"There's a traitor.""May panibagong traydor at narito siya ngayon. Hindi ba't ikaw 'yon... Snow Heinrich?"
"Wait, what? My sister will never be a traitor. This is not a good joke, Queen."
"Snow Heinrich... Originally, Snow Perez. The second born daughter of Alice and Pol Perez under Perez Clan. The last and fifth member of Lilac, also known as Hela's alas."
"Hindi ba't ikaw din ang may pakana ng massacre sa Fabian? Pinatay mo ang buong angkan ng pamilya mo dahil sobra ang galit mo sa kanila."
"N-No. That's not true! She's my sister! She's not a Perez!"
"I'm sorry, Shadow but she's not your biological sister. Naghangad ng lalaking anak sina Alice at Pol pero babae pa rin ang lumabas. Hindi iyon pwede sa Perez Clan dahil ayon sa kanilang kasulatan, isang babae lang dapat ang mabuhay sa bawat bubuoing pamilya. Maid noon ang mother mo sa Perez mansion. Narinig niya ang usapan ng mag-asawa na papatayin nila si Snow kaya tinakas niya ito. Dinala niya si Snow sa bahay niyo at pinalabas na siya ang nawawala mong babaeng kapatid."
Paulit-ulit na umaalingawngaw sa tainga ko ang mga salitang 'yon na nagmula kina Queen at Kuya Shadow. Paulit-ulit na tila walang balak tumigil upang mas lalo akong konsensyahin.
"Kailan pa?" Mahina ngunit mabigat ang tinig ni Kuya Shadow nang bigkasin 'yon matapos lumabas ni Queen. "Kailan mo pa alam na hindi tayo magkadugo? Na ang tunay mong pamilya ay ang mga Perez?"
"L-Last year pa... Aksidente ko lang din nalaman nang pumuslit ako sa bahay ng mga Perez..." humahagulgol na tugon ko. "P-Patawad, kuya..." Gumapang ako patungo sa kaniyang paanan at yinakap ang kaniyang binti. "P-Patawarin mo ko."
Noong nakaraang taon ko pa nalaman pero hanggang ngayon parang fresh pa rin sa isip at puso ko. Hindi ko matanggap na mula ako sa angkan ng mga masasama ang budhi, na puro inggit at galit ang umiiral. Hindi ko rin matatanggap hangga't nabubuhay ako sa mundong ito, lalo na't sarili nilang dugo ay ginusto nilang patayin upang masunod lamang ang nakagisnang patakaran.
Sana kung hindi nila ako gusto, hindi na rin nila ako binuo. Hindi na sana ako nabuhay pa at hindi na sana ako nakaranas ng mga paghihirap.
Snow Perez... ang tunay kong pangalan. Ang ama at ina ko ay sina Alice at Pol Perez, tinurungang mga leader ng Perez Clan at miyembro ng Royal Council pero sila pa ang may pasimuno ng kasamaan. Kapatid ko naman si Althea Perez na masyadong nabulag sa pag-ibig at walang ibang ginawa kundi mainggit sa kapwa. Na kung meron sila, dapat siya rin. Kabilang na rin ang lolo kong si Chairman Pi na matagal nang may malaking sungay at matinding galit sa mga Hawthorn.
Kahit isang kabutihan sa existence nila ay wala man lang akong makita. Kaya sukang-suka akong maging parte ng pamilyang 'yon.
Pero anong magagawa ko?
Sila ang binigay sa akin na pamilya.
Pamilyang inaasahan kong mag-aalaga at magmamahal sa akin ngunit kabaliktaran ang sinapit ko.
Binigay pero sinauli ko rin nang paslangin ko silang lahat.
"Naiintindihan ko kung bakit hindi mo agad nasabi ang tungkol sa totoo mong pinagmulan. Maaaring natakot ka o nahihiya ka sa amin." Binaba niya ang walang emosyong tingin sa akin. "Ang hindi ko lang gets ay bakit mo tinraydor si Queen? Of all people, for pete's sake, why her? Bakit siya na niligtas ang buhay mo dati? Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo, Snow. At mas lalong hindi ganyan ang tinuro kong asal noong bata pa tayo."
BINABASA MO ANG
Last Heartbeat
RomanceI was named as a traitor. I broke my friends' trust. I killed my biological family, my clan. That's why I feel like I'm not worthy of his love. I just want to protect him from behind. Even if it costs my life. He is my first heartbeat. Would he be m...