Kabanata 32

46 1 0
                                    

Mabilis kong sinara ang laptop nang mapansin siyang papalapit sa aking gawi.


"Hey," nakangiting bati ni Rocket. Akma siyang hahalik sa pisngi ko subalit umiwas ako. Saglit siyang natigilan ngunit nakabawi rin. "Coffee." Nilapag niya ang cup sa table saka naupo sa tabi ko. "How's your day, snowball?"


"Just fine," tipid kong sagot at kinuha ang cellphone upang pagmukhaing busy ang sarili.


"May lakad ka ba after? Do you want to go somewhere? I'm free until tomorrow."


"Ahm..." Kunwari akong nag-isip. "Leave me alone, please."


Napanguso siya. "I miss you."


"M-May pupuntahan pa pala ako." Maliksi kong niligpit ang gamit saka lumabas.


Humabol agad siya sa akin. "Ihahatid na kita."


"I can manage. Thanks." Naghintay ako ng taxi pero tinabihan pa niya ko.


"Sasakay na lang din ako ng taxi para masamahan ka."


I glared at him. "What's wrong with you?"


Tipong hinahabaan ko ang pasensya ko at pinipiling maging kalmado para hindi siya ma-stress pero siya rin ang dahilan kung bakit tumataas ang presyon ko sa inis.


"Maybe, my heart?" Nilapit niya ang mukha sa akin. "But it belongs to you."


I rolled my eyes. "Tama lang na action star ka, hindi bagay sa'yo ang genre na romance." Ang korni.


He chuckled and pinched my cheeks. "You're so cute."


Hindi ko na siya pinansin nang may humintong taxi. Talagang nakipag-unahan akong sumakay para mapigilan siya. Ngunit dahil mabilis din siyang kumilos, mas nauna pa siyang nakaupo kaysa sa akin.


Sinamaan ko ulit siya ng tingin pero ngumiti lang siya.


"Saan po tayo, ma'am, sir?" tanong ng driver sabay andar.


"Saan daw tayo," kalabit sa akin ni Rocket.


"Sa SNW studios po ako," mariin kong tugon. "Siya po, tanungin niyo na lang siya."


"Doon din po ako."


Gusto ko na siyang pingutin. Nakakaasar!


"Magkakilala po ba kayong dalawa?"


"Hindi/Oo." Sabay pa kaming sumagot!


Natawa ang driver. "Siguro magkasintahan kayo at may konting tampuhan."


"Kaya nga po sinusuyo ko siya, eh," anas naman ni Rocket!


Pinanlakihan ko siya ng mata. "Tigilan mo 'yan."


"Alam niyo po ba, nagalit siya sa akin kasi hindi ko raw inaalagaan ang sarili ko kaya ako nagkaroon ng problema sa puso." Nagpapaawa pa ang mga mata niya. "Paano ko naman aalagaan ang sarili ko kung wala siya sa tabi ko."


"Oo nga, ineng. Bakit mo ba kasi siya iniwan?"


"Aba't—" Pakiramdam ko ay sumakit ang ulo ko. "Hindi ko po siya iniwan. Siya ang nag-abandona sa akin."


Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Nagawa ko lang naman 'yon para maprotektahan ka."


"Sabi mo wala kang choice kaya mo nagawa 'yon. Pero meron, eh," pilit ko. "We always have multiple choices. Pinili mo lang talaga 'yong alam mong masasaktan ako ng todo."


Last HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon