33

982 35 1
                                    


He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 33

Unedited...
"Alam mo, Kean? Dapat lang na akuin mo ang lahat dahil ikaw ang ama ni Ariana," sabi ni Yna dahil nagrereklamo si Kean na sa kaniya pa ang lahat.
"Kaya nga po inaako ko na pero hanggang ngayon, dalawang daan pa rin ang baon ko araw-araw? Daddy naman, ganoon na ba tayo kahirap?" tanong ni Kean. Kaya nga double kayod siya para lumago ang negosyo. Dalawang branch lang ang gusto niya para sa resto bar. Mas gusto pa rin niyang ibang business ang papasukin.
"Ano ba ang gusto mo?" seryosong tanong ni Kyler at pinahidan ang mga labi ng tisyu.
"Dagdagan mo naman po ang baon ko kahit piso lang," sagot ni Kean kaya napataas ang kilay ni Kyler. Ewan lang niya kung namimilosopo ang anak o ano?
"May usapan tayo, Kean. Hanggat hindi kayo guma-graduate, hindi mapasainyo ang savings ninyo," seryosong sagot ni Kyler.
"Kaya nga ikaw Keana, dapat lang na seryosohin mo si Alwyn dahil masipag ang batang iyon," ani Yna sa anak na tahimik na kumakain.
"Seryoso ka ba talaga kay Alwyn, Keana?" tanong ni Kyler.
Tumigil si Keana sa pagkain at humarap sa mga magulang.
"Mahal ko po si Alwyn pero hindi ako sigurado kung siya na nga ba talaga. Masyado po akong naguguluhan at isa pa, bata pa kami," sagot ni Keana.
"Mahal mo pero hindi ka sigurado? Anong klaseng pagmamahal 'yan?" pagtataray ni Yna. "Kapag mag-boyfriend ka, dapat sigurado ka nang siya na talaga. Paano kapag may nangyari sa inyo? Hindi ka pa rin ba sigurado?"
"May mga bagay na naging rason kung bakit hindi nagkakatuluyan ang dalawang taong nagmamahalan," ani Keana.
"May pinaghuhugutan?" tanong ni Kean kaya inirapan siya ni Keana.
"Okay na rin naman si Alwyn, Keana. May business na siya at masipag naman," sabat ni Kyler kaya napatingin si Keana sa ama. Himala, ngayon lang ito nagsalita tungkol sa relasyon nila ni Alwyn.
"See? Sabi ko na sa 'yo e, okay sa amin si Alwyn," proud na sabi ni Yna kaya naiilang na ngumiti si Keana.
"Just no monkey business at malinis na pagkatao, walang problema sa akin," sabi ni Kyler. Mula nang mag-live-in sina Kean at Irene, paunti-unti na niyang natatanggap na tumatanda na nga sila ni Yna. Na hindi habambuhay ay nasa pangangalaga nila ang kambal. Kagaya ng maliit na ibon, kapag matuto na silang lumipad, hihiwalay na ito sa mga magulang para maghahanap ng sariling pugad. Mag-aasawa at mag-aasawa ang dalawa at kailangan na nilang ihanda ang sarili habang maaga pa.
"Mabuti naman yatang tao si Alwyn?" patanong na sabat ni Kean. Naging kaibigan niya si Alwyn dahil kina Black pero mula nang makilala niya ito, wala naman itong ginagawang masama. Ang alam niya, busy rin si Alwyn sa sariling business. Medyo tahimik nga lang ito at pili lang ang nilalapitan.
" Hindi lang ninyo alam," malungkot na bulong ni Keana. Masyadong mahirap tanggapin ang madilim na nakaraan ni Alwyn lalo na't patuloy pa rin sa pag-operate ang mga magulang nito.
Ne hindi nga siya sigurado kung saan galing ang mga nililibre ni Alwyn sa kaniya. Ghad, ayaw niyang buhayin mula sa masama. Ayaw niyang ang gatas at pagkain na binubuhay sa anak balang araw ay galing sa pagbebenta ng droga ng kanilang ama.
"Oo naman! Mabait kaya si Alwyn. Kaya nga gusto ko siya para kay Keana," pagsang-ayon ni Diana.
Napatingin silang tatlo kay Keana nang tumayo ito.
"Tapos na po akong kumain, excuse me, kailangan ko lang pong pumunta sa banyo," paalam ni Keana na hindi na kaya pang pakinggan ang pag-uusap ng tatlo.
"Kain ka kasi nang kain. Umalis ka na nga," pagtataboy ni Kean kaya mahinang sinabunutan muna siya ni Keana bago talikuran.
"Umuwi ka na sa mag-ina mo. Si Ariana ang gusto naming makita at hindi ikaw," sabi ni Keana habang naglalakad palayo sa kanila.
"Ang sama mo!" pahabol ni Kean.
-------------------------------
"Saan ka pupunta?" tanong ni Kean nang palabas na sila.
"Sa tambayan," sagot ni Keana.
"Nandoon ba si Alwyn?" tanong ni Kean.
"Baka," tipid na sagot ni Keana. Mula nang magkausap sila sa tabing-dagat, hindi na sila nagkausap pa ni Alwyn. Hindi rin siya tine-text o tinatawagan nito kaya mas pabor sa kaniya.
"Uy, Alwyn?" tawag ni Kean nang makitang papaliko na si Alwyn patungo sa classroom nito.
"Kean," sabi ni Alwyn at lumapit sa kanila. Iniwas ni Keana ang mga mata at sinikap na huwag tumingin sa binatang kaharap. Wala siyang closure ni Alwyn at hindi nimga niya alam kung sila pa ba o wala na?
"Alwyn? Pahiram muna ako, babayaran kita bukas," sabi ni Kean. Ayaw na niyang manghiran sa triplets dahil mabilis maningil si Sky. Si Blue naman, nahihiya rin siya dahil may binubuhay na itong bata. Si Black? Well, naiilang siyang mangutang dahil hindi niya mabasa ang isipan ng pinsang iyon. Baka mamaya, galit na ito sa kaniya.
"Sige, magkano ba ang hihiramin m--"
"Huwag!" Pagpigil ni Keana kaya napatingin ang dalawang lalaki sa kaniya. "H-Huwag ka nang manghiram kay Alwyn, magkano ba ang hihiramin mo? May pera pa ako."
"Limang libo," sagot ni Kean.
"Hindi ko pa nagalaw ang monthly allowance ko kaya ako na ang magpapahiram sa 'yo," sabi ni Keana kaya pasimpleng ibinalik ni Alwyn ang pitaka sa bulsa.
"May pera ka naman pala e. Babayaran kita nextweek kapag nakuha ko na ang sa resto ko," sabi ni Kean saka humarap kay Alwyn. "Salamat na lang pala, Alwyn."
Ngumiti si Alwyn. "Okay lang. Sige, mauna na ako may klase pa kami," paalam ni Alwyn at sinulyapan si Keana.
Ipinagpatuloy ng kambal ang paglalakad.
"Hindi pa rin ba kayo nagkaayos ni Alwyn?" tanong ni Kean. Ramdam kasi niya ang pag-iwas ng dalawa sa isa't isa.
"Huwag na natin siyang pag-usapan," sagot ni Keana.
"Kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako," sabi ni Kean at inakbayan ang kakambal, "Alam mo namang iisa lang ang bituka natin."
"Mas malala ang sa 'yo!" sabi ni Keana.
Tumambay muna sila sa tambayan dahil may fifteen minutes break pa sila.
"Puntahan ko lang si Mommy Irene," paalam ni Kean sa kakambal na kumakain ng salad.
"Bahala ka," sagot ng dalaga at napatingin kay Kean na nasa pintuan na.
Kain lang siya nang kain ng salad hanggang sa magsawa siya. Napatingin siya sa cellphone. Ne isang text, wala siyang natanggap mula kay Alwyn. Kahit missed call ay wala rin.
Nang mag-text si Kean na nandoon na ang guro, mabilis niyang inilagay sa table ang plato at patakbong lumabas sa tambayan. Nawili siya sa pagkain kaya nakalimutan niyang fifteen minutes lang pala ang break nila.
Napapreno siya nang makitang makakasalubong niya si Alwyn. Nagkatitigan pa nga sila pero ang binata ang unang bumawi at lumiko para hindi sila magkasalubong.
"Iniiwasan ba niya ako?" tanong ni Keana habang naglakakad. Galit ba si Alwyn sa kaniya dahil hindi niya ito matatanggap? Pero naguguluhan pa siya. Sa isang babaeng galing sa angkan ng pamilyang namumuhay nang marangal sa lipunan para mabuhay, mahirap tanggapin na nagmahal siya ng taong nagbebenta ng ikakasira ng kinabukasan ng mga kabataan para lang mamuhay sa karangyaan. Paano kapag malaman ng pamilya niya?
Nang pumasok siya, nagle-lecture na ang kanilang guro. Mabait naman ito kaya hindi siya pinagalitan.
Nang patapos na ang klase, tinago niya sa gitna ng libronang cellphone at nag-text kay Alwyn.
"Rooftop."
Iyon lang pero sigurado siyang naiintindihan na iyon ng binata.
"Saan ka kakain?" tanong ni Kean nang palabas na sila.
"Sa tambayan," sagot ni Keana, "mauna ka na, may kikitain pa ako."
"Nahiya ka pang aminin na si Alwyn," tukso ni Kean pero dinedma lang ng dalaga at tuloy-tuloy sa rooftop.
Pagpasok niya, agad na tumayo si Alwyn na mukhang kakarating lang din lang.
"Hi," bati ni Alwyn.
"H-Hello," naiilang na sagot ni Keana.
"May kailangan ba tayong pag-usapan?" tanong ni Alwyn. Hindi naman siguro siya ite-text ni Keana kung hindi mahalaga ang pag-uusapan nila.
"Iniiwasan mo ba ako, Alwyn?" prangkang tanong ni Keana.
"Hindi--"
"Ang totoo lang, Alwyn! Ayaw ko ng sinungaling!" mabilis na wika ni Keana kaya napabuntonghininga si Alwyn.
"Alam kong ayaw mo akong makita," mahinang sagot ng binata at inilagay sa bulsa ng pantalon ang mga kamay. Masakit man pero ginagawa lang niya ang gusto ni Keana. Masakit ang ginawa nito kanina nang humiram si Kean ng pera sa kaniya. Nanliliit siya dahil para siyang may nakakahawang sakit sa ginawa ni Keana. Ang sama pa rin ng tingin nito sa kaniya.
"Iyon lang ba ang dahilan, Alwyn?"
"Oo, iyon lang. Ayaw kitang masaktan dahil sa nakaraan ko kaya ako na lang ang iiwas sa 'yo. Pero Keana, nandito lang ako kapag kailangan mo. Kahit kailan, hindi kita iiwasan kapag lumapit ka sa akin. Iniiwasan lang kita dahil sa kung ano ang tingin mo sa akin."
Hindi kumibo si Keana. Aminado siyang tama naman si Alwyn. Gusto talaga niya itong iwasan.
"K-Kapag ba magkaroon ako ng ibang boyfriend, okay lang sa 'yo?" tanong ni Keana.
Malungkot na ngumiti ang binata, "No, hindi okay sa akin. Pero ano ang magagawa ko? Masyadong madilim ang nakaraan ko at wala akong magagawa para baguhin iyon." Hinawakan niya ang magkabilang mga kamay ng dalaga at tinitigan sa magandang mukha. "Pero Keana, gusto ko lang malaman mo na lahat nang meron ako ngayon, dahil iyon sa kita ko sa pagmomodelo at pagkapanalo sa Mister World. Hindi ko man mabago ang nakaraan ko pero umasa kang binabago ko na ang sarili ko ngayon para sa 'yo. Para balang araw, hindi mo ako ikakahiya at maipagmalaki rin ako ng magiging anak natin."
Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga at pinagmasdang maigi ang mukha nito. Kung puwede lang sana niyang titigan ang magandang mukha nito habambuhay. Kaso wala siyang magagawa.
"Pasensiya ka na, wala rin akong magagawa para baguhin ang pinagdaanan ko," paumahin niya at tinalikuran na ang walang imik na dalaga.
Hindi makakilos si Keana. Parang mga pisi ang utak niyang nagkabuhol-buhol at sobrang hirap nang ibalik.
"Alwyn," sambit niya at nilingon sa binatang malapit na sa pintuan.
"A-Alwyn!" sambit niya at patakbong hinabol ang kasintahan.
"K-Keana," mahinang sambit ni Alwyn nang maramdaman ang pagpulupot ng mga kamay ni Keana sa bewang niya.
"S-Sorry, Alwyn. I-I'm sorry," luhaang paumanhin ni Keana. Masakit tanggapin pero mas masakit isipin na mawawala si Alwyn sa kaniya.
Nakangiting pinisil ni Alwyn ang mga kamay ni Keana sa bewang niya. Tinanggal niya ito at humarap kay Keana.
Pinahidan niya ang mga luha nito gamit ang mga daliri niya. "Huwag ka nang umiyak, hindi naman kita iiwan kahit na ayaw mo na sa akin."
Umiling si Keana, "Mahal kita. Mahal na mahal na kita kahit na ayaw ko sa 'yo noon. P-Pero natatakot ako na baka--"
Hindi na niya natapos ang sasabihin nang angkinin ni Alwyn ang mga labi niya. Parang may buhay ang kaniyang mag kamay na umangat para yakapin ang binata para tugunin ang mainit na mga halik nito.
Naghiwalay sila na parehong hinihingal at hinahabol ang hininga.
"H-Huwag kang matakot, girlfriend. Pangako, hindi na ako babalik sa nakaraan alang-alang sa 'yo," bulong ni Alwyn at hinapit siya sa bewang.
"H-Hindi ka na m-magbebenta na bawal na g-gamot? Hindi ka--uhmp!" Muling inangkin ni Alwyn ang mga labi niya.
"Ilang taon ko nang tinalikuran iyon, girlfriend. Pangako, hindi na ako babalik pa sa masamang gawaing iyon."
"P-Pero ang parents mo," nag-aalalang sabi ni Keana.
Niyakap siya ni Alwyn, "Wala kang dapat na ipag-alala, matagal na nilang alam na tumigil na ako."
"G-Good boy ka na?" parang batang nakatingala na sabi ni Keana.
Hinapit siya ni Alwyn sa bewang, "I will, Keana."
"Good boyfriend na kita," sabi ni Keana at isinandal ang ulo sa dibdib ni Alwyn.
"Ouch!" hiyaw ni Alwyn nang maramdaman ang mga ngipin ni Keana sa kanang dibdib niya kaya agad na hinawakan niya ang ulo nito pero sa halip na itulak, niyakap na lang niya ang dalaga hanggang sa magsawa na ito sa kakakagat sa balat niya.

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon