Gabi na nang dalhan ako ng pagkain ni Kuya Shadow. Bitbit niya rin ang ilang pirasong damit namin ni Rocket. Saglit lang siya at umalis din dahil gusto niya palaging nakikita ang mag-ina niya.
Hindi ko na rin nagawa pang sunduin si Skyler sa school at bisitahin si Sloane dahil kailangan ko ngang bantayan ang pasyente rito.
Kaliligo ko lang at habang nagsusuklay, nag-ring ang phone ko. Sinagot ko naman ang video call request ni Clea.
"Bwesit ka!" bungad niya. Halos mabingi ako sa lakas niyon. "Bakit mo ko iniwan dito?"
"Nag-enjoy ka naman, 'di ba?" Natawa ako. "Kumusta naman ang bonding niyo ni Tita Ingrid?"
"Kumain lang kami at pinasyal niya ko sa palasyo." Ngumuso siya. "Bakit hindi mo ko sinama d'yan sa Royal Empire?"
"Magulo rito." Tinabingi ko ang ulo upang mas masuklayan ang ends ng hair kong may konting sabit.
"Talaga ba?" Ngumisi siya. "Si Rocket 'yang nasa kama, 'no? Nagkabalikan na kayo?"
Agad ko namang iniwas ang phone para mukha ko lang ang makita niya. "Pinapabantayan lang siya sa akin."
"Ayan kase, sinaktan mo."
"Wow, ako pa talaga ang nanakit, ha?" I made a face. "Naaksidente siya kaninang umaga. Kaya ito, nasa hospital kami ngayon."
"Okay lang din pala na iniwan mo ko rito, at least kasama mo siya." Tumataas-taas pa kilay niya, nanunukso.
"Tuwang-tuwa ka naman kasi makakasama mo si Law," ganti ko.
"Talaga." Ngumiti siya pero nanlaki ang mga mata saka tumuro sa screen. "Είναι ξύπνιος?" (Is he awake?)
Nagugulat akong lumingon at nadatnan si Rocket na dilat na dilat, tila nagugustuhan pa ang pakikinig sa usapan namin.
"K-Kanina ka pa ba gising?" mahina at alanganin kong tanong.
Tipid siyang ngumiti. "K-Kagigising ko lang."
"Sinungaling." Umirap ako at nilapitan siya. "Anong gusto mo—"
"Ikaw," putol niya sa sinasabi ko.
Bumungisngis si Clea kaya agad kong pinatay ang video call. Siguradong aasarin niya lang kami.
"Anong gusto mo—"
"Ikaw nga." Ngumiti pa siya.
"Eh, kung tuluyan na kaya kita? Hindi mo ko pinapatapos sa salita ko." Akma ko siyang hahampasin pero nakapagpigil pa ko nang maalalang may nakakabit na dextrose sa kamay niya.
"What is it? Hmm?" Mabagal ngunit malambing ang tinig niya.
"Anong gusto mo, uminom o kumain?"
"Uminom."
I rolled my eyes and helped him to get up. Nilagyan ko pa ng pillow ang likod niya bago siya sumandal. Saka ako nagsalin ng tubig sa tasa.
"Oh," alok ko. Tahimik niyang tinaas ang isang kamay na may benda naman, tila sinasabi na hindi niya kaya. "Tsk."
"Snow..." aniya matapos kong alalayan uminom.
"Don't talk to me. I'm just here as your..." Hindi ko mahanap ang tamang salita para roon. Ano ba kasi 'yon?
"Your what?"
BINABASA MO ANG
Last Heartbeat
RomanceI was named as a traitor. I broke my friends' trust. I killed my biological family, my clan. That's why I feel like I'm not worthy of his love. I just want to protect him from behind. Even if it costs my life. He is my first heartbeat. Would he be m...