12

947 44 1
                                    


He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 12

Unedited...
"Boyfriend mo?" tanong ng dating kaklase ni Keana na naging kaibigan din niya.
"Y-Yes," nahihiyang bulong ni Keana saka napakagat sa ibabang labi. Paano, pareho sila ng taste nito. Crush na crush din nito si Jerome noong high school pa sila. Well, mahilig sa racer itong kaibigan niya pero nag-migrate na sa ibang bansa kaya minsan na lang sila kung mag-usap.
Tumaas ang kilay ng kaibigan niya saka pinasadahan ng tingin si Alwyn mula ulo hanggang paa.
"Can I talk to you, privately?" seryosong tanong nito kaya pinandilatan niya si Karyl. Sinasabi na nga ba e, may pagkaprangka rin ito pero alam niyang nagpipigil lang para hindi mapahiya si Alwyn.
"Sure," pagpayag niya saka hinarap ang binata. "Puwede bang maupo ka muna, Alwyn? Kakausapin ko lang di Karyl," wika ni Keana kaya lumapit naman si Alwyn sa table na may bakanteng upuan saka hinila ang isang silya at naupo. Kaunti lang ang bisita nila at mas marami ang babae kaysa sa lalaki kaya napapansin ni Keana na marami-rami ang nakatingin sa kanila lalo na kay Alwyn. May makapal na mukha pa ngang lumapit para lang magpa-picture dito.
Nang makalayo na sila kay Alwyn at sa ibang bisita, paismpleng kinurot siya ni Karyl sa tagiliran.
"Aray!" daing ni Keana. Ang sakit lang ng pagkakurot nito. Ang haba pa naman ng kuko ng bruha.
"Bakit hindi mo sa akin sinabi na siya ang boyfriend mo?" nakasimangot na tanong ni Karyl.
"S-Sorry naman. Alam kong hindi siya pasok sa panlasa mo kaya hindi ko na--"
"My ghad! Ang guwapo! Siya ang Mr. World last year, 'di ba? Bakit ang suwerte mo?" kinikilig na sabi nito kaya napanganga si Keana.
"Excuse me?" hindi makapaniwalang tanong ni Keana. Tama ba ang pagkakarinig niya? Or pinaglalaruan lang siya ng kaniyang mga tainga. Pero parang ang klaro naman e.
"Ang sabi ko, ang hot niya! Oh my! Nandoon kaya ako sa Las Vegas nang mag-search sila. May picture pa nga kami sa kaniya ng mga pinoy friends ko e. Grabe, ang hot niya sa swimwear. Shit! Nakakaloka ang abs. Kakainggit ka!" naiinggit na sabi nito pero siyempre, masaya siya para sa kaibigan. "Ang laki naman ng isdang nabingwit mo. Literal na malaki."
Napasulyap si Karyl kay Alwyn na may kinakausap na sa table.
"Akala ko ba, hindi mo siya type?" Sinikap ni Keana na itago ang inis sa kaibigan. Kilala niya ito, at hindi si Alwyn ang tipo nito.
"Grabe ka naman. Type na type ko siya para sa 'yo. Ang pogi kaya niya!" ani Karyl na ikinasimangot ni Keana. Pogi? Saan banda?
"Pero mukha siyang kontrabida. Di ba, ayaw mo sa lalaking mukhang maangas?" paalala niya. Sana lang talaga ay maalala nito ang pinag-uusapan nila.
"Oo. Pero hindi naman maangas si Alwyn, ah. Nakakainggit ka nga kasi ang hot na niya, ang pogi pa. O 'di ba? Sa'n ka pa?" sagot ni Karyl. Hindi naman maangas si Alwyn. Kapag matitigan mo nang matagal, mas lalong nakaka-inlove.
Napatingin siya kay Keana na hindi maipinta ang mukha. Napangiti siya saka hinawakan ang mga kamay ng kaibigan, "Kung ang ikinabahala mo ay hindi siya makapasa sa akin bilang mahal mo, huwag kang mag-alala, pasok na pasok siya sa panlasa ko. Boto ako sa kaniya."
Tipid na ngumiti si Keana. Of all people, si Karyl na lang ang pinagkatiwalaan niyang papanig sa kaniya pero mukhang nalinlang din ito ng mukha ni Alwyn.
"Teka lang, ang manliligaw ko," bulong ni Karyl saka iniwan muna si Keana para salubungin ang bisita.
