1

5.6K 69 1
                                    

He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon




Read at your own risk...


Ni report ang old account kaya reposting ito. So medyo magulo ang format ha... Tiyagaan nyo na lang. Hahahaha...

Follow nyo ko. Sha_sha0808

Ito yung port ni Alwyn

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito yung port ni Alwyn....








CHAPTER 1

Unedited...
"Oops, sorry," paumanhin ng binata sa babaeng nakabangga niya.
"Sorry rin, hindi rin naman ako nakatingin," paumanhin nito at nagmamadaling nilagpasan siya.
Napalingon si Alwyn sa babae. Kilala niya ito. Sino ba ang hindi? Kilala ito sa buong Westbridge pero hindi lang siya makalapit dahil hindi naman sila close. Isa pa, medyo mataray si Keana at walang gaanong kinakausap na lalaki maliban sa mga pinsan nito.
"Alwyn? Nakita mo ba si Nathalie?" tanong ni Black nang makasalubong niya. Si Black, kasintahan ng kapatid niyang si Nathalie na pinsan ni Keana.
"Black? Nakita mo si Babymine?" tanong ni Sky na ka-triplets ni Black.
"Wala. Hindi ako hanapan ng nawawala," sagot ni Black sa kapatid at iniwan silang dalawa.
"Alwyn? Si Taira, nakita mo?" usisa ni Sky.
"Wala!" sagot ni Alwyn saka tinalikuran ang kaibigan. Naging malapit lang naman siya sa mga Villafuerte dahil kay Nathalie.
Enrollment ngayon kaya bumalik siya para magpa-enrol.
Napansin niya ang ilang babaeng estudyante na napapatingin at nagpapa-cute sa kaniya pero hindi niya pinapansin. Siya ang tipo ng taong hindi malapalit sa mga estudyante rito. Pili lang din naman ang mga kinakausap niya kaya may iilang nagsasabing suplado siya.
Matapos niyang magpa-enroll ay pumunta siya sa car park para umuwi na pero nakita niya si Keana na nakaupo sa isang tabi at napahawak sa kanang paa.
"Need some help?" tanong niya kaya napatingala ang dalaga.
"N-Natapilok lang ako," sagot ni Keana na namumutla na.
Nag-squat si Alwyn sa tapat ni Keana, "May I?"
"A-Ano ang gagawin mo?" tanong ni Keana. Ngumiti si Alwyn at kinuha ang paa nito saka hinilot.
"Ouch!" daing ni Keana at hinawakan ang kamay ni Alwyn para pigilan ito, "m-masakit!"
"Okay lang, after awhile, mawawala rin ang sakit," sagot ni Alwyn habang nakatitig sa maputi at makinis na paa ni Keana. Napakagat sa ibabang labi ang dalaga para tiisin ang sakit dahil sa pagkakatapilok niya.
"Okay na ba?" tanong ni Alwyn. Tumango si Keana at napatitig sa binatang tumulong sa kaniya.
Makapal ang kilay nito, moreno at parang misteryoso. Nakikita na niya ito pero hindi niya binibigyan ng pansin. Hindi naman kasi niya type ang binata. Mukha pa lang ay seryoso na ito sa buhay. Sa tingin niya, hindi sila magkakasundo pero heto ngayon, tinulungan siya nito.
"S-Salamat sa pagtulong?"
"Alwyn," nakangiting sagot ng binata.
"Alwyn," nakangiting ulit ni Keana, "Salamat sa tulong mo, Alwyn. Okay na ang paa ko."
Tumayo ang binata at inilahad ang kanang kamay para tulungan si Keana.
"S-Salamat," nahihiyang pasalamat ni Keana nang makatayo. Ginalaw-galaw niya ang paa. Okay na ito. Natigilan siya nang makita si Jerome na hinahabol si Julie.
"Maiwan na kita," paalam ni Alwyn na nakatingin sa binatang tinitingnan ni Keana. Ne hindi na siya nito pinansin kaya napakamot siya sa ulong naglakad palayo.
----------------------
"Padaan po?" pakiusap ni Keana sa lalaking nasa harapan niya.
"Bawal," sagot ng lalaking nakangisi. Kakalabas lang niya sa bar at tinatamad nang makisabay kay Erika kaya naisipan niyang lumipat sa kabilang bar.
"Dadaan nga ako e!" naiiritang wika niya. Ang bastos din ng dalawang lalaking humarang sa kaniya.
"Suplada ka, ha. Gusto ko 'yan, may thrill!" nakangising wika ng lalaking lasing na. Maayos naman ang mga mukha ng dalawa. Porma pa lang ay mayayaman na at may mga hitsura din kaso hindi lang talaga siya iyong tipo ng babaeng basta guwapo, nakikipaglandian na. Nagna-nightout naman siya pero hindi naman siya ang tipo ng babaeng kaladkarin.
"Hindi ako naghahanap ng gulo so, will you please, padaanin ninyo ako?" mataray na pakiusap niya.
"What if ayaw namin? Come on, gusto lang namin makipagkilala sa 'yo," tanong ng mas matangkad na lalaki. Okay, mukhang modelo ito at akala ng mokong, ito na ang pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa.
"Sorry, wala akong panahong makipagkilala sa kahit na sino lalo na sa mga hambog na kagaya ninyo!" singhal ni Keana nang mapikon na. May iilang dumadaan pero ne hindi na sila pinapansin dahil mga lasing na rin. Isa pa, wala namang pakialam ang mga ito sa kanila. Kaniya-kaniya silang trip.
"Ang tapang mo, ha!" galit na sabi ng matangkad at hinawakan siya sa kanang braso.
"Ano ba! Let go off me!" sigaw ni Keana at nagpupumiglas pero ang higpit ng pagkakahawak nito lalo na't tumulong na ang isa nitong kasama. "Fuck you! Magbabayad kayong dalawa! Help!"
Sumisigaw na siya habang hinahatak palapit sa kotse nila pero ne isa, walang gusong makialam.
"Ano ba! Isusumbong ko kayo sa daddy ko!" galit na sabi niya at sinusubukanh sipain ang dalawa. Ang sakit na ng mga kamay niya sa higpit ng pagkakahawak ng dalawa.
Binuksan ng isa ang pinto ng backseat. Saka lang nakaramdam ng takot si Keana dahil mukhang seryoso na nga ito.
"Kung ayaw sumama, huwag ninyong pilitin!" malamig ang boses na sabi ng lalaki sa likuran nila kaya napalingon ang dalawang binata ganoon din si Keana.
"At sino ka naman?" galit na tanong ng matangkad na nakipagsukatan ng titih kay Alwyn.
"Pakawalan ninyo siya," ani Alwyn na palipat-lipat ang mga mata sa dalawang lalaki. Pinakawalan nila si Keana at hinarap siya.
"Huwag kang makialam dito kung ayaw mong madurog ang mukha--"
Boogsh!
Bumagsak ang matangkad na lalaki nang isang solidong suntok ang pinakawalan ni Alwyn sa panga nito. Gusto pa sana nitong tumayo pero hindi na nakaya dahil hilong-hilo na ito.
Blag!
Malakas na tunog nang tumama sa pintuan ng kotse ang isa pang susugod sana kay Alwyn.
"S-Salamat..." pasalamat ni Keana at mabilis na lumipat sa likod ng binata.
"Walang anuman, sa susunod, umalis kang may kasama," sagot ni Alwyn.
"May kasama ako kaso ang boring," sagot ng dalaga, "Babayaran na lang kita sa pagtulong mo."
"Hindi ako tumatanggap ng bayad," sagot ni Alwyn kaya napataas ang kilay ni Keana.
"Ayaw kong magkaroon ako ng utang," ani Keana.
Pinagmasdan ni Alwyn ang dalaga. Mukhang hindi ito titigil hanggat hindi siya nababayaran.
"Your mobile number will do," sagot ni Alwyn kaya natigilan si Keana.
"'Yon lang ba?" tanong ni Keana.
"And a cup of coffe," ani Alwyn kaya napabuntonghininga si Keana.
"Okay, akin na ang cellphone mo. Magpakilala ka lang," pagpayag niya. Baka mamaya, siya pa ang mabugbog ni Alwyn.
" Tutulong lang, sobra naman ang kapalit," bulong ni Keana. Hindi siya nagbibigay ng number sa hindi naman talaga niya kakilala pero dahil iniligtas siya nito, pumayag na lang siya. As if na makakatanggi siya. Baka mamaya, isumbong pa siya nito kay Black.
Ibinigay niya ang number kay Alwyn at pumara ng taxi. Nawalan na siya ng ganang manatili pa sa bar dahil sa nangyari.
Nang makarating siya sa bahay, dumiretso siya sa kuwarto. Mabuti na lang dahil hindi namalayan ng ama niya ang pagpuslit kanina.
-----------------------
Naglalakad si Keana sa hallway. Napatigil siya bigla at hindi niya alam ang gagawin. Babalik ba siya? O ipagpatuloy ang paglalakad nang makitang makakasalubong niya si Jerome. Ang guwapo kasi nito. Maputi, matangkad at sikat na racer sa ibang bansa.
"Hi," nakangiting bati ng binata kaya naiilang na ngumiti rin siya.
"H-Hello," bati ni Keana na pinasigla ang boses. Bakit ganito? Kapag nakikita niya si Jerome lalo na sa malapitan, kumakabog ang dibdib niya.
"Nakita mo ang triplets?" tanong ni Jerome na ang tinutukoy ay ang mga pinsan niya. Magkapatid kasi ang mga ama nila.
"Hindi e," sagot niya. Gusto niyang mag-usap pa sila nang matagal pero parang gusto rin niyang huwag na lang dahil nahihiya siya. E? Kasalanan naman kasi ni Jerome, ang pogi nito.
"Salamat, Keana," nakangiting pasalamat ni Jerome at tinapik siya sa balikat.
"W-Walang anuman, basta ikaw," sagot ni Keana. Nanlalambot siya. Hinawakan talaga siya ng crush niya sa balikat? Gosh!
"Are you okay?" tanong ni Jerome dahil napansin niya ang pamumutla ng kaharap.
"H-Ha? O-Okay lang ako," ngumiti si Keana at tumingala sa matangkad na kaharap, "Ano ka ba, okay lang talaga ako. Medyo nagutom lang dahil alam mo na, malapit na ang lunch time," sagot niya kaya tumango-tango ang binata.
"Kumain ka sa tambayan, may naluto na yata si Manang," wika ni Jerome, "Sige, mauna na ako, Keana. Hinahanap ko pa si Blue."
"Ingat," sagot ni Keana saka ipinagpatuloy ang paglalakad. Gusto sana niyang tumili pero marami ang tao. Isa pa, baka isipin nila na ang landi-landi niya. Bakit? Ang iba nga riyan, panay ang pagpapa-cute kay Jerome. Sikat naman kasi talaga ang binata lalo na sa ibang bansa.
Tumunog ang cellphone niya, si Alwyn ang tumatawag kaya sinagot na niya. Nag-text na ito noong isang araw kaya sinagot na niya.
"Hello?" sagot niya.
"May free time ka ba this lunch time?" tanong ng baritonong boses.
"Yes naman, bakit?" sagot na niya.
"Puwede ba kitang imbitahang mag-lunch?" tanong ng binata kaya napatirik ang mga mata ni Keana. Inaasahan na niya ito mula sa binata.
"Okay, sabihin mo lang kung saan. Sige na, bye," paalam niya at tinapos na ang tawag. Wala naman silang pag-uusapan pa. Tinatamad siyang mag-entertain pero may utang na loob siya rito kaya pinagtatiyagaan na lang niya.
Nang mag-lunch time, agad na nagpahatid siya sa restaurant na sinabi ni Alwyn. Pagpasok niya, nasa pinakadulong table si Alwyn na mukhang naiinip na naghihintay pero ngumiti ito nang makita siya.
"Sorry, medyo traffic," paumanhin ni Keana.
"Okay lang," sagot ni Alwyn saka tumayo at pinaghila ito ng upuan.
"Thank you," ani Keana at naupo.
Saktong palapit na ang waiter sa kanila at inilapag ang mga pagkain sa mesa kaya nagsimula na silang kumain.
"Ang sarap naman," wika ni Keana nang humigop ng sabaw.
"Mabuti at nagustuhan mo," pormal na sagot ni Alwyn at napatitig sa cute na dalagang nasa harapan niya.
"Oo, masarap at sakto lang ang pagkakatimpla," sagot ni Keana. Mamahaling pinoy restaurant ang napasukan nila at nagustuhan niya ang caldereta at nilagang baka nila.
Napansin niyang nakatitig lang si Alwyn sa kaniya na para bang pinag-aaralan ang bawat kilos niya kaya nakaramdam siya ng pagkailang.
"B-Bakit pala gusto mo akong imbitahang kumain? I mean, bakit ito ang hiningi mong kapalit sa pagtulong mo sa 'kin?" tanong niya para mawala ang takot. Nakita na kasi niya kung paano nito binalibag ang mga nang-insulto sa kaniya sa bar.
"You wanna know the truth?" seryosong tanong ni Alwyn kaya automatic na napataas ang kilay ni Keana.
"Of course," anito.
"I like you," pag-amin ni Alwyn.
"You like me?" tanong ni Keana saka napangiti, "Hindi lang naman ikaw, marami kayo."
"Oo, alam kong marami kami pero puwede bang manligaw?" walang kakurap-kurap na tanong ni Alwyn.
"No," mabilis na sagot ni Keana, "Pumayag lang ako na kumain kasama ka dahil may utang ako sa 'yo but please, huwag mong bigyan ng ibang meaning ang pagpayag ko."
Ngumiti si Alwyn kahit na medyo nasaktan siya, "Nagtatanong lang naman ako kung baka puwedeng manligaw. It's up to you kung papayagan mo ako, Keana."
"I'm sorry, pero hindi ikaw ang gusto ko, Alwyn. To be honest, may iba na akong gusto and unfortunately, hindi ikaw ang tipo ng lalaking gusto ko," prangkang sagot ni Keana. Ayaw na niyang magbigay pa ng kaunting pag-asa kay Alwyn, "Sorry, hindi naman sa inaano kita, pero wala ka talagang pag-asa."
"Okay lang," sagot ng binata. Nagbabakasakali lang naman siya. Ngayon lang naman siya nanligaw pero una pa lang, basted na siya.
"Salamat sa pag-unawa," ani Keana at napasulyap sa binatang ipinagpatuloy na ang pagkain. Hindi talaga siya mahilig sa lalaking malayo ka pa lang, mukhang susugod na sa giyera. E, iyon talaga ang tingin niya kay Alwyn kahit na marami naman ang humahanga rito. Guwapo raw pero para sa kaniya, wala namang ikaguwapo ang mukha nito.
"Huwag mo akong titigan na para bang ako na ang nakakadiring lalaki sa mundo. Kung hindi mo ako gusto, huwag ka nang manghusga," wika ni Alywn dahil napansin niya ang pagtitig ni Keana sa mukha niya na para bang diring-diri ito sa kaniya. Iyon talaga ang nakikita niya sa mga mata nito. Puwede namang tapatin siya pero iyong parang hinuhusgahan na ang pagkatao niya, parang mali na yata iyon?
"Hindi naman iyon ang tingin ko sa 'yo," depensa ni Keana at naikuyom ang kamao sa pagkainis. Hindi niya gusto ang kaangasan ni Alwyn.
"Tapos ka na? Babalik na tayo sa Westbridge," tanong ni Alwyn sa malamig na boses.
"Kaya kong bumalik sa Westbridge kahit na wala akong mapa kaya mauna na ako!" pikon na sabi ni Keana saka tumayo at padabog na lumabas kahit na hindi pa tapos sa pagkain. Badtrip siya kay Alwyn. Hindi ba porket tinanggihan niya ito, ganoon na lang ang iasal nito sa harapan niya? Ang bastos ng ugali!

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon