"Lyric, where do you think you're going?"
Nagising ako sa malakas at maotoridad na tinig ni Kuya Shadow. Bukod sa natural nang matalas ang pandinig ko, malapit lang sa hagdan ang kwarto ko kaya agad kong naririnig ang mga nangyayari sa baba.
Gusto ko pang matulog dahil napuyat ako sa pagba-bake ng cookies kagabi. 500 pieces ba naman ang in-order ni Ate Gretel para ipamigay sa mga staff niya. Ipapagawa ko na lang sana sa tauhan kong chef sa bakery kaso ayaw niya. Mas maganda raw na ako mismo ang mag-bake. Hindi ko naman matanggihan dahil brokenhearted na nga siya, dadagdagan ko pa ang sama ng loob niya.
"Aalis. Ayaw ko rito."
Napabangon ako sa sagot ni Lyric. Hindi na bago sa akin ang ganitong tagpo. Lagi silang nagkakasagutan ni Kuya Shadow dahil ayaw nga ni Lyric na tumira rito sa townhouse namin sa Nebia Empire. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin naman inuusisa dahil baka may valid reason siya. Eh, si kuya, gusto niya sama-sama kami kahit ilang buwan lang.
"Tell me why."
Tahimik akong lumabas ng silid upang silipin sila. Magulo pa ang necktie ni Kuya Shadow at may hawak na tasa ng kape. Habang si Lyric ay bihis na bihis subalit bored ang itsura.
"May multo rito. Ginagambala ako."
Napatawa ako sa aking isip. Lokaret din talaga 'tong kapatid ko, eh. Sa dami ng rason na pwedeng imbentuhin, iyon pa ang napili.
"Kasi naman dating sementeryo raw 'to, eh," patuloy pa niya!
Bumukas ang pinto ng silid ni Rocket. Nagkatinginan kami at sabay na natawa. Narinig din pala niya.
Naibaba ni Kuya Shadow ang tasa at seryosong hinarap ang kapatid namin. "Maaari kang umalis kung maisasama mo ang multong sinasabi mo. Kaya mo ba? Kung hindi, mananatili ka rito."
"I hate you!" She stomped her feet as she walked away.
Napailing si kuya. "Talk to her, Snow."
Nakanguso naman akong bumaba. "Huwag mo kasing pilitin ang ayaw. Baka lalong mag-rebelde."
"I'm just concerned about her. Can't she understand that?"
"She can live alone. She's grown up."
Magkaedad lang kami ni Lyric. Pero mas matanda ako ng dalawang buwan.
"Do you know why she came back here in the Philippines?"
"To have a vacation, of course. Pinagsabay niya ang pag-aaral ng masteral at pagtuturo. She must have been tired and exhausted."
Pasimpleng tumabi sa akin si Rocket at mahinang dinikit ang siko sa braso ko kaya napatingin ako sa kaniya. Pero ginalaw niya lamang ang ulo upang sabihing makinig akong mabuti kay kuya.
"Nandito siya para tumakas sa nagawa niyang gulo sa Germany."
Nangunot ang noo ko. "Anong gulo naman 'yon?"
"Sinugod niya ang bagong recruit na gang sa asosasyon na bumugbog kay West." Sinundan ko siya nang humarap siya sa full length mirror upang doon ayusin ang polo at necktie niya. "Nalaman ni Vice Chairman Smile at gusto siyang parusahan pero nakarating agad siya rito sa bansa para magtago."
Nahilot ko ang sentido, tila nanakit ang aking ulo. Kung troublesome ako, mas troublesome siya. I can't believe this.
"Sa dami ng bansang pwede niyang pagtaguan, dito pa talaga sa obvious?" Nangunot ang noo ko. "Madali siyang mahahanap dahil may office rin dito ang asosasyon."
BINABASA MO ANG
Last Heartbeat
RomanceI was named as a traitor. I broke my friends' trust. I killed my biological family, my clan. That's why I feel like I'm not worthy of his love. I just want to protect him from behind. Even if it costs my life. He is my first heartbeat. Would he be m...