"Hoy, Snow!" Sigaw agad ni Bella ang umalingawngaw sa tainga ko nang marinig ang pagbukas-sara ng pinto ng condo ko. "Bahay pa ba 'tong napuntahan ko?! Ang daming kalat! Ano bang ginawa mo, ha?!"
Binalewala ko siya at nagpakawala ng malakas na suntok sa punching bag. Tumatagaktak ang pawis ko subalit hindi naging hadlang 'yon upang palakasin ko pa ang aking katawan. Mahigit isang oras na akong nagbo-boxing pero hindi man lang ako tinatablan ng kapaguran.
"De leche ka!" Mabibigat ang bawat pagpadyak niya. "Ginawa mo kong yaya sa ganda kong 'to!" Batid kong nililigpit niya ang mga damit kong nakakalat sa sahig. Maging ang mga bote ng alak at baking tools na ginamit ko kagabi.
Saglit akong huminto upang uminom ng isang litrong tubig saka muling bumalik sa pag-eensayo.
Hindi porque patay na ang mga kalaban namin ay magpapakampante na ako. Maaari pa rin kaming magkaroon ng kaaway ano mang oras at araw. Hindi ko na hahayaan pang maulit ang dating pangyayari.
"Bakit ba hindi ka kumikibo r'yan?!" Malakas na bumukas ang sliding door ng mini gym ko kung nasaan ako ngayon. "Anak ng leche—"
"What?" I hissed.
Napalunok siya nang makita ang boxing gloves ko. Lalo na nang iporma ko pa ang mga kamao na para bang susuntukin siya.
"Wala. Gusto ko lang bumati ng... ano..." Lumikot ang mga mata niya. "Mabuhay!" Saka niya tinaas ang dalawang kamay.
Bukod sa hindi siya marunong makipaglaban, wala siyang background sa boxing, judo at iba pang mga pampalakas ng katawan. Takot din kasi siya. Kaya nga ayaw kong nadadamay siya sa gulo.
"Why are you here?" I asked as I grabbed my towel.
"Masama ba?" Umirap siya at naglakad palapit. "Ah, kaya pala ganado kang magsanay ngayon, ha?" Saka siya napatingin sa kaharap kong wall.
Ang wall kung saan dinikitan ko ng pictures namin ni Rocket noong nagpunta kami sa Maldives. As in lahat, maging ang stolen shots niya na kinuha ko gamit ang cellphone ko at hiniram kong DSLR ni Kuya Kylo. May nakatingin siya sa dagat, nakangiti habang naglalaro ng beach volleyball at 'yong tinulak ko siya sa yate.
Halos tatlong linggo na ang nakalipas magmula nang mangyari 'yon pero feel na feel ko pa rin ang bonding naming dalawa.
"Sawang-sawa na ko sa pagmumukha ng pinsan ko pero ikaw grabe," naiiling na aniya. "Number one fan."
Napangiti ako. "Syempre. Solid 'to."
"At number one ka rin sa problema ko."
Napasimangot agad ako. "Ano na naman?"
"Bumisita ka sa SNW Studios para makita mo."
"What branch?"
"All."
Napangiwi ako at hinubad ang gloves na basta ko na lamang hinagis. "Maliligo lang ako at pupunta tayo ro'n."
"Kasama pa ko?!" daing niya. "Day off ko ngayon, sis! Maawa ka naman!"
"Double pay."
"Okay."
Kapag talaga usapang pera, sobrang dali niya kausap. Sa kaniya pa yata ako mamumulubi.
Matapos maligo ay nagbihis ko na ko. I wore my favorite denim jeans and white longsleeves polo matched with transparent heels and Yves Saint Laurent bag. Nagpisik lamang ako ng pabango at bumaba na.
BINABASA MO ANG
Last Heartbeat
RomanceI was named as a traitor. I broke my friends' trust. I killed my biological family, my clan. That's why I feel like I'm not worthy of his love. I just want to protect him from behind. Even if it costs my life. He is my first heartbeat. Would he be m...