Padabog na bumalik si Keana kay Alwyn. Naningkit ang mga mata niya nang makitang nakikipag-usap si Alwyn sa dalawang babaeng nakaupo sa harapan nito. Obviously, nakikipag-flirt sila sa kasintahan niya.
"Teka, sino ba ang kasama mo?" maarteng tanong ng babae na ang slit ng palda ay abot hanggang sa maitim na singit nito.
"Girlfriend ko," sagot ni Alwyn.
"May girlfriend ka na?" nakasimangot na tanong ng katabi nitong may hitsura nga pero ang katawan, mukhang balyenang maga ang katawan.
"Yes," sagot ni Alwyn saka tumayo at nagpaalam sa dalawa nang mapansing hindi na maipinta ang mukha ni Keana na nakatayo sa likuran ng dalawang babae.
Lumapit siya kay Keana saka hinawakan ito sa siko. "Saan tayo maupo?"
"Tapos ka na sa kanila?" tanong ni Keana at tinaasan ng kilay ang kasintahan. Ngumiti si Alwyn saka inilapit ang mukha sa tainga niya.
"Kung hindi ko lang alam na galit ka, isipin ko talagang nagseselos ka, Keana," bulong ni Alwyn na nagpatayo ng balahibo ng dalaga.
"Kapal mo! Huwag kang feeling pogi!" mahinang wika ni Keana.
Lumayo si Alwyn sa kaniya saka nginitian siya.
"Biro lang. Halika na," yaya ni Alwyn saka hinawakan siya sa bewang saka lumapit kay Karyl na may kausap na lalaki.
Walang nagawa si Keana dahil bantay sarado ang mga kilos nila ng mga fans ni Alwyn kaya nagpatianod na lang siya.
"Oh, Keana. Halika, ipapakilala kita sa manliligaw ko," nakangiting wika ni Karyl kaya lumapit si Keana sa mga ito.
"Good evening," nakangiting bati ng binatang kakaabot lang ng bulaklak kay Karyl. Familiar kay Keana ang mukha nito pero hindi lang niya matandaan kung saan niya nakita.
"Hindi ko matandaan kung saan kita nakita pero familiar ka," prangkang sabi ni Keana.
"Ahm... Baka sa TV o sa newspaper, businessman kasi siya," sabat ni Karyl na inamoy ang pumpon ng pulang rosas na hawak. Guwapo rin naman ang manliligaw niya at balak na sana niyang sagutin kaso one week pa lang silang nagkakilala. Pakipot muna siya. Siguro nextweek, okay na.
"Oo nga pala. Naalala ko na," sabi ni Keana. Naging maugong ang pangalan nito sa business world dahil sa mabilis na paglaki ng business.
"Hi, I'm Angelo. You can call me, Gelo for short," pagpakilala ng binata sabay lahad ng kamay nito.
"I'm Keana," nakangiting sagot ng dalaga saka aabutin na sana ang nakalahad na kamay nito pero agad na hinawakan ni Alwyn ang kamay ni Angelo at nakipag-handshake.
"I'm his girlfriend," wika ni Alwyn at binawi ang kamay saka inakbayan si Keana. Hindi lang niya nagustuhan ang pagkatitig nito sa dalaga.
"Nice," nakangiting sabi ni Angelo. Kakarating lang niya mula sa ibang bansa. Nakilala niya si Karyl dahil sa kaibigan niya ang pinsan nito.
Tumango si Alwyn sa kaniya.
"Karyl? Mauna na ako. May pupuntahan pa ako bukas," paalam ni Angelo. Sana lang ay hindi pa huli ang lahat para sa kaniya.
"Sige," nakangiting sabi ni Karyl.
Nang malayo na si Angelo, hindi na nagdalawang isip pa si Keana na tanungin ang kaibigan.
"Paano kayo nagkakilala?"
"Pinsan ko ang kaibigan niya," nakangiting sagot ni Karyl.
"Mukhang playboy," prangkang wika ni Keana. Basta bata, guwapo at businessman, playboy talaga ito para sa kaniya.
"Hmm? Mukhang hindi naman," nakangiting sagot ni Karyl.
Nagpaalam na sina Keana dahil pasado alas onse na pala ng gabi.
"Ihatid mo muna ako sa amin," sabi ni Keana habang inaayos ang seatbelt. Inaantok na siya.
"Sige," sagot ni Alwyn na kanina pa natahimik kaya hinarap niya ito.
"Ano ba ang problema mo, Alwyn?" tanong ni Keana.
"Pagod na ako," pag-amin ng binata. Kanina pa siya inaantok at nabo-bored pero hindi lang niya pinahalata sa dalaga. Paano, formal party ang pinuntahan nila.
"Pasensiya ka na. Sana pala, hindi ka na sumama. Okay na iyong ipinaalam mo ako kina Mommy," sabi ni Keana. Kahit paano, na-guilty naman siya.
"Wala iyon. Basta ikaw," sagot ni Alwyn kaya tumahimik na si Keana at ipinikit ang mga mata. Kahit siya, pagod na rin naman.
Napamulat siya nang mga mata nang maramdamang umaangat siya.
"A-Alwyn?" inaantok na sambit niya nang maaninag ang mukha nito. Inaantok na talaga siya kaya tinatamad siyang imulat ang mga mata.
"Masyadong malayo pa ang bahay ninyo, inaantok na ako at baka makatulog ako habang nagmamaneho kaya rito ka na sa condo ko matulog. Ipaalam na lang kita kay Tita Yna," wika ni Alwyn at pinindot ang elevator.
Hindi na nakasagot si Keana dahil sa sobrang antok.
Buhat pa rin niya si Keana habang palabas ng elevator. May iilang napatingin sa kanila pero wala an siyang pakialam. Wala na rin naman siyang balak na gisingin pa ang dalaga dahil ang sarap ng tulog nito.
Pagpasok sa condo, agad na binuksan niya ang ilaw na nasa gilid lang ng pinto saka dumiretso siya sa kuwarto.
"Ang bigat mo," pabulong na sabi niya at maingat na inilapag ang dalaga sa kama saka tinanggal ang sandal nito.
Nag-iisip pa siya kung papalitan ang damit ni Keana pero sa bandang huli, napagdesisyunan niyang huwag na lang dahil baka magwala pa ito kinabukasan.
Inayos niya ang pagkakahiga nito saka pumasok sa shower room para mag-half bath.
Paglabas niya, nakayakap na ang dalaga sa unan at himbing na himbing sa pagtulog. Napaupo siya sa tabi nito at malayang pinagmasdan ang maamong mukha ng dalaga.
Wala sa sariling hinaplos niya ang malambot at makinis na kanang pisngi nito pero agad na binawi ang kamay nang makonsensiya dahil sa pagsamantala.
Nahiga siya paharap sa tabi ni Keana at hinayaang nakabukas ang ilaw.
Mabait si Keana. Noon pa man, alam na niyang mabait ito kaya nagulat siya nang biglang nagbago ang turing nito sa kaniya nang malamang may gusto siya rito.
Sa lahat yata ng babaeng nakita niya, kay Keana lang siya nagtitiis.
" Bakit kita mahal?" pabulong na tanong niya at inayos ang kumot nito.
"A-Alwyn?" usal ni Keana habang nakatingin sa kaniya pero antok na antok ang mga mata nito.
"Matulog ka na," wika ni Alwyn pero nanatiling dilat ang mga mata ng dalaga. Hindi naman kayang alisin ni Alwyn  ang mga mata kaya nakipagtitigan siya sa dalaga.
Dahan-dahang inilapit ni Alwyn ang mukha niya sa mukha ni Keana. Hindi ito gumagalaw habang ang mga mata nila ay nakatitig sa isa't isa. Hinawakan ni Alwyn ang baba nito saka maingat na inilapat ang mga labi sa malambot na mga labi ng dalaga. Walang pagtutol mula kay Keana kaya gumalaw ang mga labi ni Alwyn at ninamnam ang bawat sulok ng mga labi ng kasintahan. Ingat na ingat na para bang isang manipis na babasaging bagay ang mga labi ng dalaga at ayaw niyang mabasag. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong init sa katawan kahit na hindi kumikilos si Keana. Basta hinahayaan lang siya nito sa pag-angkin ng mga labi nito.
"I love you," bulong ni Alwyn nang maghiwalay ang mga labi nila. Dahan-dahang ipinikit ni Keana ang mga mata kaya napabuntonghininga si Alwyn. Tulog na ang dalaga.
Napipilitang tumayo siya at lumipat sa couch bago pa niya tuluyang magamit ang tatlong condom na palihim na inabot sa kaniya ng ina ni Keana. He admits, he loves her. Still, he does.

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon