"Masaya naman pala siya sa'kin, eh!" Ngumiti ako ngunit kasabay din niyon ang tahimik na pagpatak ng luha sa aking mga mata. "P-Pero bakit..." I tapped my chest as if pain would go away like that. "B-Bakit ayaw niya pa rin sa akin? Bakit hanggang do'n na lang ang turing niya sa akin? A-Ano bang kulang sa akin?"
"Wala, walang kulang sa'yo." Nakangiwing umiling si West, saglit na pinasadahan ng tingin ang buong bar niya saka muling bumaling sa akin. "You're too good for him."
Napatawa ako. "Am I?"
"Tama na 'yan." Inagaw niya sa akin ang bote ng alak na akma ko sanang tutunggain. "Kanina ka pa."
"Five minutes pa lang akong nandito. Duh?" Saka ako kumuha ulit ng alak para i-straight shot dahilan para maghiyawan ang mga tao sa pagkamangha. "Ako lang 'to, guys." I smirked as I lifted up another bottle. "Cheers!"
"Wooh!"
Muli silang nag-ingay at sumayaw sa malakas na tugtog ng DJ.
"Snow, that's enough." Kunot na ang noo ni West nang muling agawin sa akin ang alak. "You already had twenty bottles in two hours staying here."
"Eh, bakit kasi dito mo ko dinala?" I raised my eyebrows. "It's your fault."
"You told me you want to forget kahit saglit. And this is that place I only know."
"Kaya pala madalas ka dito dati noong nasa Denmark pa ang kapatid ko." Maloko akong ngumisi at inalis ang jacket, exposing my silver tube dress. "I'll dance."
Napabuga siya ng hangin, tila wala ng pasensya sa akin. "Bahala ka sa buhay mo."
Nakangiti naman akong tumungo sa dance floor upang doon ibuhos ang lahat ng nararamdaman ko. Wala lang din sa akin ang mga kamay na humahaplos sa aking bewang, likod at hita. Basta sumayaw lamang ako ayon sa indak ng mga taong nagkakasiyahan.
"You're hot," bulong sa akin ng isang foreigner. Familiar siya sa akin ngunit dahil medyo blurred na ang vision ko, hindi ko na maalala ang pangalan niya. "Wanna dance with me?"
I chuckled. "Sure."
His arms suddenly enveloped my waist and we started dancing in a sexy way.
"You're cute too." He smiled.
"You're from Germany, right?" I said. "I know you."
"Really? Who am I then?"
Bago ko pa mabanggit ang Jonas Carter ay awtomatiko akong nahinto sa pagsasayaw nang may maramdamang nakatingin sa aking gawi. Hinanap ko iyon hanggang matagpuan ko sa kaliwang bahagi ng bar. Madilim sa parteng iyon subalit hindi naging hadlang 'yon para malaman kong isa iyong lalaki.
"Is that your boyfriend?" Jonas whispered.
Hindi ako nakasagot, lalo nang bahagyang matamaan ng party lights ang lalaki. Gano'n na lamang ang pagsinghap ko nang makilala siya.
"R-Rocket?" I mumbled. My heart beats fast in an instant.
Matalim ang titig niya sa aming dalawa.
"You mean Rocket Heinrich?" ulit pa ni Jonas.
Kinusot ko ang mga mata at sa muling pagdilat ko ay wala na siya roon.
BINABASA MO ANG
Last Heartbeat
RomanceI was named as a traitor. I broke my friends' trust. I killed my biological family, my clan. That's why I feel like I'm not worthy of his love. I just want to protect him from behind. Even if it costs my life. He is my first heartbeat. Would he be m...