sa tawag ko. Maging si Tiffany ay tinatawagan ko pero out of reach. Baka ini- off niya rin ang kaniyang cellphone. Nagbibigay ako ng utos sa radyo na hawak ko pero walang may sumasagot sa kabilang linya. Hindi nila ako pinapansin. Hindi ko sila ma- contact!
“Stop it, Sereia. Malapit na tayo. Let me handle things there. Maiwan na lang kayo ni Jelly dito sa sasakyan,” saway at utos ni Clever. “Manong, please park the car meters away. Make sure na malayo sa ambush scene. Pagkababa ko ay ihatid mo sila ni Sereia sa secret base,” utos niya sa driver pagkatapos ay hinarap ako. “Balitaan na lang kita. Bring Jelly to the safest place first.”
I scoffed. “Huh!? Inuutusan mo ako, Clever!? Baka nakalimutan mo? Ako ang pinuno rito! Wala kang karapatan na manduhan ako!” I stressly declined.
He gave me a tiring look. “Please. This is not a command, Sereia. I am requesting you. Masyadong delikado baka mapahamak pa kayo ni Jelly,” pagpupumilit niya.
“No. Lalabas ako, Clever at wala kang magagawa dahil ako ang masusunod dito, hindi ikaw,” pagmamatigas ko.
Bumuntong- hininga siya bilang pagsuko. “Okay. Mukhang hindi na kita mapipigilan. But . . .” he stopped midway. “Let me check the status first. Kailangan kong masigurado muna na ligtas sa labas bago ka sumunod.”
Tumango ako at muling umayos sa pagkakaupo.
Nang tumigil ang van ay dahan- dahang ibinigay ni Clever sa akin si Jelly at hinayaan ko ang bata na maupo sa lap ko. Lumabas si Clever at sumenyas na tatawagan ako sa radyo kapag nasiguradong ligtas na sa labas.
Nasa harap kami ngayon ng isang abandonadong building na may limang baitang ang taas. Malawak ang lugar at may mga puno at may matarik na bangin.
Kahit na hindi na ako mapakali sa loob ng van ay sumunod ako sa usapan namin ni Clever. Hindi ko naman kasi pwede pabayaan si Jelly na mag- isa rito. Baka mapahamak pa ang bata. Lalo at walang maiiwan para protektahan siya kung sakali. Driver lang ng organisasyon si manong. Hindi naman siya marunong makipaglaban o kahit na kumalabit ng gatilyo ng baril.
Habang naghihintay ay wala akong inaksayang oras. Nagpatulong ako ay manong na maihiga si Jelly sa likod ng van. Kinumutan ko siya at sinuotan ng headphones. Nang maisara ko ang pinto ay kaagad kong hinugot ang baril kong nasa aking hita.
In the modern-day, there are precious few hammer guns that make the concealed carry cut. Mainly because the striker-fired options have sucked the air from out of the room, but also because hammer guns by and large flirt with boat anchor status. Not the Smith & Wesson CSX because the trim little 9mm is tailored perfectly to EDC offering a unique and reliable defensive system. And I personally chose this weapon because it's easy to carry wherever I go.
Palakad- lakad ako habang naghihintay sa signal ni Clever pero halos ilang minuto na ang nakalipas, wala pa rin. Hindi na ako mapakali at habang tumatagal ay mas lalo lang ako kinakabahan.
Kinatok ko ang bintana ng driver’s seat at nang tuluyan itong maibaba ni manong ay kinusap ko siya.
“Manong, pakihatid na po si Jelly sa base. Baka mapahamak pa kayo rito. At pakisabihan ang komite na kailangan namin ng back- up, ASAP,” detalyadong utos ko kay manong.
YOU ARE READING
Entangled With You
De TodoCentury of years ago, the war between angels and demons had arisen. In a majestic palace of Heavenly Realm, Cyfrin, the Goddess of Love was entrusted by the Supreme Creator to protect the Kardia Temple where the Red Strings of Fate was located. Duri...