<<MONSTER CLASSIFICATIONS>>
Evil Ones o Aeions: Sila ang mga halimaw na malaking banta sa kapayapaan ng Arcadius. May iba't ibang uri nito, katulad ng water type, earth type, metal type, fire type, lightning type, wind type, etc.
Nasa ibaba ang tala ng Class ng mga ito batay sa level ng mahina hanggang sa pinakamalakas level:
• Class E - itinuturing na pinakamahina sa lahat ng mga evil ones. Madali lamang matunton ang green core sa ibabaw ng kanilang balat.
• Class D - ikalawa sa pinakamahina at ang kanilang core ay kulay asul.
• Class C - may mataas silang adaptability at naglalabas ng kuryente ang kanilang katawan. Malawak ang katawan nila at aabot sa walong talampakan ang laki. Kulay dilaw ang core nila.
• Class B - ang ikatlo sa pinakamalakas sa evil ones. Ang kanilang laki ay kalahati ng gigantus Class A. Sila rin ay kayang ibahin ang pwesto ng kanilang white core sa ibabaw ng kanilang balat. Kaya din nilang magpalabas ng element power.
• Class A - ang itinuturing na queen ng battalion ng evil ones. Kaya nilang mangitlog ng marami. Gigantus ang isa pang tawag sa kanila dahil walang tutumbas sa laki ng kanilang pangangatawan. Halos kasing laki nito ang pinakamataas na gusali sa buong Arcadius. Mahirap matuklasan ang kanilang violet core kaya gumagamit pa ang mga Zoix ng scanner para mahanap ito o kaya Locator.
• Class S - Dito pumapasok ang Deviants, ang humanoid na kalaban, walang tatalo sa taglay nilang lakas. Maliban na lamang kung magsama-sama ang sandatang lakas ang iba't ibang kaharian sa Aracadius. Kulay itim ang kanilang core.
...
BINABASA MO ANG
PLANET ARCADIUS: Zoix Warrior
Science FictionSa planetang Arcadius, taong 2500, ang 'di makakalimutang taon kung kailan sumiklab ang unang digmaan sa pagitan ng mga Arcadians laban sa mga nilalang na nagmula sa ibang dimensyon na kanilang binansagan bilang evil ones. Exceed ang tawag sa dimens...