"Are you enjoying the view?" Napalingon ako kay Kuya Shadow nang umupo siya sa tabi ko.
"Of course," I answered. "Sobrang ganda."
We're here in Maldives. Nasa harap mismo ng dagat kung saan magkahalo ang kulay biyoleta at kahel na kalangitan habang papalubog ang araw.
Matapos naming makatanggap ng award mula sa Royal Council na ginanap sa Royal Grand Hall noong isang linggo, naisipang magbakasyon ng Hawthorn Clan dahil dream country ni Queen ang Maldives. Sinama nila kami para raw ma-relax kami dahil kagagaling lamang sa madugong digmaan at trabaho.
Payag ang lahat, lalo na't sagot nila ang expenses. Mapepera ang mga kaibigan ko pero kapag libre, go na go talaga. Sino ba naman kasi ang aayaw sa libre?
At saka ikalawang araw na ng pag-stay namin dito ngayon. Ang dami na naming napasyalan at nagawang water activities. Marami ring masasarap na pagkain na talagang mapapa-unli rice ka. So far, masaya naman.
"What are you thinking, baby girl?" he continued to ask. "Is there something... bothering you?"
Palihim akong sumulyap kay Rocket na nakaupo sa hammock habang nakatitig kina Ate Ran at Kuya Adam na masayang nagtatampisaw sa dalampasigan 'di kalayuan sa aking pwesto.
Hindi ko alam kung ilang oras na siyang nando'n na parang binabantayan si Ate Ran dahil pakiramdam ko ay wala siyang tiwala kay Kuya Adam bilang kasintahan. Iba't ibang ekspresyon na nga ng mukha niya ang nasaksihan ko sa ganoon niyang posisyon.
"Si Rocket ba?"
Mabilis ang pagbalik ko ng tingin sa dagat. "Hindi. Wala akong iniisip."
"Maloloko mo ang lahat pero hindi ako, Snow." Bumuntong-hininga siya. "Nag-away ba kayo?"
"Kita mo naman ang bonding namin kanina. Bakit kami mag-aaway?" Saka ako tumawa.
Hindi ko rin siya aawayin dahil hindi ko kaya. Masyado akong marupok pagdating sa kaniya. Sarili ko lang ang kaaway ko dahil sa lintek na pag-ibig ko para sa kaniya.
"Nakikita ko namang nag-uusap at nagtatawanan kayo kanina. But honestly, ang awkward."
Kung ramdam niya ang awkward atmosphere sa amin ni Rocket kanina, posible ring mahalata 'yon ng iba naming barkada. Malalakas din ang radar nila sa ganyan, hindi nagpapahuli.
"Nakapag-usap na ba kayo about your confession?" dugtong pa niya.
"I just confessed my feelings and I won't expect anything in return from him. Because I know na kapatid lang ang turing niya sa akin." Nilingon ko siya. "So why bother to talk about it?"
"Snow..." Ayun agad ang nag-aalala niyang mga mata. "Did you hear our conversation while you're in coma?"
"Of course not. I just knew it and obvious naman." Saka ako bahagyang ngumisi.
"Alam mo naman na kahit anong maging desisyon mo ay suportado kita, 'di ba?" Tumango naman ako. "Hindi kita ipipilit kay Rocket at mas lalong hindi kita irereto sa iba. Concerned lang ako sa'yo, Snow."
Tipid akong ngumiti. "Salamat, kuya."
"Pero alam ko namang kay Rocket ka lang magiging masaya," bulong niya subalit hindi ko masyadong narinig dahil malakas na nag-ring ang cellphone ko.
Mula sa sling bag ay hinugot ko 'yon at tiningnan kung sino ang caller. "Law?"
"Answer it. Babalik na ko sa villa." Hinalikan niya ang ibabaw ng ulo ko at umalis na.
BINABASA MO ANG
Last Heartbeat
RomanceI was named as a traitor. I broke my friends' trust. I killed my biological family, my clan. That's why I feel like I'm not worthy of his love. I just want to protect him from behind. Even if it costs my life. He is my first heartbeat. Would he be m...