[16] TURNING POINT

35 4 5
                                    

Lumalalim na ang gabi nang nagmulat ng mga mata si Ruka. Tumatama ang liwanag na mula sa kalahating buwan sa kaniyang mukha kaya’t napunta ang kaniyang pansin sa bintanang yari sa bubog, nakabukas ito maging ang kurtina ay nakahawi sa tabi. Nilibot niya ang paningin sa loob ng silid kung saan siya kasalukuyang nagpapahinga. Malawak ang silid, kulay puti ang pader maging ang kesame, subalit hindi ito ang kaniyang kwarto.

Nanghihinang umupo siya sa kama. Kumirot ang kaniyang ulo, hinilot niya ito at muling inobserbahan ang paligid. Napangiwi si Ruka. She never seen a place like this before. Puro kulay lila ang lahat ng nakikita niyang kagamitan sa silid. Hindi naman halatang ito ang paboritong kulay ng may-ari ng kwarto.

Humahampas ang malamig na hangin mula sa labas ng bukas na bintana. Malayang sumasabay dito ang kulay lila na kurtina maging ang ilang mga dahon at sanga ng mga puno. Sa kabila nang kaniyang panghihina, inilapat niya ang talampakan sa malambot na carpet, bago dahan-dahan na lumapit sa veranda kung saan makikita ang kabuuan ng acedemia. Napapikit pa ang dalaga nang biglang lumakas ang ihip ng hangin kaya’t kaniyang inipit ang ilang hiblang tinatangay nito sa kaniyang noo patungo sa kaniyang punong tenga. Nababalutan ng kulay asul na dome ang buong Valkyrie City. Iyon ay lumiliwanag rin sa dilim kasama ang mumunting ilaw na may iba’t ibang kulay at hugis bilog, pawang alitaptap ang mga ito sa hangin.

She was speechless. Ngayon na lamang niya muling napagmasdan ang tanawin sa gabi. Kailan nga ba ang huling beses nang malaya niyang mapagmasdan ang kaniyang paligid nang walang kaugnayan sa pakikipaglaban? Pathetic it may sound but she can’t remember. Kumikinang ang maraming bituin sa madilim na kalangitan, ngunit mas nakaagaw ng pansin ang kalahating buwan. They say only perfect things can take your breath away but they were wrong, even imperfection can be beautiful on their own way, just like the half-moon.

“Mabuti gising ka na,” saad ng isang malamyos na tinig mula sa kaniyang likuran.

Mabilis nilingon ng dalaga ang nagsalita. Bumungad sa kaniyang ang isang dalagang sa tingin niya ay aabot sa edad na dalawampo’t lima o anim. Mas matanngkad ito sa kaniya nang halos dalawang talampakan. Nakalugay ang kulay lila nitong mahabang buhok, at kapansin-pansin ang kulay hazel nitong mga matang nakatuon ang atensyon sa kaniya.

Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. She feels familiar. This… why is she feeling nostalgic?

“Sino ka?’ agarang tanong ni Ruka sa babaeng kaharap. Bakit pamilyar sa kaniya ito?

Tumaas ng gilid ng labi nito. “Seriously, you are asking me that question? My, my. At akala ko sa muli nating pagkikita ay madali mo lang akong makikilala.” May halong pagkadismaya ang sinabi nito na ikinakunot ng noo ni Ruka.

“Huh? Bakit hindi mo na lang sabihin para—” isang mabilis na bagay ang biglang dumaplis sa kanang pisngi ni Ruka na kaniyang hindi naiwasan. Nahiwa ang malambot niyang balat, bumukas iyon at lumandas ang malapot na pulang likido pababa sa kaniyang baba.

“Are you this dense towards stranger? Dahil ba mukha akong ‘di makabasag pinggan ay madali mong ibinaba ang depensa mo pagdating sa ‘kin? Pathetic,” punang muli nito habang nakalahad ang kamay at may nakalutang sa ibabaw ng palad nito na kulay pulang crystal. Marami iyon at nakahugis patusok.

Nanlaki ang mga mata ni Ruka dahil sa pagkamangha. Isa siyang artisan. Iilan lamang ang mga arcadians na may kakayahang lumikha ng mga bagay gamit ang manang nasa kanilang paligid. Mainly they are working under the weapon manufacturing department. Maybe, she’s one of them. But, why is she attacking her?

“You never even hesitate to attacked me.” Humawak sa kanang pisngi si Ruka, hindi siya makapaniwalang nagawa siyang atakihin nito samantalang wala naman siyang ginagawa ditong masama. “Why is that?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PLANET ARCADIUS: Zoix WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon