"Bella." Dalawang beses akong kumatok sa guest room na tinutuluyan niya. "Kakain na."
"O-Oo na..." Paos pa ang tinig niya.
Napailing ako at pumasok nang hindi nagpapaalam, basta kumatok ako. Nadatnan ko siyang nakahiga na parang starfish, magulo ang buhok at tulo laway pa.
"Nag-club ka na naman kagabi, 'no?" natatawang usal ko saka tinapik ang pwet niya. "Bangon na."
Kumamot siya sa ulo. "Ang aga pa, eh!"
"Nakahain na 'yong breakfast. Si Kuya Shadow ang nagluto."
Ganoon kabilis siyang bumangon at ngumiti. "Good morning."
Binatukan ko naman siya. Kapag talaga naririnig pangalan ni kuya, sobrang bilis niya kumilos. Paglabas ko ng silid ay inangkla niya ang braso sa akin at sumabay sa pagbaba.
Dito siya pansamantala pinatira nina Kuya Shadow at Kuya Sebastian sa kadahilanang para raw may kasama ako rito habang nasa trabaho sila at para may kausap ako. Natatakot yata silang mabaliw ako dahil sa mga nangyayari.
Nadatnan namin sina Kuya Sebastian, Kuya Shadow, Ate Gretel at Dr. Heaven sa dining area na kumakain na.
"Good morning," bati ni Kuya Shadow. Humalik naman ako sa pisngi niya bilang pagtugon sa kaniyang bati saka tumabi na rin.
Nahihiya namang ngumiti si Bella. "Good morning po." Hindi siya makatingin kay Kuya Seb. Masyado raw intimidating tulad ni Ate Storm.
"What's your schedule today, Snow?" Kuya Seb asked. Pino ang galaw niya nang dampian ng table napkin ang bibig niya.
"I'll just stay here." Hinintay kong matapos si Kuya Shadow maglagay ng konting kanin at omellete sa plato ko. "Thank you."
"Bella."
"Opo," sagot agad ng kaibigan ko nang banggitin ni Kuya Seb ang pangalan niya. Alam na niya ang ibig sabihin niyon.
Napailing ako. "I'm not a kid anymore. Marami ring dapat asikasuhin si Bella sa buhay niya."
Humingi rin ako ng tawad sa kaniya dahil na-postpone ang soft opening ng Car Rental Services, ang first business na bubuksan niya. Hindi natuloy dahil na naman sa akin.
"It's okay, sis. Para kang tanga," kalabit niya sa akin. "Saka medyo guilty ako dahil kadugo ko pa ang nananakit sa'yo ngayon. Bwisit."
"You're not going to your office?" usisa muli ni Kuya Seb.
"Why would I go there?" Sarkastiko akong nangiti ngunit sa loob ay nagngingitngit ang aking dibdib. "Pa-bankrupt na ang kompanya ko."
Matapos kong makalabas ng hospital nang wala sa oras kahapon, pumunta agad ako sa headquarters ng SNW Studios, bakery, restaurant at Snowball café. Doon ko nasaksihan kung paano unti-unting bumagsak ang stocks. Sunod-sunod din ang mga calls na pumapasok sa opisina. Hindi na malaman ng mga staff ko kung anong isasagot. Lalo na sa social media. Puro negative feedbacks ang nababasa ko.
Nagawang pigilan ni Ate Storm ang paglabas ng video kung anong nangyari sa event sa media. Subalit hindi mapipigilan ang pagkalat ng balita. Kaya pinagpiyestahan ng taong bayan ang account ko, maging ang website ng mga business ko.
Nalaman ng investors ko ang balita dahilan para madismaya sila sa akin. Karamihan ay umalis na sa poder ko at siguro tatlo na lang silang natira na patuloy pa rin nagtitiwalang maibabalik ko sa dati ang lahat.
BINABASA MO ANG
Last Heartbeat
RomanceI was named as a traitor. I broke my friends' trust. I killed my biological family, my clan. That's why I feel like I'm not worthy of his love. I just want to protect him from behind. Even if it costs my life. He is my first heartbeat. Would he be m...