Dinala kami ni Law sa fine dining restaurant na malapit lang din sa palasyo. Dapat daw ay sa exclusive dining hall nila kami kakain ngunit may importanteng pagsasalo roon ngayon kasama ang mga bisita ng dating hari.
Malaki ang pasasalamat ko na hindi natuloy doon dahil masyadong pormal at sosyal ang set up. Hindi sanay sa ganoon si Clea kaya baka hindi siya maging kumportable.
"Are you enjoying the food?" Law asked with his sweet smile.
"Y-Yes, thank you," nahihiyang ani Clea. Pabalik-balik ang tingin niya sa suot niyang dress at sa damit na suot ng ibang kumakain. Karamihan kasi ay naka-business suit.
"Kumain ka ng marami." Pinaglagay ko pa siya ng gulay at lechon sa plato. "'Wag kang mahiya, walang nakakakilala sa'yo rito, bukod sa amin."
"Para mo na ring sinabing patay gutom ako, teh."
"Ay, hindi ba?"
Natawa si Law. "I'm happy that Snow found someone she can rely on in Greece. Thank you, Clea."
Sa gano'n lamang ay namula agad ang pisngi ng lokaret. "Masaya rin ako dahil nakilala kita, este, nakilala ko siya."
Napangiwi ako. "Pabebe ka pa."
"Excuse me." A man wearing a brown suit approached our table. "Ms. Snow Heinrich." He bowed his head and handed me a small envelope. "Memorandum from King Luca."
Kinuha ko naman 'yon at nagpasalamat. Umayos ng upo si Law, mababasa ang munting kaba sa kaniyang mga mata.
Hindi ako kinakabahan, parang simple lamang iyong sulat kaya binuksan ko rin agad.
Good day, Snow Heinrich.We are glad to inform you that your request has been approved and signed by King Luca.Eve Reyes and Law Mendez's arranged marriage is cancelled.
"Yes!" Napatayo sa tuwa si Law. Napatingin naman sa kaniya ang tao ngunit hindi sila gumawa ng anumang aksyon dahil ito ay isang prinsipe. "I'm free." He leaned on me and gently kissed my cheeks. "Thank you, my Snow."
Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko. Nilingon ko si Clea na akala ko nakatingin pa rin sa amin pero busy siya sa pagkain ng halo-halo. Kapagkuwan ay nag-selfie pa siya.
"We need to celebrate," he continued. "Where else do you want to go?"
"I just want to go back to Greece," I whispered.
"What?"
"Sabi ko, inaantok ako."
Napalingon si Clea at masama ang tingin niya sa akin kaya alam kong narinig niya ang una kong sinabi. "Ilang oras pa lang tayong nandito, bwesit ka," ganting bulong niya.
I just shrugged my shoulders.
"Well, then, you can stay at the Moon Palace," he offered. "May pinahanda akong dalawang guest room doon."
"Hindi na," tanggi ko. "Hahanap na lang kami ng matutuluyang hotel."
"Snow, please." He put his hand over my hand. "Mas safe kayo sa palasyo."
"Pero..."
Binigay niya kay Clea ang susi ng guest room na agad namang tinago ng lokaret.
"I'm at peace when I know where you are." Pinisil niya ang pisngi ko saka tumayo. "The guards are here to summon me."
"Ha? Bakit?" usisa naman ni Clea. "Hindi mo pa nauubos ang pagkain mo, oh."
BINABASA MO ANG
Last Heartbeat
RomanceI was named as a traitor. I broke my friends' trust. I killed my biological family, my clan. That's why I feel like I'm not worthy of his love. I just want to protect him from behind. Even if it costs my life. He is my first heartbeat. Would he be m...