—ARCADIUS 2615—
<<LOCATION: Felshiath Town — Northern side of Astoria's Border>>Isang batang babaeng may dalawang taong gulang ang napadpad malapit sa mismong border ng maliit na bayan ng Felshiath. Tahimik lamang siya habang nakaupo sa pinakasulok ng maduming eskinita. Nakapatong ang kaniyang braso sa payat niyang tuhod. Walang kabuhay-buhay ang kaniyang mga mata. Gulanit ang marumi niyang damit, wala rin siyang suot na panapin sa kaniyang mga paa. Kaya't makikita ang munting sugat sa kaniyang talampakan. Nagdurugo pa ang mga ito. Kapansin-pansin ang payat niyang pangangatawan. Nakalubog ang kaniyang pisngi at kitang-kita ang hubog ng kaniyang mga buto sa mura niyang katawan.
Sa kabila ng kalunos-lunos niyang itsura ay wala ni isa man sa mga Astorian ang pumapansin sa kaniya. Hindi na rin bago sa kanila ang mga batang katulad niya. Madalas makitang pakalat kalat sa bayang ito ang mga batang walang pamilya. Lalo pa't ang karamihan sa kanila ay iniwan. Ang iba naman ay bunga ng digmaan sa pagitan ng deviants at arcadians.
Ngunit, hindi siya kabilang sa mga kategoryang iyon.
Ang batang babae, ay may natatanging kulay itim na buhok, hindi siya isang Astorian. Sa katunayan, wala siyang alaala ng kaniyang nakaraan maging ng kaniyang pinagmulan. Wala siyang karunungan sa kahit na anumang bagay ni lenggwahe ay hindi niya maintindihan. Para siyang isang dayuhan sa mundong ito. Wala siyang alam at ni isa walang nais na siya'y tulungan.
Para sa kaniya, nakakatakot ang lugar kung nasaan siya. Maging ang mga nilalang na nasa paligid ay mas lalong nakakadagdag sa kaniyang takot at pangamba. Ngunit, naghahangad pa rin ang bata ng bukas palad na tutulong sa kaniya.
Kahit sino, pakiusap niya, bago pa siya panghinaan at tuluyang sumuko... sana ay may dumating upang siya'y tulungan. Kahit isa lang.
"Oya? What do we have here?" Isang baritonong boses ang nakakuha sa atensyon ng batang babae.
Dahan-dahan umangat ang mukha niya upang pagmasdan ang estrangherong nakatayo sa kaniyang harapan. Balot na balot ito ng isang itim na armor ngunit walang helmet na suot kaya lantad ang mukha nito. Puti ang buhok nito ngunit pansin ang ilang hiblang may bahid na kulay ginto. Ang bigute at balbas ng matandang lalaki ay mahaba na. Ngunit, kapansin-pansin ang malawak at maliwanag nitong ngiti.
Yumukod ang matanda sa kaniyang harapan. Mas lalong sumiksik sa malamig na pader ang batang babae. Matalas na tinitigan niya sa mata ang matandang mandirigma.
"You have a pair of beautiful eyes, dear child. The eyes of a warrior. Do you want to come with me, child?" saad nito sa lenggwaheng hindi niya maintindihan ngunit nilahad nito ang kanang kamay.
Nanatili siyang walang imik. Tinitimbang ang sitwasyon. Dapat nga ba niyang pagkatiwalaan ito? Dapat ba siyang sumama sa isang estrangherong matanda?
Alam niyang, ito ang huling tsansang mayroon siya. Isang pagkakamaling desisyon, tiyak, may malaking kapalit.
Ngunit, malinaw ang mga mata nito. Walang bahid ng anumang masamang intensyon.
Kahit naghihinala ay inilahad niya ang payat niyang mga kamay at itinapat niya iyon sa ibabaw ng malaking palad ng matandang Zoix.
Mas lumawak pa ang ngiti ng matanda, at masayang mahigpit na hinawakan ang maliit na kamay ng bata.
"Ikinagagalak kitang makilala, ako si Vixon. Simula sa araw na ito, ako ang magiging Lolo mo... zero."
...
—PRESENT TIME—
<<LOCATION: Vixconzé Academy>>
BINABASA MO ANG
PLANET ARCADIUS: Zoix Warrior
Science FictionSa planetang Arcadius, taong 2500, ang 'di makakalimutang taon kung kailan sumiklab ang unang digmaan sa pagitan ng mga Arcadians laban sa mga nilalang na nagmula sa ibang dimensyon na kanilang binansagan bilang evil ones. Exceed ang tawag sa dimens...