[11] CATALYST

44 2 0
                                    

NOEIN

Noein Corpus, 17. Nanggaling ako sa Zarconia. Ang aking mga magulang ay kilalang scientist at imbentor sa buong Arcadius. Itinalaga ako bilang head ng resources team. Kami ang nakatalagang mangalap ng mga mahalagang bagay katulad ng pagkain, materyales na kailangan sa paglikha ng armour, vehicles, ammunition, VOX weapon, etc. sa iba't ibang lugar dito sa Arcadius.

Katulad ng patuloy na suliranin sa pagkain, nangalap kami ng lugar na maaring pagkunan nito at ang ilan sa mga nakuha namin ay mga punlang aming itinanim sa mismong academy garden. Iyon ang dahilan kung bakit patuloy kaming may pinagkukunan ng makakain araw-araw.

Lahat ng myembro ng Oracle Knight, may kaniya-kaniyang team na pinamumunuan. Hindi lamang ako ang may mahalagang role na ginagampanan.

Dahil sa isang pangyayaring naganap noong bata pa lamang ako, ay ninais kong maging Zoix dahil para iyon sa kaniya. Ang lalaking pangarap na makamit ito dati, subalit dahil sa isang insidente, imposible niyang matupad ang pangarap niya. Siya ang pinanghugutan ko ng motibasyon at lakas. Kahit mahirap ay kinaya ko ang mahihpit na pagsasanay at hindi sumuko. Siya, ang rason kung paano ako nakarating sa pwesto ko ngayon at napabilang sa Oracle Knights ng aming Academy.

I will became a Zoix in his place. I'll make sure of that.

...

"Napili ko na ikaw at ang grupo ni Autumn ang ipadalang task force sa Mysthic Forest. Isama mo rin si Ms. Drios sa secret operation n'yo," seryosong saad ni Mr. Jen'r.

Kumunot ang noo ko dahil sa narinig. Bakit kailangang isama ang isang baguhan? Mapanganib ang gagawin naming misyon, tapos sa lahat ng maari naming isama ay isang baguhan pa?

Gosh! Is the Dean thinking right? Or maybe, he is joking? Wait, tatawa na ba ko?

Napansin ng Dean ang naging reaksyon ko. He took a deep sighed. "Trust me on this, Ms. Corpuz. She might seem like normal but don't let her deceive you. She can help your group. You can count on my words."

That was exactly the words the Dean told me about her. Ruka Almerah Drios is her name. The newbie in our Academy. She might be strong but I don't fully believe her capabilities. So, what is the reason Mr. Jen'r trusted her so much?

Hindi naman sa minamaliit ko ang kakayahan niya dahil baguhan siya pero hindi n'yo ako masisisi. Ayon sa datos, 16 anyos lamang siya, ibig sabihin mas matanda ako sa kaniya. Isa pa sa dahilan ko, kadarating pa lamang niya sa Academy. May mas matagal pa sa kaniya na may mahabang kasanayan at karanasan sa ganitong misyon. Hindi ba masyadong unfair para mapagbigyan ang isang gaya niya na sumama sa amin ngunit hindi ang iba?

"Delikado ang gagawin ninyong misyon, Ms. Corpuz. She will be my precautionary measure. Please, don't forget your first priority is your safety."

Sariwa sa isipan ko ang mga katagang binitiwan ng aming Dean bago pa kami sumuong sa aming misyon sa Mysthic Forest kasama ang team ni Autumn at kahit labag sa kalooban ko, isinama ko rin si Ruka.

Speaking of her. I already have my first impression of her, she's reckless, obstinate, self-center, and disobedient. Mas madaragdagan pa ang listahan ko ng mga bagay na hindi ko gusto sa babaeng 'yon. Sumasakit ang ulo ko. Malaki ang pagkadisgusto ko sa mga taong hindi marunong sumunod sa mga sinasabi ko.

PLANET ARCADIUS: Zoix WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon