PLANET ARCADIUS: 2640
<<LOCATION: LIVITHIAN KINGDOM>>
"Next stop! Valkyrie City! But I have to take another bullet train to arrive there."
Napangiwi ako dahil do'n. Ilang train pa ba ang dapat kong sakyan para lamang makarating sa pakay na lugar? Halos isang araw na akong naglalakbay para lamang makarating sa Capital ng Water Kingdom.
Tiningnan ko ang hawak kong mapa. Mula sa bayan ng Shüra, na makikita sa border pa ng Kaharian ng Shoüzen patungo dito. Umabot iyon nang halos walong oras na byahe. Tumigil ang sinakyan ko sa stasyon ng tren sa unang bayan - ang Catiœn. Ito ang bayan malapit sa border ng Levithian Kingdom at ng pinanggalingan ko. Pagkatapos ay kailangan ko pang sumakay ng panibagong bullet train patungo sa Capital City - Valkyrie. Ang lugar kung saan matatagpuan ang Vixconzè Academy.
Sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang tungkol sa Academy! Walang mapaglagyan ang kasiyahan sa puso ko! At last, I was given a chance to enter the Zoix School! Iyon ang pinakakilalang paaralan ng tanyag na mga mandirigma sa buong Arcadian!
Mula pagkabata hinahanggaan ko na ang mga Zoix warrior! Sila ang mga tagapagligtas ng aming mundo laban sa mga Evil Ones! Nakita ko mismo kung paano nila kami iniligtas mula sa mga nilalang na iyon. They are so cool! Matatawag silang mga bayani! Matagal ko na silang iniidolo! At isa pa, gusto kong matutunan na lumaban.
Napabuga ako ng hangin.
Cheer up, Ruk! Makakaya mo rin ang lahat basta may sipag at tiyaga! May nilaga! Aja!
Pinagpatuloy ko ang aking paglalakbay. Bumili ako ng ticket patungo sa capital. Sa paraan ng pagbabayad kailangan lamang itapat ang aming hi-tech wrist watch sa scanner at awtimatiko na bayad na iyon hanggat may laman ang account namin.
Sa panahon ngayon, mas naging advance na ang sibilisasyon sa Arcadius. Sa tulong ng aming mahika mas pinataas ang kalidad ng aming teknolohiya. Mas pinatibay din ang lahat ng border sa bawat kaharian sa Arcadius dahil na rin sa banta ng aming mga kalaban. Kahit saan magpunta, matatanaw ang malahiganteng pader na siyang nakatayo sa bawat border. Hindi lamang iyon ang nagsisilbing barrier, dahil ang buong kaharian ay napapalibutan ng isang transparent na dome. It was a barrier made from unwavering protective spells that was casted by the Kings and Queens themselves.
Matibay rin ang malaking pader, gawa iyon sa patong-patong na pinakamatibay na uri ng bato at mga materyales na matatagpuan sa aming mundo at isama na rin ang labi ng mga evil ones na sadyang matibay. Ginawa ang lahat ng iyan para proteksyunan ang mga Arcadians pero hindi sapat ang magtago na lamang kami sa nagtataasang pader. Kailangan din namin lumaban kaya itinatag ang iba't ibang Zoix Schools sa bawat kaharian pero pinakakilala sa kanilang lahat ang nasa Vixconzè Academy.
Ang mga Zoix ay mga mandirigma na tinatawag din na protector at guadians. Maliban sa pangmilitar na sundalo mas nakakataas ang mga Zoix. They are more skillful when it comes to eliminating the evil ones. Mas matindi rin ang kanilang training.
Paano ko nalaman? Sa daldal ba naman ng matandang hukluban na iyon. Talambuhay niya na ang ikinuwento sa akin. Ang lolo ko ay kilalang retirado na Zoix Warrior. He's the one who trained me when I was a child. I don't have parents. Si Lolo Rox ang kinalakhan kong guardian. Kaya malaki talaga ang paghanga ko sa mga Zoix.
BINABASA MO ANG
PLANET ARCADIUS: Zoix Warrior
Science FictionSa planetang Arcadius, taong 2500, ang 'di makakalimutang taon kung kailan sumiklab ang unang digmaan sa pagitan ng mga Arcadians laban sa mga nilalang na nagmula sa ibang dimensyon na kanilang binansagan bilang evil ones. Exceed ang tawag sa dimens...