“Everyone, listen up! Lahat tayo ay sasakay sa school bus. Hindi pwedeng gumamit ng sarili ninyong service, okay? This is for everyone’s safety so please, cooperate.”
Pagkatapos ng paunang instruction ni Mrs. Guangco ay naging sunod- sunod ang reklamo at bulungan.
“Girl, lagot! Cancelledt ang plano natin nito.”
“Tanga mo kasi. Ang dami mo pang arte, di naman kagandahan sasakyan mo tapos mas malakas pa hangin ko sa ulo kesa sa buga ng aircon mo. Do’n na tayo sa service sumabay! Bukod sa de aircon, busog pa mga mata natin sa mga poging tanawin!”
“Bukod sa malandi ka, wala ka ring kwentang kaibigan!”
Napansin kong inirapan ng babae ang kaibigan niya. Kaagad akong umiwas ng tingin nang mapansin nilang nakatitig ako at palihim na napangiti sa asaran nilang dalawa.
Tumingkayad ako para hanapin si Kino sa mga taong nagkukumpulan. Sa tangkad kasi ni Kino, lagi siyang pansinin kahit sa lugar na maraming tao.
Halos nalibot na ng paningin ko ang buong gym pero hindi ko siya nakita. Naisip ko, baka wala pa siya rito.
Ilang minutes na lang aalis na pero wala pa siya?
“Sinong hinahanap mo?” tanong ng taong bagong sulpot sa likod ko.
Lumingon ako at mukha ni Stanley ang bumungad sa akin. Nakalahad sa harap ko ang kaniyang kanang kamay na may hawak na styro cup na may lamang umuusok pa na kape.
“Here. May nakita kasi akong nago- offer ng free coffee ro’n sa entrance building,” paliwanag niya habang nasa akin pa rin ang buong atensiyon.
Napansin kong nakabalot sa makapal na tissue paper ang cup ng binibigay niya sa akin samantalang ang isa pa niyang hawak sa kaniyang kaliwang kamay ay wala. Humigop siya sa cup na ’yon.
I accepted the coffee.
“Salamat,” tipid kong tugon.
Ito siguro ’yong free- coffee na project ng USG ng school. Nadaanan ko kasi silang nakapwesto kanina sa harap ng green building pero hindi ako humingi kasi bukod sa nahihiya ako, wala akong dala na cup.
Humigop ako. It’s still early and the air breeze was cold so the perfect warmth of coffee made me feel refreshed plus the gentle warmth of Stanley’s action.
To be honest, I didn’t take it seriously when he said last time that I didn’t need to ask for somebody’s company because he is my study- partner and it’s his job to accompany me.
Akala ko nagbibiro lang siya no’ng sinabi niya ’yon. But I was shocked earlier when I was about to go and I saw his car parking outside of our house. Muntik nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan.
Though nagkakilala na sila ni mama one time, gusto ko na hanggang do’n na lang ’yon. Ayaw ko na ulit siyang dalhin o papasukin pa sa bahay. Mamaya baka ano pa ang isipin ni mama. Ma- issue pa naman ang isang ’yon.
Dali- dali akong bumaba at nagpaalam kay mama bago pa bumusina si Stanley. Baka kapag nalaman ni mama na nandito si Stanley eh papapasukin niya pa ’yong isa.
I may sound rude and mean but as much as I can, I will set boundaries between us two. Tama na ’yong isa. Huwag na sanang masundan. Pinagbigyan ko lang siya no’n kasi birthday niya.
Matagal na naming itinatago ng kapatid ko ang tungkol sa pagsapi namin sa Risum. At sa ilang taon, hanggang ngayon ay walang ideya si mama. Natatakot ako na baka kapag napalapit sila ni Stanley sa isa’t isa ay mabuking kami. Tiyak na malalagot kami kay mama.
![](https://img.wattpad.com/cover/314717988-288-k664151.jpg)
YOU ARE READING
Entangled With You
DiversosCentury of years ago, the war between angels and demons had arisen. In a majestic palace of Heavenly Realm, Cyfrin, the Goddess of Love was entrusted by the Supreme Creator to protect the Kardia Temple where the Red Strings of Fate was located. Duri...