Kilala ako bilang hardworker at dakilang loner sa aming platoon. Palagi akong nasa training room o 'di kaya sa simulator area kung saan malaya akong makakapagsanay na walang sagabal. Kahit minsan hindi ko pinabayaan ang training ko dahil iyon na rin ang nakasanayan ko.
I have to get stronger! I need more strength. I'm really greedy but I'm not wrong for desiring to become powerful. Dahil sa aming henerasyon ng pakikipaglaban sa mga evil ones. Kung malakas ka, may tsansa kang mabuhay. May tsansa kang madagdagan ng isa pang araw ang buhay mo habang nasa front lines.
Wala akong ibang hinangad, kundi ang maging malakas. I don't need family affection because my own already abandoned me. Hindi ko nanaisin na maulit muli ang nangyari noon. If they treated me as if I'm an object of benefits might as well be selfish then I shall love myself even more than I already have.
But... my visions crumbled when I met him. The only one who showed me the importance of comrades. He taught me that I have people who will cherish me as a person - as someone who's significant. He taught me so many things that even father never even told me once. Friedrich, had given me emotions.
He was the mentor I will never forget. Ever.
...
Bzzt! Bzzt! Mabilis akong nagmulat ng mga mata matapos maramdaman ang pag-vibrate ng watch ko. I am in daze. I dreamt of the past all over again. Hinawakan ko ang aking pisngi dahil alam kong namamasa na naman iyon dahil sa luhang akala ko hindi na muling dadaloy pa.
Napabuga ako ng hangin bago naupo sa malambot kong kama. Nilingon ko ang pwesto ni Diana. Napangiti ako dahil tulog pa ito. Maingat akong tumayo para lapitan siya at ayusin ang kumot niya. I already remember why she's familiar. Kapatid pala siya ni Dmitri. Magkatulad sila ng kulay ng mga mata.
Nagtungo ako sa banyo para mag-ayos ng sarili dahil ngayon ang ikalawang araw ko sa task na binigay ng Dean. He even take the initiative to excuse me to my classes. Ganito niya pinahalagahan ang pagiging alila ko? Napailing ako sa isiping iyon.
Hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig sa buo kong katawan. Tinaas ko ang bionic arm na gawa sa matibay na armor ng mga Aeions. Labag man sa kalooban ko na sumailalim sa ekperimentong iyon dahil gagamitin nila ang mga labi ng evil ones na kinasusuklaman ko pero dahil sa mas mataas ang pag-aasam ko na muling lumakas pa at makalaban muli kaya't pumayag ako.
Ilang taon pa, babalik ako muli sa front lines. Titiyakin kong pagbabayarin ko sila sa pagkamatay ng buo kong platoon. Kinuyom ko ang aking kamao. Sinusumpa ko, hahanapin ko ang halimaw na 'yon. Ang Exceed. At ako, ang tatapos sa lahi nila.
Napabuga ako ng hangin para kalmahin ang sarili ko bago ipinagpatuloy ang paliligo ko. Pagkatapos, nagbihis lamang ako ng simpleng black pants, boots, at turtle neck sleeves na kulay dark blue.
Paglabas ko mula sa shower ay dumeretcho ako sa kusina para magluto ng breakfast. Binuksan ko ang isang space o portal na konektado sa isang malaking farm para mamitas ng fresh veggie at fruits.
Pagtapos maihanda ang mga sangkap ay saka ko i-on ang electric stove at nagsimulang ihanda ang simpleng umagahan. Nag-toast na rin ako ng tinapay at nagtimpla ng vanilla, hot cocoa at kape.
Three serving ang hinanda ko dahil sasabay ang dalawa sa akin. Matapos kong ayusin ang pagkain sa mesa nang sabay na pumasok sa dining area sina Shantal at Diana. Nakabihis na ang mga ito ng kanilang uniform.
"Morning, Ruka!" energetic na bati ni Shantal bago naupo.
Naupo sa tabi ko si Diana. "Good morning too! Thanks for this bountiful breakfast again, Ruka."
BINABASA MO ANG
PLANET ARCADIUS: Zoix Warrior
Science FictionSa planetang Arcadius, taong 2500, ang 'di makakalimutang taon kung kailan sumiklab ang unang digmaan sa pagitan ng mga Arcadians laban sa mga nilalang na nagmula sa ibang dimensyon na kanilang binansagan bilang evil ones. Exceed ang tawag sa dimens...