Kabanata 33

62 0 0
                                    

Binuksan ko ang bintana at malamig na simoy ng hangin ang sumaboy sa akin. Napangiti ako nang masilayan ang dagat sa aking harapan. Matingkad na asul ang kulay niyon habang matikas ang bawat paghampas ng alon.


"Are you okay?" Tumabi sa akin si Rocket. "Kanina ka pa tahimik."


Hindi pa rin ako kumibo at pinanatili ang paningin sa karagatan. Gusto ko lang ng payapang kapaligiran.


"H-Hindi mo ba nagustuhan ang bahay natin?" Naroon ang lungkot sa kaniyang tinig.


"Gusto ko."


It's true. I really like this house. But not the thought of living here together with him for the next few days.


Ayaw ko muna.


Maybe kung ako pa rin ang Snow na kilala niya three years ago, talagang matutuwa akong tumira rito. Pero nag-iba ang sitwasyon ng buhay namin, lalo na ang estado ng aking puso.


"Then what's wrong?"


"Nothing."


"I'm sorry. I know you're still hurting." He gently kissed my temple. "I-I'm really sorry."


Pumikit ako upang damhin ang preskong hatid ng hangin. At sa aking muling pagmulat ay namataan ko ang isang pamilyar na babae. Naroon siya sa mababaw na parte ng dagat at may dalang timba.


Tumigil siya sa ginagawa nang mapansin din ako hanggang itaas ang kamay at iwagayway iyon sa direksyon ko.


"Tita Racquel?" bulong ko nang tuluyan siyang makilala.


Nilingon ko si Rocket na ngayon ay nasa sa sala at kinakalikot ang lumang radyo.


Alam kaya niya na nandito ang nanay niya?


Imbes na tanungin at istorbohin siya ay tahimik akong lumabas upang tumungo sa dalampasigan.


"Snow!" Malaki ang ngiting salubong sa akin ni Tita Racquel saka humawak sa kamay ko. "Lalo kang gumanda."


"Kayo rin po." Napangiti rin ako. "Kumusta na po kayo? Long time no see po, tita."


"Maayos naman ako, iha. Itong huling buwan ko sa Australia, namasyal lang ako."


Matapos maka-graduate ni Rocket sa high school, nagpasya si Tita Racquel na maging OFW sa Australia para matustusan ang pag-aaral ng anak sa kolehiyo. Hanggang sa naging sikat na action star nga si Rocket. Pero hindi pa rin siya tumigil sa pagtatrabaho kahit pinapatigil na siya ng anak.


"Mabuti naman po kung gano'n, nakapag-enjoy kayo."


"Ikaw, kumusta na? Balita ko, ang tagal mong nanirahan sa Greece."


Tumango ako. "Masaya po ako roon."


"Eh, sa piling ng anak ko, masaya ka ba?"


Natigilan ako at umiwas ng tingin. "Alam niya po ba na dumating na kayo?" pag-iiba ko.


"Hindi. Balak kong sorpresahin siya." Binaba niya ang timba at sumabay sa aking paglalakad. "Doon ba ang bahay niyo?"


"Sabi niya po," tango ko. "Pero wala pa po akong balak tumira roon."


"Hindi mo na ba mahal si Rocket?"

Last HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon