"Καλημέρα, Snow!" (Good morning) masiglang bati ni Clea, kapitbahay ko. "Είσαι τόσο όμορφη!" (You're so pretty)
Napatawa ako. "Είσαι πολύ πιο όμορφη." (You're way more beautiful)
"Sus!" She flipped her hair. "Mas marami kang manliligaw."
She's a pure Greek pero dahil madaldal ako at friendly, naging kaibigan ko siya at naturuan magsalita ng Tagalog.
"Ganda ba ang basehan kapag maraming nanliligaw?" Naiiling ako habang binubuksan ang bakery.
"Ayan, oh, ang haba na agad ng pila sa'yo."
Nalingon ako at doon ko pa lamang napansin kung gaano kahaba ang pila ng mga lalaki na gustong bumili. Hindi lang mga Greek pero may mga iba ring lahi. Lahat pa sila ay pawang nakatitig sa akin at nakangiti.
"Είσαι νωρίς," nangingiting sambit ko sa kanila. (You're early)
Lalo silang napangiti. "Επειδή το ψωμί σας είναι νόστιμο." (Because your bread is delicious)
"Και είσαι πανέμορφη." (And you're beautiful)
"Bakit? Maganda rin naman ako, ah?" sabat ni Clea. Nangunot ang noo ng mga Greek dahil hindi nila naintindihan ang sinabi.
"Mas maraming bumibili sa'yo," bigkas ko saka nagsimulang magbenta. "Bultuhan pa nga, eh."
Dahil nga kapitbahay ko siya, magkatabi lang din ang negosyo namin. Sa akin ay bakery habang fruit & vegetable shake naman ang sa kaniya. Mula sa fresh na prutas at gulay talaga ang gawa niya kaya dinarayo siya ng mga lokal at turista rito.
"Hindi. Bagay lang talaga kainin 'yong mga tinda natin."
Nagkatinginan kami at nag-high five pa sa tuwa.
Ganito ang set up namin araw-araw. Alas syete pa lang ng umaga ay nagbubukas na kami at alas otso naman ng gabi ang sarado. Kapag matumal ang benta, lalo kapag tag-ulan, ay parehas kaming nakatulala habang kinakain ang sariling tinda.
"Pasyal naman tayo sa bayan bukas," aniyang pagod na pagod umupo matapos pagbentahan ng benteng shake ang turista. "May palabas daw do'n."
"Bakit? Anong meron? Festival?" Nagbalot ako ng mini chocolate donuts saka binigay sa bumibili matapos niya magbayad. Gusto rin nila ang gawa kong 'yon kasi hindi raw masyadong matamis.
"Birthday ng Athens Leader."
Nangunot ang noo ko. "Matagal na ko rito pero bakit ngayong taon niya lang naisipang i-celebrate ang birthday niya?"
"Kasi kadarating lang ng wife niya kahapon."
"May asawa pala siya?"
Natawa siya. "Syempre meron. Baby face lang talaga. Bakit? Crush mo?"
"Hindi 'no." Ngumiwi ako.
"Sabagay, iba nga pala ang mga tipo mo." Ngumisi siya. "Artistahin ba?"
Alam ko na ang tinutukoy niya kaya napailing na lang ako. "Anong oras tayo pupunta? Eh, 'di, magsasara tayo ng tindahan?"
BINABASA MO ANG
Last Heartbeat
RomanceI was named as a traitor. I broke my friends' trust. I killed my biological family, my clan. That's why I feel like I'm not worthy of his love. I just want to protect him from behind. Even if it costs my life. He is my first heartbeat. Would he be m...