[04] THE DUEL

46 1 1
                                    

When I was just five years old, grandpa Rox taught me how to fight using hand to hand combat. I never had a chance to defeat him back then but he never hold back. He fight me seriously to show how much severe my training was. I learned how to take pain. I learned to experience beaten to a pulp by thousands of times. I learned to gave up but afterwards, stand up another day-to fight again.

He made me understand my own capability. And that was just my stepping stone as a warrior. But what essential is that I learned to never gave up and to always be humble. Maybe I should teach that Keleon guy some lessons too? Wala naman masama kung gawin ko iyon. Masyado na siyang kinain ng kayabangan at pagiging arogante.

Hindi dahil sa malakas siya ay gagamitin na niya iyon para sa pansariling kapakinabangan. Saka, ginamit pa niya iyon para manakot. Ano bang nangyayari sa mundong ito? Lumalaganap na nga ang panganib sa labas ng border tapos, maging dito sa loob may banta rin? Wala nang mapaglagyan ang kapayapaan.

Inayos ko ang pagkakasuot ng red longsleeves sa katawan ko naka-tuck-in iyon sa pantalon na black saka isinunod ang isang white vest na may golden lining. Ibinutones ko iyon kaya masyadong nahulma ang katawan ko maging ang 'di kalakihang dibdib. Pinagmasdan ko ang kabuuan ko sa human size mirror. Sa halip na palda ay pantalon ang pang-ibaba saka isang pares ng black knee boots.

Kulay pula ang longsleeves para sa infielder, sa support class naman ay asul at ang panghuli kulay berde at nakasuot ng skirt sa mga babae at pantalon sa mga lalakeng healer.

I like our uniform but what will happen if it was use in battle?

"Tapos ka na?" usisa ni Diana.

Nilingon ko siya. Nakasalapid ang mahabang itim niyang buhok at asul na laso ang panali. Nakapalda siya ng itim at berde na longsleeves. Healer class pala si Dianan pero ang nakakuha sa atensyon ko ang pinapagla niyang dibdib. Napasimangot ako bago napabaling sa akin. Napabuga ako ng hangin. Kumakain naman ako ng marami bakit hindi ata lumalaki?

Well, pwede pa rin akong maghintay.

Mabilis ko lang sinuklay ang buhok ko. Maikli lang naman kasi ang buhok ko na gabatok. Lolo always reminds me that I should cut my hair short. Malaki daw sagabal sa laban kapag mahaba ang buhok.

"Tapos na! Let's go!" Ambang bubuksan ko na sana ang pinto nang hilahin niya ang braso ko at pinaupo sa kaharap ang salamin.

"You should treat your hair properly," panimula niya bago muling suklayin ang maikli kong buhok.

"Eh? Kunting suklay lang kailangan ng buhok kasi maikli naman ito."

Napabuga siya ng hangin. "Still not good enough. What have been you doing with yourself? A lady is suppose to take care of her body."

Napangiwi ako sa sinasabi ni Diana. Ang totoo, wala ang proper etiquette sa mga pinag-aralan ko. Tanging pakikipaglaban lamang kaya siguro medyo brusko ako gumalay kumpara sa kanila na kahit nakikipaglaban ay naroroon pa rin ang pagiging elegante at babaeng kilos.

Sinalapid niya ang buhok ko at inipon iyon sa likuran at inipitan ng isang hairclip na parang rosas ang disenyo. Diana is a gentle person. Sinuklay niya ang dulo ng buhok ko at nang makitang maayos na ang kaniyang gawa saka lamang niya ako pinakawalan.

"Let's go! Shantal is patienlty waiting outside." Hinawakan niya ulit ang braso ko at sabay kaming lumabas at tulad ng sinabi ni Dianan naroon nga sa labas si Shantal.

Nakalugay ang kulay kahel niyang buhok habang may clip sa kanan gilid ng kaniyang buhok. Nakasuot rin siya ng katulad ng kay Diana. Healer class 2nd year. Kahit walang kulurete sa mukha ang dalawa ay lantad pa rin ang natural nilang ganda.

PLANET ARCADIUS: Zoix WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon