Kabanata 18

35 1 0
                                    

"I will leave these all to our amazing and talented chefs," I said with a light smile. "Because I believe that they will make us proud of their cooking skills. Am I right?"

"Yes, madamme."


"Uulitin ko lang." Pinatong ko ang parehong siko sa table at mariin silang pinasadahan ng tingin. "This is a huge and important event for Kalynx Technology and Navy Blue. They entrust their food to our restaurant for that special day. And hindi porque matalik kong kaibigan ang CEO ng dalawang malalaking company na 'yon, eh, magiging chill lang kayo. No." I shook my head. "Do your best and prove to them na we deserve the Top Excellence Award for Food and Beverages."

"Understood, madamme."

"Good. You're all dismissed." I quickly stood up and left the conference room.

Agad na bumuntot sa akin si Bella. "Bakit parang madaling-madali ka naman, boss? Wala ka namang date, ah? Kasi hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpaparamdam sa'yo."

"Kung ayaw mong lumobo 'yang nguso mo, manahimik ka." I glanced at my wrist watch. Alas-nuwebe na pala.

Natagalan ang meeting namin dahil ang dami kong pinaliwanag sa kanila tungkol sa catering na mangyayari sa event nina Ate Storm at Kuya Hiro. Napakaraming invited guests kaya marami rin kaming ipe-prepare na pagkain. Actually, pinakyaw nga ng mag-asawa ang menu ng restaurant at bakery ko. Kaya medyo sumasakit ang ulo ko. Pero ito lang 'yong sakit ng ulo na tinatanggap ko dahil magandang opportunity ito sa amin. Mas makikilala ang restaurant at bakery ko, hindi lang rito sa Pilipinas, kundi maging sa ibang bansa bukod sa Germany.

"Eh, saan nga ang punta mo?" pangungulit pa niya hanggang makapasok ako sa office ko.

Dumeretso ako sa secret closet ko. "Sa heaven, gusto mo bang sumama?"

"Oops, hindi tayo sure kung sa heaven talaga ang punta mo, sis."

"Well, same to you." Saka ko nakangiwing sinara ang pinto.

Kumatok naman siya. "Hindi mo pa rin sinasabi sa akin 'yong tungkol sa voice message noong isang araw. Sino ba 'yon?"

Nahinto ako sa pagbibihis nang bumalik 'yon sa aking alaala.

Hindi ako maaaring magkamali. Kaboses niya 'yong babaeng tumawag sa akin dati sa telepono using the same voice changer.

Kung hindi rin ako nagkakamali ng interpretasyon, balak niyang guluhin ang kasalukuyan kong paniniwala ukol sa Perez Clan at ngayon naman, sinunod niyang guluhin ang lovelife ko.

"De leche ka, sis. Bakit tumatawa ka r'yan mag-isa?! Jusmiyo! Totoo ngang nakakabaliw ang pag-ibig, ano?!"


Natatawa ako dahil kahit yata magkaroon ako ng second life, may mga gusto pa ring manira ng buhay ko. Ngayon nga sa buhay kong ito, napakaraming gulo na kinasangkutan ko. At mukhang wala silang balak tigilan ako.

Mga de puta.

Malakas kong binuksan ang pinto kaya naman napatalon ng malayo si Bella at pinasadahan ng tingin ang suot kong all black leather suit.

"May costume party ba na hindi ko alam? Sama mo naman ako!" Nagtataka talaga siya. "Wait."

Tumaas ang sulok ng aking labi saka sinuot ang half-mask kung saan nakaimprenta ang heart symbol.

"Heart..." Tila kinakabahan siyang ibulong ang codename ko. "May pupuntahan ka bang ano... kayo nina Queen at King?"

"Just me. See you later." I smirked and jumped off the building.

Last HeartbeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon