<<LOCATION: VALKYRIE CITY—VIXCONZÈ ACADEMY>>
Tagaktak ang pawis ko habang lihim na pinaglalaruan ang mga daliri ng kamay ko na nakapatong sa mga hita ko. Sa unang pagkakataon, nasa harapan ko ang Dean ng Vixconzè Academy na si Mr. Luewen Jen'r.
Sa edad na trenta uno ay mababakas pa rin ang pagiging matipuno nito. Seryoso ang tingin niya sa holographic files na tungkol sa akin. It was about sent by the Elders. Habang busy siya sa pagbabasa deretcho naman nakatingin sa akin ang assistant nito na si Mrs. Yuela Agron. Kung yelo lamang ako ay kanina pa ako natunaw dahil sa mainit na tingin nito.
"I see, welcome to our Academy, Ms. Drios. It was a great pleasure to meet you in person. I never thought I could have a chance to meet someone from the front lines." Nakangiti si Mr. Dean. Mukha naman siyang mabait. Maaliwalas rin ang kaniyang mukha at wais na tao.
"I'll stay here because of the Elder's order. Then afterwards, babalik ulit ako sa front lines," saad ko na ikinatango niya.
"Huwag kang magmabilis, iha. Just enjoy your stay in here. As what the elders stated in the letter you'll be sent in Class 1, infielder." Inilapag niya sa harapan ko ang registration card ko saka kasama na roon ang schedule ko at maging ang isang singsing.
"You are officialy registered as a student of Vixconzè. Your uniform will be sent in your dorm, later. Palagi mong isuot ang singsing. Iyan ang patunay na parte ka ng aming akademya at iyan din ay magagamit mo para makapasok sa ilang facility dito sa school. Wala naman akong ibang mapapayo sa 'yo kundi ang pagsunod sa batas ng eskwelahan. Una, bawal mahuli sa klase. Ikalawa, bawal maglaban sa loob ng school. We have an arena for that. Ikatlo, igalang ang mga instructor. Ikaapat, kailangan tumanggap ng misyon na mula pa sa guild hall natin. Hmn. Iyon lang."
Ha? Anong klaseng batas iyon? Ang ikli naman. Wala na bang mas mabigat na rules?
"Mrs. Argon kayo na ang bahala na magdala sa kaniya sa dormitory."
Bahagyang yumuko ito. "Ako na pong bahala." Tiningnan niya ako. "Ms. Drios, come with me."
Nagpaalam ako sa aming Dean bago sumunod kay Mrs. Argon na mabilis sa kaniyang paglalakad. Namamangha kong pinagmasdan ang bawat sulok ng Academia. Malinis ang puting pader na may mga golden linings pa bilang desenyo at maraming chandelier ang nakasabit sa mataas na kisame. Tunay ngang pinagtuunan nang yaman at mabuting pinag-isipan ang architectural design maging ang interior ng school.
Noong nasa Thurna ako, hindi naman ganito ang paaralan roon. Ang totoo, sa isang malawak na gubat kami noon pinagsanay ng aming guro. Survival of the fittest. They expose us to the threats of the Evil ones and not hidden us in the comfort of this extravagant place. Kaya naman, bata pa lamang ako sanay na ako sa kahit na anong klase na lugar. I can easily adapt.
Nagtungo kami sa west hall kung saan ang daan patungo sa girl's dormitory samantalang sa east naman matatagpuan ang boy's dormitory.
"There are curfew hours. Alas-syete ay kailangan nasa dorm na. Ang lalabag ay may karampatang parusa." Ang strikta naman pala.
"Naiintindihan ko po."
Saka wala naman akong choice kundi ang sumunod. The elders just told me to stay here for 4 years bago nila ako payagan na makabalik sa Thurna - ang pinakasentro ng bawat kaharian. Madalas matatagpuan doon ang maramihang paglusob ng evil ones. Napakuyom ako ng kamao. I have to get stronger. Kailangan kapag napagpasiyahan na lumitaw ng kahit na sinong Devians! Ako mismo ang wawasak sa kanila. Isang malaking pagkakamali na nagawa nila akong buhayin.
BINABASA MO ANG
PLANET ARCADIUS: Zoix Warrior
Science FictionSa planetang Arcadius, taong 2500, ang 'di makakalimutang taon kung kailan sumiklab ang unang digmaan sa pagitan ng mga Arcadians laban sa mga nilalang na nagmula sa ibang dimensyon na kanilang binansagan bilang evil ones. Exceed ang tawag sa dimens...