Marahan kong minulat ang mga mata. Nahirapan pa ako dahil tila ba napakabigat niyon at namumugto. Sinubukan kong bumangon subalit kumalat ang iba't ibang sakit sa aking katawan. Ginalaw ko ang braso at natagpuan ang sariling may nakakabit na dextrose. May oxygen mask din na sumusuporta sa aking paghinga at nasa ospital ako.
Buhay pa ko? At isang mahabang panaginip lamang ang mga pinakitang alaala sa akin mula pagkabata hanggang humantong ako sa ganito?
Bakit?
Ano pang dahilan bakit ako binigyan muli ng second life?
Parang deserve ko naman mamatay na nang tuluyan.
Bakit nandito pa ko sa mundong 'to?
Napalingon ako sa heart rate monitor na nasa gilid nang marinig ang tunog iyon.
I am really alive...
Malalim ang naging buntong-hininga ko saka nagbaba ng tingin. Nadatnan ko ang kamay ng isang lalaki na nakahawak sa kamay ko. Kulay pa lang ng buhok ay nakilala ko na agad.
"R-Rocket..." bulong ko at sinubukang haplusin ang kaniyang buhok.
"Hmm..." Bahagya siyang gumalaw at nanatiling nakapikit, tila puyat na puyat. Nakaupo siya sa tabi ng bed ko habang nakadukmo.
"K-Kuya Rocket..." muli kong tawag.
Bigla siyang napabalikwas ng bangon. "Huh?!"
Hanggang tulog ba naman kailangang may "kuya" pa ring karugtong sa pangalan niya para maagaw ko ang atensyon niya.
"S-Snow?" Halos nakapikit pa ang isang mata niya at ang magulong buhok ay kusang bumagsak sa noo. "Gising ka na?"
"Hindi. Panaginip lang 'to," ngiwi ko. "Alisin mo 'yang kamay mo. Masakit! Natatabig 'yong dextrose ko!" Nakadagan ba naman 'yong kamay niya sa isa ko pang kamay kung saan nakatusok 'yong linya ng dextrose.
"Sorry, sorry." Agad siyang umayos ng upo nang hindi inaalis sa akin ang tingin. "Anong pakiramdam mo? Ayos ka lang ba?"
"Okay naman ako." Bumuntong-hininga ulit ako. "Kaso parang ang haba ng tulog ko? Bakit gano'n?"
"You fell into comatose condition for almost two months."
"What?! Are you serious?!" nagugulat na singhal ko. "Two months?! Comatose?!"
Kaya ba sobrang haba ng panaginip kong 'yon? Akala ko nga patay na ko dahil nag-flashback lahat ng memories mula pagkabata hanggang matamaan ako ng baril sa digmaang 'yon. Pinagpahinga lang pala ako ng dalawang buwan.
Sana tinuluyan na lang ako.
Napatakip siya sa tainga. "Wait, 'wag mo naman akong sigawan."
"Bakit kasi hindi na lang ako namatay?" naiinis kong bulong sabay hawak sa ulo kong may benda pa.
"Snow," nananaway na bigkas ni Rocket. "'Wag mong sabihin 'yan. Deserve mo ang second life dahil mabuti kang tao."
Mabuti? Marahan akong natawa sa isip. Dati, oo, tingin ko rin ay mabuti akong tao. Pero simula nang matuklasan ko ang totoong family background ko, akala ko lang pala ang lahat. Dahil kinaya kong patayin ang sarili kong pamilya, ang buong angkan ng mga Perez.
"Bakit? Sino ka ba para sabihin 'yan?"
Napaamang siya, hindi inaasahan ang namutawi sa aking bibig. "Snow... What—"
BINABASA MO ANG
Last Heartbeat
RomanceI was named as a traitor. I broke my friends' trust. I killed my biological family, my clan. That's why I feel like I'm not worthy of his love. I just want to protect him from behind. Even if it costs my life. He is my first heartbeat. Would he be m...