The world really curse me to death. I am believing that notion right now. Why did I have to suffer like this all the time? Despite the reality that I was the victim here! Way to go ignoring my pleas!
Nagpahid ako ng pawis gamit ang likuran ng palad ko. Ang init dito sa loob ng storage room, isama pa ang pagod ko dahil sa pagbuhat ko sa halos limampong kahon na ubod ng bigat. Parang malaking bato ang laman ng mga ito. Sakit sa braso at balikat.
"You know, we have towels over here?" agaw atensyon ng tagapagbantay ko.
Oh, I almost forgot. I'm not alone. Napasimangot ako at hindi maiwasan na maasar matapos marinig ang boses nitong may pagkamahinhin pero iba ang dating sa akin. Mataray siya at kung utusan ako wagas!
I'm not a slave if she just know who I am. Tiyak, hinding-hindi niya ito ipapagawa sa akin. Pero, sa kasawiang palad, wala dapat makaalam ng tunay kong katauhan. Magugulo ang buong Arcadius.
"No thanks," saad ko. "I can manage."
Nagbuhat akong muli ng maraming hilera ng boxes. Maalikabok ang paligid kaya ramdam ko ang pangangati ng aking balat at minsan napapabanging pa ako. I really hate doing these stuff. Noon pa man, 'di ko nais na ganituhin ako. Hindi ako pinalaki bilang alipin, kundi isang mandirigma.
"Suit yourself." Pinagpatuloy nito ang naudlot na ginagawa sa holographic monitor. Nakapatong ang siko sa may lamesa habang sapo ng kamay ang baba. Halatang bagot na ito. Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang trabaho ko.
Bakit ba kasi nandito pa ang babaeng ito? Kaya ko naman ang sarili ko at isa pa, hindi naman ako tatakas ah! Aba, responsable akong tao, noh! Ang ayaw ko sa lahat ang tinatakbuhan ang tungkulin!
Inayos ko ang pagkakahilera ng mga huling kahon at nang makasiguro na maayos na ang mga ito saka lamang ako napangiti. Halos, kalahating araw ang ginugol ko matapos ko lang ang gawaing ito. Natutuwa ako dahil sa wakas, natapos ko na rin. Ibig sabihin tapos na-
"You still have another job to do," muli na naman singit nito.
Bumagsak ang balikat ko at bumusangot. Ayon na, maganda na ang mood ko tapos biglang nawasak dahil sa sinabi nito. Nagpakawala ako ng buntong hininga saka nilingon ang babaeng masayang pinanood ang kamalasan ko. Parang prinsesa siya sa paraan ng pagkakaupo. Nakacross pa ang mahaba at maputing hita nito habang umiinom ng melon juice.
Hindi ba uso sa kaniya ang mang-alok ng inumin? Alam naman ata niyang paborito ko ang melon 'di ba? Iyon nga ang sanhi ng paghahamon ng Keleon na 'yon at kung bakit may dinaranas akong parusa ngayon.
Tinaasan niya ako ng kilay. "What?"
"Ang sarap ng buhay mo no?" May halong sarkasmo na tanong ko.
Nginitian niya ako nang matamis. Halatang nang-aasar.
"Of course, that's too be expected and you." Tumayo na siya. "Don't complain. This is your punishment."
Napabuga ako ng hangin. Suko na ako. Wala akong laban. Mas maaga kong magawa mas maaga kong matatapos.
"Fine, what's next?"
Isang nakakalokong ngisi ang gumuhit sa labi ng anak ng Dean. If I'm not mistaken, her name is Visque. Maganda nga ang mukha, ang sama naman ng ugali. Nag-umpisa na siyang maglakad palayo. Asan kaya ako dadalahin ng isang 'to? Napairap ako. Ano bang papel ko sa lugar na ito, alipin? Me? As in ako na isang popular na Zoix Warrior sa Thurna, inaalipin lang dito?
"Hey, don't just stand there! Follow me. Para kang tanga."
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nito. Wala talagang galang! Patience, Ruka. Kalmahan mo lang. Kailangan makatapos ka sa paaralang ito, para makabalik ka sa front lines. Wala dapat gulo kahit kating-kati na ang kamay ko sa inis!
BINABASA MO ANG
PLANET ARCADIUS: Zoix Warrior
Science FictionSa planetang Arcadius, taong 2500, ang 'di makakalimutang taon kung kailan sumiklab ang unang digmaan sa pagitan ng mga Arcadians laban sa mga nilalang na nagmula sa ibang dimensyon na kanilang binansagan bilang evil ones. Exceed ang tawag sa dimens...