[01] MASSACRE: THE DARK AGES

95 2 2
                                    

PLANET ARCADIUS: 2630

<<LOCATION: THURNA KINGDOM - THE THORNS PLAIN>>

Fighting has been instil inside my whole system. That's all what I've been doing since I was born. My father sent me to the battle field to become a great warrior. Someone that will give him some benefit and fame. He never treated me as human. But despite his treatment, I learned to accept everything.

Sa loob ng labin-isang taon, tanging pinagtuunan ko ng atensyon ang pakikipaglaban sa mga Evil Ones o ang mga halimaw na siyang naghahasik ng kaguluhan at kamatayan sa Arcadius.

Isang araw, bigla na lamang silang lumitaw sa aming mundo. Walang nakakaalam kung saan sila nanggaling o kung saan ang kanilang pugad. Basta na lamang silang lilitaw sa kahit na anong parte sa lupain maging sa katubigan ng Arcadius. Libo-libo ang kanilang bilang at kasama ang isa nilang pinuno. They are wild vicious eating flesh monsters. They don't have mind of their own. As if they were undead a puppet. All they want, is to eat. To kill, in order to fill their hunger.

We have power of our own. Great soldiers and weapons. But all of that wasn't enough to annihilate their race.

I abhor the evil ones. If it wasn't for them, I would be just a normal teenage girl. I would be living with my family. I would probably be innocent. Someone who doesn't have any responsiblity.

For a warrior, I hated fighting. I hated warfare. I hated deaths but still, I can't turn my back from who and what I am. Kahit na labag sa kalooban ko ang lahat ng ito, sa huli ay wala akong magagawa kundi ang tanggapin ang lahat. Ang lumaban hanggang sa kamatayan.

Marami na akong nasaksihan habang nakikipagdima sa mga halimaw. Kamatayan, iyan ang nangunguna sa lahat. Ilang beses na akong palipat-lipat ng platoon na kinabibilangan dahil paubos nang paubos ang mga kasamahan namin. Sa haba ng panahon mas tumitindi ang lakas ng mga evil ones. They can easily, adapt to their environment. They are envolving. Mas lalo silang lumalakas at dumarami.

Nasaksihan ko rin kung paano mawalan ng pag-asa ang lahat. Nakakasuka, nakakinis, nakakagalit. Iyan ang pinaka-kinaayawan ko sa lahat. Ang mawalan sila ng pag-asa at basta na lamang sumuko sa laban para mamatay. Paano pa't nagsanay sila kung susuko rin lamang? Nakakahiya dahil mga mandirigma sila ngunit namatay dahil sumuko at naduwag.

Hindi makatarungan. Isa iyong kahihiyan. Ang mga Zoix na katulad namin ay mga mandirigmang pinili dahil may tinataglay kaming malakas na kapangyarihan at kakayahan na siyang makakatalo sa mga Evil Ones. We trained hard for this. To fight and not to die easily.

Nagpakawala ako ng buntong hininga. Kasalukuyang nasa labas ako ng border kasama ang ilang mga Zoix Warrior. Nahahati kami sa bawat Platoon. Ang isang Platoon ay binubuo ng hindi baba sa limampong katao.

Sa ngayon, apat na Platoon ang pinadala upang harapin ang mga parating na kalaban. Ang 9th, 7th, 5th at 8th. Nakakalat kami sa palibot ng border na siyang naghahati sa teritoryo ng kaharian ng Ashtharoth at Ash'ra. Hinihintay namin ang paglitaw ng mga Evil Ones. Ayon sa kanilang pattern ng paglitaw. Palaging nasa labas ng border sila lumilitaw gamit ang isang itim na portal.

Kinagat ko ang mansanas na hawak at itinaas ang scarf na itim upang itago ang ilong kong namumula na dahil sa lamig ng panahon. Maya't maya ang bagsak ng nyebe mula sa madilim na alapaap. Litaw ang maraming bituin sa madilim na kalangitan. Ang tahimik ng paligid pero hindi magtatagal ang ganitong mapayapang kapaligiran.

Panandalian akong napapikit nang may kung sinong nagsalita sa isipan ko. Isang mind link mula sa aming support o mas kilala bilang informant.

"They are coming, get ready."

PLANET ARCADIUS: Zoix WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon