Kabanata 22

29 2 0
                                    

"She's still missing."


Iyon ang katagang narinig ko paglabas ng aking kwarto. Madaling araw na kong nakauwi kagabi dahil nagmuni-muni ako sa dalampasigan. Wala akong dalang cellphone, pera o kung ano man, kundi ang sarili ko lamang. Nag-alala sila sa akin at nabulabog pa ang agents ng Hawthorn Clan para lang mahanap ako.


Bandang huli, si Law ang nakahanap sa akin. Which made me a little bit happy.

Sa tagal ng friendship namin, kilala na namin ang isa't isa kaya nagawa niya kong mahanap kahit walang tulong mula sa mga tauhan niya.


"Lyric have been missing for almost a month now," Kuya Shadow continued in concern. "She was last seen on the merging of Kalynx Technology and Navy Blue."



Bahagyang kumirot ang aking dibdib. Where are you, sister? What happened to you?


Isa siya sa mga gusto kong sandalan sa panahong ito subalit nawawala pa siya.


"Wala pa bang lead?" kunot-noong bigkas ni Ate Gretel.


"I tried locating her but still no sign." He heaved a deep sigh.


"Someone captured her," Queen Storm entered the scene from the kitchen. Nakapambahay siya kaya sigurado akong dito siya natulog. Karga niya pa si Cyclone.


"Are you positive with that?"


Tumango si Ate Storm at naupo sa mahabang sofa. Doon pa lamang ako bumaba upang makihalubilo. Alam ko rin naman na naramdaman nila ang presensya ko kanina.


"Morning." Humalik ako sa pisngi nilang tatlo. "Where's Kuya Seb?"


"At work," tugon ni Kuya Shadow saka hinaplos ang buhok ko. "Breakfast?"


"Diet ako." Tipid akong ngumiti saka bumaling sa paborito kong bata. "Hi, Cyclone." I held his precious hand. "Sit with me, please?"


Wala siyang reaksyon at tahimik lamang na umusog patungo sa akin. Kinarga ko naman siya at maingat na inupo sa aking mga hita.


"Do you feel better, Tita Snow?" He's staring at me intently. Maybe he's sensing something on me.


"Yes, now that you're here." I pinched his cheeks. "You're so cute!"


Hindi na naman siya nag-react. Bagkus, tumitig lamang sa akin.


Mahinang natawa si Ate Storm. "Come on, Cyclone. Do you have a crush on Tita Snow?"


Doon pa lamang siya umiwas ng tingin. "I'm hungry."


Agad namang lumapit si Erick, ang assistant at protector ni Ate Storm mula pa noong dalaga siya. Inaya niya si Cyclone sa kusina upang doon kumain.


"So, who's that someone?" usisa ni Ate Gretel, tila kanina pa niya gustong itanong 'yon pero pinigil niya dahil baka marinig ni Cyclone. Pansin ko rin na seryoso siya ngayon, bagay na nakapagtataka. Usually, nakangiti 'yan, eh.


"Althea."

"No, it's not," agad na iling ni Kuya Shadow. "Snow killed her a few years ago. All of us saw her die."


Hanggang ngayon hindi ko matanggap na maririnig ko pa rin pala ang pangalan ng tunay kong kapatid sa puntong ito. At siya na naman ang dahilan kung bakit nasisira ang buhay ko ngayon.


Last HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon