15

999 38 1
                                    

He's been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 15

Unedited...
"Hala!" wika ni Keana nang pagpasok sa shower room ay wala pala siyang dalang swimsuit. Swimming lesson nila ngayon at ang buong akala niya ay nailagay niya ang damit kagabi. Wala pa naman siyang extrang swimwear sa locker niya.
"Keaaaaan!" sigaw niya habang patakbo sa kakambal sa kabilang shower room. Agad na napabalik siya nang pagbukas ng pinto ay mga nakahubad ang mga kaklase niya pero wala naman talaga siyang nakita o nahagip ng kaniyang mga mata. Mabilis naman niyang naisara.
"Bakit?" tanong ng kakambal niya nang bumukas ang pinto at nakatapis lang ito ng tuwalya. Napasulyap si Keana sa katawan ng kakambal
In fairness, may abs ang mokong. Parang kailan lang, pinapaliguan pa sila ng Mommy Yna nila sa iisang shower. Pero ngayon, iba na ang trip nito. Iba na ang palaging kasama at iba na ang prinsesa.
"Wala akong isusuot," naka-pout na sabi ni Keana sa kakambal. Hirap kapag lalaki ang kakambal. Wala siyang karamay sa mga lakad at kahit sa damit.
"Bakit?" nakakunot ang noong tanong ni Kean.
"Nakalimutan ko," sagot niya. Patay siya mamaya sa teacher nila. Hindi naman puwedeng manghirap siya sa kaklase nila. Siyempre damit ito tapos naisuot na nila.
"Kung anu-ano kasi ang iniisip mo," sabi ni Kean. "Humiram ka kina Ate Erika."
"Kaasar! Hiraman mo 'ko," pakiusap niya.
"Mauuna kaming boys. Mamaya na pagkatapos namin," sagot ni Kean.
"Tatawagan ko na lang sila," sabi ni Keana saka lumayo sa shower room ng mga lalaki at naupo sa isang sulok habang tinatawagan ang pinsan.
"Miss Villafuerte, bakit hindi ka pa nakabihis?" tanong ng P.E teacher nila.
"Wala po akong damit. Wait lang, hihiram lang po ako. Mauna naman ang boys e," sagot ni Keana.
Hindi niya makontak sina at Erika Taira.
Sa kakahanap ng puwedeng mahiraman, napindot niya ang number ni Alwyn.
"O? Napatawag ka?" tanong ni Alwyn na ang ingay ng background dahil nagsisigawan ang mga kaklase.
"Boyfriend? Wala akong damit sa swimming," sabi ni Keana.
"Swimming pala kayo? Bakit wala?" tanong nito.
"Nakalimutan ko. Practicum pa naman namin," sumbong ni Keana at inunat ang mga paa.
"Ba't nakalimutan mo?"
"Nawala sa isip ko. Akala ko, may nailagay na ako sa bag ko," sagot ni Keana, "Alwyn? Hanapan mo ako, please."
"May klase pa ako. Padating na teacher namin. Try mo sa mga pinsan mo, kina Taira," sabi ni Alwyn.
"May exam sila," sagot ni Keana. "Huwag na lang, hindi ako magpa-practicum. Bahala sila!" sabi niya. Narinig niya ang pagbuntonghininga ng binata sa kabilang linya.
"Wait lang, hahanap ako," sabi ni Alwyn na obvious namang napipilitan lang. Tinapos na ni Keana ang tawag at nanonood sa mga kaklase niyang tinawag ng guro nila.
"Bakit hindi ka nakabihis?" tanong ni Analiza na kaklase niya nang lumapit siya bitbit ang isang silya.
"Wala akong damit," sagot ni Keana at naupo sa dalang upuan na ipinuwesto niya sa tabi ng table ng teacher nila.
Limang estuyante ang sabay na lalangoy gamit ang iba't ibang style at isa-isang bibigyan ng grado ng guro nila. Nawili naman si Keana sa kakapanood. In fairness, may mga kaklase siyang matitipuno rin. Ang daming abs na nakabalandra.
"Keana? Tawag ka ni Alwyn," sabi ng babaeng kaklase nila kaya napalingon si Keana. Nakita niya ang binatang itinaas ang bitbit na paperbag.
Tumayo siya at patakbong lumapit kay Alwyn.
"Damit ko na 'yan?" nakangiting tanong niya.
"Oo. M-Magbihis ka na," hinihingal na sagot ng binata at inabot sa kaniya ang paperbag na may pricetag pa. Para siyang sumali sa marathon dahil sa bilis ng takbo niya. Ang layo pa naman nitong swimming pool sa parking lot at building nila.
"Salamat," pasalamat ni Keana. In fairness, bago pa ito. "Saan mo 'to nabili?"
"Diyan sa pinakamalapit na boutique. Sige na, kayo na yata," sabi ni Alwyn at napatingin sa relo. Late na siya ng sampung minuto para sa next class. Binilisan na nga lang ang pagpatakbo ng sasakyan para makahanap ng tindahang may swimsuit.
"Salamat ulit!" nakangiting pasalamat ni Keana sa kasintahan habang nakatingala rito.
Nakatitig si Alwyn sa dalagang kahit ang mga mata ay masaya.
"Sige na, alis na ako," paalam ni Alwyn saka tumalikod. Ayaw man niyang aminin pero nawala yata ang pagod niya nang ngitian siya nito. Kanina kasi, natataranta pa ang boses ni Keana nang makausap niya pero ngayon, parang batang pinagbigyan sa gustong laruan.
Matapos magbihis, napangiti si Keana nang mapadaan sa salamin. Three-quarter sleeve high neck one piece na hanggang kalahating hita niya ang binili ni Alwyn. Okay na rin. Simple lang at hindi revealing. Ganito naman talaga ang isinusuot niya.
"O? Mabuti naman at may suot ka na. Saan ka nakahanap?" tanong ni Kean nang makasalubong niya. Tapos na ito at nagsisimula na ang mga girls. Sa dulo naman siya dahil letter V ang apelyido nila. Minsan, naiinis siya dahil sila parati ang nasa huling pila pero ngayon, salamat sa apelyido niya at may time pa siyang makahanap ng isusuot.
"Kay Alwyn, binili niya," sagot ni Keana kaya sumeryoso ang mukha ni Kean na nakatitig sa kakambal.
"Good luck," sabi ni Kean saka tinapik sa balikat ang kakambal.
"Parang swimming lang e," sabi ni Keana at lumapit na sa mga kaklase. Expert silang lumangoy dahil may pool sila. Mas magaling pa nga sila kaysa sa teacher nila. Wala lang talaga siyang proper training. Sa kanilang magpipinsan, si Aron lang ang nakapag-focus sa swimming. Swimmer din naman ang ibang boys. Kaso makitid at madilim lang na dagat lang ang sinisisid nila.
Nang matapos ang practicum, agad na nagbihis si Keana dahil nagutom siya. Kailangan niya ng pagkain pagkatapos ng nakakapagod na swimming.
Naglalakad siyang mag-isa dahil naunang umalis si Kean. Nakita niya si Jerome na sinusundan si Julie. Well, hindi siya manhid. Alam niyang may namamagitan sa dalawa. Nanlulumo siya. Naging saksi kasi siya kung paano minahal ni Aron si Julie. Magmula nang lumipat si Blue sa CTU,  hindi na ito napadpad dito. Ne hindi na nga niya nakitang magkasama sila ni Julie. Madalas na si Mandy na ang kasama ng pinsan. Well? Good luck kay Aron kung masikmura nito ang ugali ni Mandy.
"Hi," nakangiting bati ng lalaking nakasalubong niya. Familiar ito sa kaniya pero hindi niya matandaan kung saan sila nagkita. "Keana, right?"
"Yes?" sagot niya at napasulyap sa visitor's ID nito.
"I'm Drake, natatandaan mo pa ba ako?" nakangiting tanong nito kaya napakunot ang noo ni Keana. "Nagkakilala tayo sa bar."
"Ow? Ikaw pala 'yon. Yes, naalala na kita," sagot ni Keana. May iilang estudyanteng napapatingin sa kanila. Ngayon lang kasi nila nakita si Drake at well, maporma at guwapo ito.
"Yes," nakangiting sabi ng binata at may dinukot sa bulsa, "Here, naiwan mo ang wallet mo."
"Ow? Thank you," pasalamat ni Keana. Nandito pa kasi ang ibang ID's niya like postal at voters ID.
"Wala iyon. Can I ask your number? If okay lang sa 'yo? Sorry pala sa gulo that night. Nadala lang sa kalasingan," paumanhin ni Drake.
"Wala iyon. Salamat din," pasalamat ni Keana at napilitang ibigay ang number dahil sa pagsauli nito ng wallet niya. Kumpleto pa naman.
"Gusto sana kitang yayain sa labas kaso nagmamadali ako kaya nextime na lang, Keana," sabi ni Drake at tinapik siya sa balikat. "Mauna na ako. Sana mapagbigyan mo akong maging magkaibigab tayo."
"O-Oo naman," sagot ni Keana na medyo naiilang. Ang guwapo kasi ni Drake, maangas pero baby face. Iyong napakaamo tingnan dahil hindi ito mapanga. Ala Coco Martin ang hugis ng mukha.
"Sige. I'll call you na lang," ani Drake saka umalis na.
Napatingin si Keana sa wallet na nawala. Laking pasalamat niya dahil sa kaniya talaga isinauli ni Drake. Paano na lang kung dumiretso ito sa bahay nila? E di patay siya sa ama kapag malamang sa bar niya nawala ang wallet.
Dumiretso na siya sa tambayan saka kumain. Ang triplets lang at si Taira ang narito. Si Taira ay hinila ni Sky papasok sa kuwarto. Si Blue naman ay tulog sa mahabang sofa at si Black, walang imik na nanonood ng TV habang kumakain ng chichirya.
Naupo siya sa tabi ni Black at kinalong ang platong may lamang pagkain.
"Sa mesa ka kumain," wika ni Black pero dedma lang siya ni Keana at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Black? Libre mo 'ko ng ice cream."
"Kumakain ka na nga, pagkain pa rin ang iniisip mo?" ani Black.
"Masarap naman kumain," depensa ni Keana. Ang sarap lang ng ulam niya, lechon paksiw.
"Black? Nakita mo si Jerome?" tanong niya sa pinsan.
"Wala," tipid na sagot ni Black.
"Si Kean?"
"Wala," sagot ni Black na blangko ang mukha.
"Si Alwyn?" Keana.
Salubong na ang kilay ni Black na umiling.
Hindi na nangulit pa ang dalaga dahil mukhang sinumpong na naman si Black ng katamaran sa pagsalita.
Kinuha niya ang cellphone tapos tinext si Alwyn kung kumain na ba ito?
"Oo" lang ang sagot nito kaya napasimangot si Keana. Saan kaya kumain ang mokong na 'yon? Baka galit sa kaniya dahil pinabili niya ng swimsuit?
Nang matapos kumain ay natulog muna siya sa kuwarto. Siyempre, nakakaantok kaya pagkatapos kumain. Diyan talaga siya hinihila ng katamaran e. Ang sarap ipahinga ng katawan.
Naalimpungatan siya nang niyugyog siya ni Kean.
"Pasok na tayo," sabi ni Kean kaya dahan-dahang bumangon si Keana at naupo sa kama. Isang oras din siyang nakatulog. Inaantok pa na inayos sinusuklay niya ang buhok kaya kinuha ni Kean ang hairbrush.
"Ako na. Baka abutin tayo ng isang oras sa pagsusuklay mo lang," sabi ng binata na sinusuklay na ang buhok ng kakambal. Wavy ang buhok ni Keana pero ang bango at lambot naman at wala itong balak na ipagalaw ang buhok.
"Kean? Nagkita kayo ni Alwyn?" tanong ni Keana kaya tumigil si Kean sa pagsuklay at inilapag ang hairbrush sa mesa.
"Wala. Bakit mo hinahanap?"
"Wala naman. Baka kasi galit siya sa akin," sagot ni Keana saka tumayo at sumunod sa kakambal palabas.
Natapos ang klase nila buong hapon at naunang magpaalam si Kean. Hindi raw siya maihatid nito dahil pupunta pa ito kina Irene kaya nakaramdam siya ng pagkainis. Wala kasi ang driver nila.
Nakasimangot na lumabas siya sa gate at nag-abang ng taxi. Uwian na kaya marami ang nakaabang sa tapat ng paaralan nila. Grabe si Kean, hindi man lang siya ihahatid.
"Isusumbong ko siya kay Daddy!" naiiyak na bulong niya habang nilalaro ng sapatos ang buhangin. Ang hirap pa namang mag-abang ng taxi.
Napatingin siya sa sasakyang tumigil sa tapat niya. Bumukas ang bintana ng driver's seat nito.
"Huwag ka nang bumusangot diyan, sakay na!" sabi ni Alwyn na nakadungaw sa bintana at nginitian siya.
"Ihahatid mo ako?" tanong ni Keana.
"Bawal mag-park dito dahil ma-traffic kaya bilisan mo na," wika ni Alwyn kaya mabilis na sumakay si Keana sa frontseat.
Pinaandar na ni Alwyn ang sasakyan habang naglalagay ng seatbelt ang dalaga.
"Saan ka kumain kaninang lunch?" tanong ni Keana habang nakatingin sa unahan.
"Kasama ko ang barkada ko," sagot ni Alwyn at napasulyap sa dalaga.
"Galit ka ba sa akin?" tanong ni Keana na humarap sa kasintahan.
Muling napasulyap si Alwyn sa dalaga, "Bakit naman ako magagalit sa 'yo? May kasalanan ka ba?"
"K-Kasi na-late ka dahil sa pagbili ng swimsuit ko," nahihiyang sagot ni Keana.
"'Yon ba? Wala iyon. Boyfriend mo naman ako," sagot ni Alwyn.
Natahimik si Keana. Paminsan-minsan ay napapasulyap siya kay Alwyn pero mabilisan lang dahil baka mahalata siya nito. Napakaseryoso nitong tao kapag hindi nakangiti o nagsasalita. Kahit nga magsalita, nandoon pa rin ang pagkaseryoso sa boses.
Nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng mansion nina Keana, bumaba si Alwyn saka pinagbuksan si Keana.
Lumabas ang dalaga at hinarap si Alwyn. "Salamat sa paghatid, salamat sa pagbili ng swimsuit ko," pasalamat ni Keana sa lalaking nasa tapat niya at nakasandal ang isang kamay sa pinto ng sasakyan.
"Wala iyon. Pumasok ka na."
"Boyfriend? Hindi ka ba papasok muna?" tanong ni Keana habang nakatingala sa binata.
"Hindi na. Pakikumusta na lang ako sa parents mo," ani Alwyn.
"Salamat," pasalamat ulit ni Keana at nag-tiptoe saka hinalikan sa kanang pisngi ang kasintahan.
Tumakbo na si Keana nang bumukas ang gate at lumabas ang katulong na may bitbit na basura. Nakatingin lang si Alwyn dito pero nang malapit na ito sa gate ay humarap si Keana sa kaniya at ngumiti.
"Ingat sa pagmaneho, boyfriend!" sigaw nito kaya natatawang sumenyas si Alwyn.
"Pumasok ka na." Utos ni Alwyn kaya pumasok na rin si Keana sa gate.
"Bago pa kita iuwi sa bahay ko," nakangiting dagdag ni Alwyn na siya lang ang nakakarinig.

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon