epilogue

1.3K 35 2
                                    


He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

EPILOGUE

Unedited...
"Keana? Saan ka pupunta?" tanong ni Kyler sa anak na kakababa lang sa hagdan. Malaki na ang tiyan nito at ngayon na ang kabuwanan niya.
"Pupunta kay Alwyn," sagot ni Keana kaya napabuntonghininga si Kyler at napatitig sa anak na kahit bundat ang tiyan, maganda pa rin.
"Hanggang kailan mo matatanggap na wala na siya?" malungkot na tanong ni Kyler.
Matamis na ngumiti si Keana. "Ilang buwan na ang nakalipas, dad. Move on, move on din 'pag may time."
Lumapit si Keana sa ama at naupo sa tabi nito. "Huwag ho kayong mag-alala, kahit na wala na si Alwyn, mananatili siyang buhay sa puso ko--namin ng anak ko. Dad? tanggap ko na po na wala siya pero hayaan ninyo akong bisitahin siya sa puntod niya."
"Pasasamahan kita kay--"
"Magpapahatid lang po ako sa driver, dad," sabi ni Keana at humalik sa pisngi ng ama saka tumayo.
"Bumalik ka kaagad. Baka sa cementeryo ka manganganak!" bilin ni Kyler kaya tumawa si Keana.
"Opo. Babalik ako kaagad," sagot ni Keana at lumabas na pero bago siya pumunta sa garahe ay dumaan muna siya sa hardin para pumitas ng puting rosas. Malungkot na napangiti siya habang hawak ang bulaklak.
"Firstime mong bigay sa akin ng flowers, galing pa sa patay," wika ni Keana na para bang nasa paligid lang niya si Alwyn. Pinilig niya ang ulo bago pa siya tuluyang sakupin ng kalungkutan. Kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay kahit wala na si Alwyn.
Tatlong bulaklak lang ang pinitas niya saka nagpahatid na sa driver nila. Isinama rin niya ang isang katulong na nagwawalis sa bakuran dahil baka manganak nga siya na wala sa oras.
"Manong? Dito lang po kayo ha," bilin ni Keana at natatawa sa katulong na may hawak pang walis.
"Samahan na po namin kayo," sabi ni Manong driver pero umiling si Keana.
"Tatawagan po kita kung kailangan ko kayo," wika niya sa driver saka bumaba na at pumasok sa cementeryo.
"Hi," bati niya nang maupo sa puntod ni Alwyn matapos ilagay ang bulaklak. "Kumusta ka na riyan?" Hinimas niya ang malaking tiyan. "Na-miss na kita. Kabuwanan ko na pala ngayon. Alam mo, ang saya ko dahil lalaki ang magiging anak natin. Gabayan mo kami, boyfriend ha. Sana huwag akong pahirapan ni Baby sa panganganak. Sayang, hindi ka na niya masilayan pero hayaan mo, ipapakita ko palagi ang litrato mo sa kaniya."
Masuyong hinaplos niya ang lapida ni Alwyn. Maaga pa itong kinuha ng Panginoon pero wala siyang magagawa. Kung iyon ang ipinagkaloob ng Diyos sa kanila, tatanggapin niya kahit na masakit. Paunti-unti ay natatanggap na niya ang pagkawala ni Alwyn pero wala may mga times na umiiyak pa rin siya. Kailangan lang niyang magpakatatag para sa anak nila lalo na ngayong bubuo siya ng pamilyang siya lang mag-isa.
"May good news ako sa 'yo, boyfriend. Nahuli na pala ang ama ni Tom at may sumunog din ang underworld. Nabigyan ka na nina Nathalie ng hustisya," pagbabalita niya. Ipinaalam ni Black ang nangyari at naging maugong na balita iyon lastweek. "Pero nakulong ang daddy mo. Alam kong masakit para sa iyo ang nangyari pero kailangan niyang magbayad ng mga pagkakamali niya. I'm sure, iyon din ang gusto mong mangyari."
Ayun, nagkuwento lang siya sa mga nangyayari sa kaniya lalo na ang pagpa-checkup niya.
Mapait na ngumiti siya at pinahidan na naman ang mga luha. "I-Ikaw itong takot na takot dahil baka may sakit ako pero ngayon, heto ako. Umiiyak dahil ikaw ang nasa libingan at hindi ako. A-Alwyn kasi, alam kong hindi mo gustong umiyak ako pero nakakalungkot lang. H-Hindi ko mapigilan na malungkot. G-Gusto kitang yakapin. G-Gusto kitang kagatin pero wala ka na. P-Parang napakadali lang ng lahat. Kahapon lang, masaya pa tayo e. B-Bakit nauwi sa ganito ang lahat? H-Hindi ba't ako ang n-nakasalo sa bouquet ni Irene at sa iyo ibinigay ni K-Kean ang garter noong k-kasal nila? D-Dapat magpapakasal pantayo e!" Pinahidan niya ang mga luha. Pinangako niyang hindi na siya iiyak pero hindi lang mapigilan ang mga luha niya.
"P-Pasensiya ka na kung umiyak na naman ako. I-Ikaw kasi e, maaga mo akong iniwan," biro niya saka napatingala nang maramdaman ang pagpatak ng ulan sa balat niya. "U-Umiiyak din ang langit. Nakikidalamhati sa pag-iibigan nating walang nang karugtong dahil pinutol ng kapalaran.
"M-Ma'am? Balik na ho tayo," sabi ni Manang na may bitbit na payong.
"Basa na ho ako, manang. Maliligo na lang po ako sa ulan," sabi ni Keana at umiwas sa katulong. Minsan, ulan na lang ang pag-asa ng tao para hindi mahalatang umiiyak siya habang naglalakad.
Basang-basa siya nang sumakay sa kotse pero hinayaan lang ng dalawa hanggang sa makarating sa bahay nila.
"Bakit ka ba nabasa?" bulalas ni Yna nang makita si Keana na papasok sa bahay.
"Masarap hong maligo sa ulan," sagot ni Keana at inabot ang tuwalyang ibinigay ng katulong sa kaniya.
"Hindi mo ba naisip na buntis ka? Keana naman! Manganganak ka na! Paano kung magkakasakit ka?" nanggigigil na sabi ni Yna. Sarap iumpog ni Keana kung hindi lang ito kawawa.
"Mom? I'm fine," sabi ni Keana. Naintindihan naman niya ang mga ito pero minsan, nasasakal na rin siya.
"Wala na si Alwyn para sawayin ka kaya sana, sundin mo naman ang mga habilin niya para sa anak ninyo!" singhal ni Yna. Siya ang natatakot para sa anak.
Mapait na ngumiti si Keana. "Wala na ho si Alwyn kaya kailangan ko nang matutong mamuhay nang mag-isa at magdesisyon para sa anak namin," wika ni Keana saka umakyat na dahil ayaw niyang makipagtalo sa ina. Naligo muna siya at pinatuyo ang buhok bago mahiga sa kama. Pasado alas singko pa lang naman ng hapon kaya may oras pa siyang magpahinga bago mag-dinner.
Alas otso na siya magising kaya bumaba siya para kumain.
"Bakit ka naligo sa ulan?" seryosong tanong ni Kyler habang kumakain sila.
"Sorry, nabasa lang kaya naligo na lang ako," sagot ni Keana at napangiti. Naalala niya noong nag-kiss sila ni Alwyn sa ilalim ng ulan. Ang sweet-sweet nila noon.
"Pagkatapos mong kumain, magpahinga ka na at magpa-checkup tayo bukas," sabi ni Kyler dahil wala na siyang magagawa pa. Nangyari na ang nangyari.
"Yes, dad."
Alas nuwebe ay pumasok na si Keana sa kuwarto para matulog dahil ang bigat na ng talukap niya.
----------------------
"Keana!" bulalas ni Yna nang kapain ang leeg ng anak ay ang taaa ng lagnat nito.
"A-Alwyn..." bulong ni Keana. "S-Sandali, sasama ako."
"Oh, God! Keana naman! Dumilat ka!" saway ni Yna at pinababa ang nakataas na kamay ng anak.
"M-Mommy naman, sasama ako kay Alwyn. Mamamasyal kami," sagot ni Keana.
"Ano ang nangyayari?" tanong ni Kyler nang marinig ang tili ng asawa.
"S-Si Keana, inaapoy ng lagnat," natarantang sagot ni Yna na pilit binubuhat ang anak pabangon sa kama pero ang bigat ng katawan nito at sobrang init pa ng katawan.
"Fuck!" pagmumura ni Kyler matapos kapain ang leeg ng anak. Sobrang init ito at nanginginig pa ang katawan ni Keana. "Sabing huwag kang maligo sa ulan!"
"B-Bitiwan ninyo ako! S-Sasama ako kay Alwyn!" umiiyak na wika ni Keana at iniangat ang mga kamay na para bang may inaabot sa hangin.
"Keana? Wala na si Alwyn!" galit na sabi ni Kyler na nanayo ang balahibo. Hindi na siya nagdalawang isip pa at binuhat na niya ang anak palabas ng kuwarto. Patakbo namang sumunod si Kyler sa kaniya.
"B-Boyfriend? Isasama mo na kami ni Baby? H-Hindi mo na kami iiwan?" sabi ni Keana nang maisakay na ni Kyler sa kotse ang anak na nagdi-diliryo.
"H-Hubby? P-Pakibilisan po ng pagpatakbo!" umiiyak na sabi ni Keana at niyakap ang anak kaya mas lalong tumulin ang pagpatakbo ni Kyler. "B-Baby? Umayos ka. M-Malapit na tayo sa hospital, Keana!"
----------------------------
Pagod na ipinikit ulit ni Keana ang mga mata. Hindi niya alam kung ilang oras o araw na siyang nakatulog. Pagmulat niya ng mga mata, puro puti ang kaniyang nakikita sa paligid.
"A-Alwyn?" sambit niya nang makita ang mukha ng lalaking matagal na niyang hindi nasilayan. "B-Boyfriend!"
Ngumiti si Alwyn sa kaniya at hinawakan ang kanang kamay niya. "I miss you, girlfriend."
"I m-miss you too, boyfriend!" umiiyak na sabi niya. Dinala ni Alwyn ang kamay niya sa pisngi nito kaya mas lalong napaluha si Keana. "S-Sasama na ako sa 'yo."
"Gusto mo?" tanong ni Alwyn kaya tumango si Keana.
"K-Kahit saan mo ako d-dadalhin, basta magkasama lang tayo," humihikbing sagot ni Keana kaya ngumiti si Alwyn. Masuyong inabot ni Keana ang mukha ni Alwyn kaya yumuko ang binata para mahaplos ito ni Keana. "H-Hindi ako magsasawa sa kilay mo k-kahit na araw-araw pa kitang nakikita."
"Mabuti naman," nakangiting sabi ni Alwyn.
Tumayo si Keana habang hawak ang kamay ni Alwyn.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Alwyn.
"S-Sasama sa 'yo sa dulo ng walang hanggan. I-Isama mo na ako sa langit para palagi ka nang nasa tabi ko," naiiyak na sagot ni Keana.
"P-Paano ang baby natin?" nag-alinlangang tanong ni Alwyn.
Napatingin si Keana sa batang umiiyak sa crib.
"K-Kaya na nina Mommy na alagaan. P-Pero hindi ko kayang alagaan siya na wala ka. B-Boyfriend? Kung sasama man ako sa 'yo, iyon ay dahil gusto ko talagang sumaya," sagot ni Keana. Sigurado siyang maiintindihan siya ng mga magulang at higit sa lahat, kampante siyang hindi ng mga ito pababayaan ang anak nila ni Alwyn.
"Oh, Keana," bulong ni Alwyn at mahigpit na niyakap ang dalaga. "Tahan na, wala nang makapagpahiwalay pa sa ating dalawa."
Ngumiti si Keana at gumanti sa mainit na yakap ng lalaking matagal nang patay sa paningin ng iba pero para sa kaniya, buhay na buhay ito sa puso niya.
"I love you, girlfriend," bulong ni Alwyn at hinawakan ang dalaga sa magkabilang balikat saka yumuko at hinalikan sa mga labi.
"I love you too, boyfriend," sagot ni Keana nang magkahiwalay ang mga labi nila. Kusa niyang niyakap si Alwyn. Ngayong kasama na niya ito, hindi na siya papayag na magkahiwalay pa sila. Kung ang kamatayan man niya ang magiging kapalit at tanging paraan para magkasama sila sa kabilang buhay, buong puso niyang tatanggapin ang pagkamatay.

A/n
😁😁😁😁😁💖💗❤💚💜💜💚❤💗💖💖💗❤💚💜

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon