“You must remember, don’t let your emotions gets into you,” paalala ni Lolo Rox. “May pagkatanga ka pa man din.”
Ngumiwi si Ruka. “Pero, Lolo naman. Ang hirap naman kasi ng pinapagawa n’yo.” Dumapa sa sa ibabaw ng malambot niyang kama ang dalaga habang kaharap ang transparent window panel kung saan naroon ang mukha ng isang matandang doctor na si Roxiel Santiego.
Ang matandang nag-aruga sa kaniya nang ipinadala siya ng kaniyang ama sa Thurna ito rin ang nagtiyagang nagbantay sa kaniya sa kaharian ng Shusen matapos siyang doon ipatapon ng Elders nang halos sampong taon. Malaki ang utang na loob niya dito dahil sa kabila ng mga nangyari sa kaniya, ito lamang ang nag-iisang nanatili sa kaniyang tabi ng mahabang panahon.
“Huwag kang magreklamo, apo. Sumunod ka sa bawat sinasabi ko sa’yo. Mas ikabubuti mo kong hindi ka magpapadala sa emosyon mo. Huwag mong sayangin ang lahat ng pinagdaanan mong pagsasanay dito sa Shusen.”
Tumango si Ruka. “Gagawin ko ang sinabi n’yo, Lolo. Pero, hindi ko kayang habambuhay na kontrolin ang sarilli ko lalo na’t may mga taong palaging nakaantabay sa bawat galaw ko. Nais ko lang na bumalik sa front lines. Mahirap bang pagbigyan ako?”
“Ruka, apo, nag-iingat lamang mga Elders, lalo pa’t alam nila kung ano ang kakayahan mo.”
“Nag-iingat? O baka, natatakot sila sa kaya kong gawin. Noon pa man, gusto nilang ikulong ako sa kanilang mga kamay. Ngayong nagkaroon sila ng tsansang gawin ang pakay nila. Hinding-hindi na nila ako pakakawalan pa.”
Humaplos sa mahabang balbas si Rox: “I need to go, apo. They need me. Just don’t forget what I told you and always take care of yourself.”
Ngumiti ang dalaga. Naantig ang damdamin sa sinabi nito. “I’m not a child anymore, Lolo. Kaya ko na ang sarili ko. Malaya kayong gawin ang mga nais n’yo. Huwag n’yo na akong alalahanin pa.”
“Fine, I already sent your battle armor and Vox weapon. It’s already been upgraded. Siguro naman, malaki ang maitutulong nito sa’yo sa pakikipaglaban mo. Good bye, Iha.”
Namatay na ang tawag. Niyakap ni Ruka ang unan niya at ibinaon ang ulo niya dito. She’s not stable. Something is happening to her. It’s making her inhumane.
Matapos niyang sumailalim sa body modification. Mas lalong nalantad ang pagiging kakaiba niya. Not because of the physical looks of her new limbs but because of her right eye. It’s making her irritated. Her emotions are getting out of control and that is not a good thing for her. Especially, to the elders who are keeping an eye on her.
They will not hesitate to eliminate her, if she became a big threat to them. She sighed and closed her eyes. Tomorrow, she still has class and she’s too tired to think anymore. Sleep, she needs lots of it.
…
“Have you heard?”
“Annual mock battle is approaching!”
“Sa Null Island gaganapin ang kompetisyon.”
“Talaga? Hindi ba masyadong malayo at mapanganib sa islang iyon?”
“Matatagpuan ang Isla sa pinakadulo ng hilagang kanluran ng Livithian Kingdom. Bakit kaya doon ang napiling designadong lugar ng Mock Battle? Dati naman ay palaging sa Central part ng Thurna ginaganap ang kompetisyong ito.”
“Ayon sa nakalap kong impormasyon mayroong Gigantus sa islang iyon. Halos limang taon na itong naninirahan sa isla pero wala itong ibang naging aksyon kundi ang matulog lamang.”
“Kaya ba ito ang napiling lugar ng Elders?”
“Nagkakamali ka. Siguro ‘di ganun iyon kapanganib dahil maraming dadalong full pledge Zoix sa kompetisyon. Idagdag pa ang mga paladin ng iba’t ibang kaharian. Kung may ‘di inaasahang maganap nandyan naman sila para tumulong.”
BINABASA MO ANG
PLANET ARCADIUS: Zoix Warrior
Science FictionSa planetang Arcadius, taong 2500, ang 'di makakalimutang taon kung kailan sumiklab ang unang digmaan sa pagitan ng mga Arcadians laban sa mga nilalang na nagmula sa ibang dimensyon na kanilang binansagan bilang evil ones. Exceed ang tawag sa dimens...