Paalala: May mga maseselang eksena sa chapter na ito.
Don't forget to Vote and Follow me para malaman n'yo kung kailan ang next update dahil magiging busy ulit si ako.
...
Mula sa ituktok na sanga ng isang higanteng puno. Doon matatanaw ang isang nakatayong pigura. Matikas ang pangangatawan nito, malapad ang likod at balikat. Matangkad at mahaba ang binti at hita. Balot na balot ng isang itim na kapa ang kaniyang kabuuan nakatago sa ilalim nito ang suot niyang armor.
Walang makakita sa ekpresyon sa kaniyang mukha subalit malaki ang ngisi niya sa loob ng helmet —natutuwa sa pinapanood— sa kasalukuyang pakikipagsagupaan ng mga Aieons sa grupo ng Zoix. Ilang sandali, mauubos ang stamina ng grupo laban sa maraming batalyon ng mga Aieons, idagdag pa ang ina ng mga ito.
"Tch, pathetic Arcadians, I'll make sure this place, will be their graveyard." Umismid siya matapos makita ang kalunos-lunos na itsura ng Mother Aeions.
Nakalugmok ang katawan nito sa lawang naubusan ng tubig. Wala siya nang maganap ang pagsabog. Kaya't 'di niya napigilang protektahan ang mga itlog nito. Nanghihinayang na napailing siya dahil doon.
"They killed her hatchling. Yari ako nito kapag nalaman nila ang nangyari. Pero, sisiguraduhin kong walang matitirang buhay sa kanila."
Maya maya, inilahad niya ang kanang kamay. Sa palad niya lumabas ang isang maliit na kwadrado ang hugis at kulay itim. Makinis ito at kumukinang. Lumiwanag ang matingkad na kulay asul nang lumitaw ang iba't ibang linya at simbolo sa paligid nito bago bumukas ang apat na gilid. Isang itim na perlas ang nasa gitna. Ito ang dahilan kung paano biglang nagkaroon ng dark miasma.
Ang mapanganib na hanging matatagpuan lamang sa Exceed. Nakamamatay ito, pawang asidong sisira sa anumang madaitan. Matutunaw ang buto kasama ang laman, walang matitira. Katulad nito ang laway ng mga Aieons. Dahil, doon naninirahan ang mga nilalang na ito, sa dark quantum realm, ang pinagmulan ng itim na miasma.
Ang mga halimaw ang kanilang sandatahang lakas na kanilang ginagamit sa pagsakop sa iba't ibang dimensyon. Laro lamang ang ganito, kumpara kung ang mga Deviants mismo ang gagawa ng aksyon.
"Pasalamat kayo dahil natutuwa pa ang aming hari sa panonood kung paano kayo maghirap. Kaawa-awang nilalang. Dahil, kahit anong gawin n'yong pagpapalakas, ay wala iyong magagawa para pigilan kaming sakupin ang mundong 'to."
Patuloy ang pagsakop ng dark miasma sa outer region ng Mysthic. Ito ang kaniyang misyon sa pagpunta sa Arcadius. Kaguluhan, kamatayan, pagkawasak. Sisiguraduhin niyang walang matitira sa lahat ng pinagkukunan ng yaman ng mga Arcadius at dito pa lamang ang simula.
Hindi niya mapigilang mapahalakhak sa katuwaan, hanggang sa isang malakas na pwersa ang biglang umatake sa kaniya. Mula sa kung saan, bumulaga sa kaniyang harapan ang isang babaeng arcadians na walang ni isang armor na suot. Isang malakas na sipa ang pinakawalan nito sa gilid ng kaniyang mukha na siyang kaniyang ikinatalsik —pabulusok— paibaba sa maruming kalupaan. Sumadsad ang buo niyang katawan. Naghawian ang matataas na talahiban hanggang sa bumaon ang malaki niyang katawan sa malaking tipak ng bato.
"Ack!!" bumulwak ang itim na dugo sa kaniyang bibig. Maging ang suot niyang helmet ay nagkapira-piraso nang tuluyan dahil sa sobrang lakas ng sipa nito at lumantad ang tinatago niyang itsura.
Ang itim niyang mga mata. Ang isang maliit na sungay sa kanan ng kaniyang ulo. Ang maliit na black core sa noo. At matalas niyang mga ngipin at puting mga buhok. Ang katunayan na isa siyang Deviants.
Mabigat ang pag-apak ni Ruka sa bawat sanga ng puno. Lumalangitngit ito sa ilalim ng kaniyang talampakan. Tila, hangin siya sa bilis ng kaniyang pagtakbo at pagtalon. Walang mababakas na anumang emosyon sa kaniyang mukha. Deretcho lamang ang kaniyang tingin sa iisang dereksyon.
BINABASA MO ANG
PLANET ARCADIUS: Zoix Warrior
Science FictionSa planetang Arcadius, taong 2500, ang 'di makakalimutang taon kung kailan sumiklab ang unang digmaan sa pagitan ng mga Arcadians laban sa mga nilalang na nagmula sa ibang dimensyon na kanilang binansagan bilang evil ones. Exceed ang tawag sa dimens...