24

959 36 1
                                    

He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 24

Unedited...
"Gusto mo nang maligo?" tanong ni Alwyn sa kasintahan nang maupo ito sa tabi niya.
"Mamayang hapon na lang, mainit na," sagot ni Keana. Iilan na lang din ang naliligo dahil mataas na ang araw. Alas diyes na kasi ng umaga.
"Breakfast muna?" tanong ni Alwyn pero umiling si Keana.
"Gusto kong uminon ng buko juice," sabi ni Keana nang makitang umiinom ang ilang kaklase ni Alwyn.
"Yen? Saan kayo kumuha ng buko juice?" tanong ni Alwyn sa kaklaseng umiinom ng buko juice.
"Sa loob, meron pa yata," sagot ni Yen.
"Dadalhan ko na lang kayo, kukuha rin ako," sabat ni Tom na papasok sa loob ng resthouse.
"Salamat, dude!" pasalamat ni Alwyn.
"Boufriend? Gusto ko mahiga," sabi ni Keana kaya tumayo si Alwyn sa lounger at pinahiga si Keana matapos ilagay ang sunglasses. May lilim sa puwesto nila dahil mataas at malaki ang puno sa paligid.
"Gusto mo ng sunblock?" tanong ni Alwyn. Umusod si Keana para makaupo si Alwyn sa tabi niya.
"Yes, please," sagot ni Keana kaya kinuha ni Alwyn ang sunblock at pinahidan ang likod ni Keana matapos dumapa sabay masahe.
Napapikit si Keana. Kahit malaki ang mga kamay ni Alwyn, magaan ito magmasahe. Nakakantok.
"Huwag kang matulog, kakagising mo lang," sabi ni Alwyn na ngumiti.
Tumihaya si Keana at tumingin kay Alwyn na nakadungaw sa kaniya. Itinaas niya ang kamay saka mahinang sinampal ito.
"Para saan 'yon?" nagtatakang tanong ni Alwyn.
"Wala lang," sagot ni Keana at ngumiti nang ubod ng tamis sa kasintahan.
Ngumiti si Alwyn saka napailing. Kinuha niya ang kamay ni Keana saka dinala sa dibdib niyang walang saplot.
"Alam kong may abs ka," wika ni Keana.
"Hindi ka ba nagnanasa sa abs ko?" pabulong na tanong ni Alwyn.
"Hindi," sagot ni Keana sabay iling. "Marami na akong nakitang abs. Kay Blue at Kean pa lang, keribels na."
Sumimangot si Alwyn, "Iba 'yong sa kanila. Itong akin, pagmamay-ari mo," ani Alwyn saka yumuko at hinalikan si Keana sa noo habang ang mga kamay nila ay sa dibdib pa rin niya.
"P-Puwede kong kainin?" biro ni Keana kaya tumawa si Alwyn at inihilamos ang kaliwang kamay sa mukha ni Keana.
"Tumayo ka na, kumain ka na," sabi ni Alwyn.
"Diet ako," seryosong sagot ni Keana at bumangon saka naupo sa tabi ni Alwyn dahil wala pa siyang ganang kumain. Inakbayan niya si Alwyn habang nakaharap sila sa dagat.
"Gusto mong mag-boating?" tanong ni Alwyn na nakatanaw sa bangkang papalayo na sakay ang ibang kaklase niya.
"Ayaw ko," sagot ni Keana. Pagod na siya e.
Nang makalapit si Tom sa kanila, ibinigay nito ang buko juice na nasa baso kay Keana.
"Ito na lang ang last," wika ni Tom.
"Okay lang, share na lang kami ni Keana," sagot ni Alwyn.
"Ayaw ko. Kulang pa 'to sa akin!" nakasimangot na sabat ni Keana habang nakatitig sa buko juice.
"Hindi naman ako nauuhaw," wika ni Alwyn at ginulo ang buhok ni Keana. Pagdating sa pagkain at inumin, walang boyfriend-boyfriend sa babaeng 'to e.
"Dahil mahal kita, sip ka pero kaunti lang," sabi ni Keana nang nakakalahati na siya kaya tumawa si Alwyn.
"Ubusin mo na, nahiya ka pa."
"Ayaw mo, boyfriend?"
"Sa 'yo na," ani Alwyn.
"Salamat naman," sagot ni Keana at inubos ang buko juice. Hindi naman siguro ikamatay ni Alwyn kung hindi niya ito bigyan ng buko juice na may ice at condensed milk. Masarap lang sa mainit na panahon.
"Gusto mo maglakad-lakad?" tanong ni Alwyn.
"Sige!" sagot ni Keana. "Kuha mo 'ko ng payong."
"Hindi na mainit," sagot ni Alwyn. Nakatako na ang araw sa makapal na ulap. Bigla na lang dumilim ang paligid na tila nagbabadyang uulan.
Holdinghands sila habang naglalakad sa tabing-dagat.
"Masaya," wika ni Alwyn at sinipa ang malaking patay na coral na na nadaanan nila.
Tumingala si Keana para makita ang mukha ni Alwyn. "Anong masaya?"
Ngumiti si Alwyn at tumingin kay Keana, "Masaya lang na ganito tayo, walang away at mahal mo ako."
"Corny mo!" nakalabing sabi ni Keana saka tinanggal ang kamay ni Alwyn na nakahawak sa kamay niya saka ipinulupot ang mga kamay niya sa braso nito.
"Ganito ka na lang palagi para wala tayong gulo," wika ni Alwyn. "Ouch! Fuck!" daing niya nang kagatin ni Keana ang braso niya. Napahawak siya sa ulo ng dalaga nang halos ipaon na nito ang mga ngipin sa balat niya habang inosenteng nakatingala sa kaniya. "Girlfriend, masakit na!"
Nang ma-satisfy, tumigil si Keana kaya napanganga si Alwyn nang makita ang marka ng ngipin ni Keana sa balat niya.
"Para saan 'yon?" nagtatakang sabi ni Alwyn na hindi makapaniwala sa ginawa nito. Bampira pa ito at bigla na lang siyang kinagat? Ang sakit!
"Wala lang. Gusto ko lang," sagot ni Keana at ubod nang tamis na nginitian si Alwyn.
"Yong mga wala lang mo talaga ang masakit e," wika ni Alwyn at inakbayan ang kasintahan saka ipinagpatuloy ang paglalakad.
"Alwyn? Bili tayo ng resort," sabi ni Keana at niyakap sa bewang ang kasintahan.
"Bakit mo na naman naisip 'yan?" tanong ni Alwyn.
"Para meron tayong pasyalan kapag matanda na tayo," sagot ni Keana kaya napangiti si Alwyn at pinaupo si Keana sa buhangin pero sa halip na sa buhangin maupo, sa kandungan niya naupo ang dalaga.
" Wrong move, Keana," sa isip niya at napabuntonghininga. For Christ's sake, lalaki lang siya.
Inayos niya ang pagkakaupo ni Keana sa unahan niya saka isinandig sa malapad niyang dibdib ang likod nito habang nakatingin sila sa karagatan.
"It seems na gusto mo akong makasama sa pagtanda," bulong niya skaa niyakap ang dalaga at inamoy ang mabangong buhok nito.
"Gusto kong humanap ng lalaking kagaya ng Lolo Ryan ko. Na kahit matanda na, si Lola Hannah pa rin ang nasa puso niya hanggang sa mawalan sila ng hininga," malungkot na sabi ni Keana. Sayang, hindi nila nakasama nang matagal ang dalawang matanda.
Hindi umimik si Alwyn kaya tumingala siya rito.
"May problema ba?" nagtatakang tanong niya.
"Wala," sagot ng binata saka ngumiti.
"Alam kong meron," sagot ni Keana at sinamaan ng tingin si Alwyn.
Tumingin ito sa malayo at sunod-sunod na malalalim na buntonghininga ang pinakawalan.
"H-Hindi ako mayaman, Keana. Ampon lang ako at sapat lang ang pera ko para mabuhay ka," sagot ni Alwyn. Maiibigay niya ang pangangailangan ni Keana sa araw-araw pero ang mga luho, hindi na niya kaya. Isa pa, Villafuerte ito at sanay itong mamuhay ng marangya.
"Magtatrabaho rin ako. Mag-iipon tayo ng pera," sagot ni Keana na para bang madali lang para sa kaniya na gawin ang lahat.
Naramdaman ni Keana ang ilang butil ng ulan na pumatak sa balat niya.
"Umuulan na," sabi ni Alwyn nang malakas nang palakas ang pagbuhos ng ulan.
"Maligo tayo," sabi ni Keana saka tumayo. Parang bata itong umikot-ikot habang nakadipa.
"Kyaaah!" tili niya nang buhatin siya ni Alwyn at itinakbo pabalik sa resthouse pero nagpupumiglas siya. "Baba mo 'ko, boyfriend!"
Nabibigatan na si Alwyn kaya ibinaba niya ang kasintahan.
"Gusto kong maglakad sa ulan habang hawak ang kamay mo, boyfriend," sabi ni Keana at kinuha ang isang kamay ni Alwyn para holdinghands sila. "Life is not about waiting for the storm to pass, it's about learning to dance in the rain," wika ni Keana saka tumigil at ipinulupot ang mga kamay sa leeg ni Alwyn. "I just want to dance with you under the rain, boyfriend."
Hinapit siya ni Alwyn sa bewang at tinitigan sa mga mata kahit na pareho na silang mga basa, "I don't want anything right now but your lips on mine," bulong ni Alwyn habang palapit ang mga mukha sa mukha ni Keana. "Under the rain," dagdag ni Alwyn bago sakupin ang mga labi Keana.
Napapikit si Keana. Napakabanayad ng paghalik ni Alwyn. Ang tamis pa ng lasa dahil sa pinaghalo ng tubig ulan at laway nila kaya hinigpitan niya ang pagkayakap sa leeg ni Alwyn habang nakasuporta ang mga kamay nito sa bewang niya para hindi sila matumba nang palalim nang palalim ang halikan nila. Para silang apoy na mas lalong lumiliyab sa gitna ng malakas na ulan.
"Uhmmm..." ungol ni Keana nang sipsipin ni Alwyn ang katas ng dila nila niya nanpara bang siya ang source ng ulan.
Pareho silang hinihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Isinubsob ni Keana ang mukha sa dibdib ni Alwyn saka ibinaba ang mga kamay para sa bewang ito yakapin.
"I love you, girlfriend," bulong ni Alwyn. Tumingala si Keana at napahilamos.
"Balik na tayo, boyfriend. Giniginaw na ako," yaya niya kaya nag-squattibg si Alwyn sa unahan niya.
"Sakay na!"
"Yehey!" tili ni Keana saka nagpiggyback ride kay Alwyn.
Pagdating nila, agad na dumiretso sila sa kuwarto. Ang ibang kasama ay kakatapos lang maligo at ang iba ay naliligo pa.
"Sa bathroom ka na namin maligo, sabay tayo," sabi ni Alwyn kaya namula si Keana dahil marami ang mga kaklase ni Alwyn na nandito.
"Mauna ka na," naiilang na sabi ni Keana.
"Sige, ikaw na lang ang mauna," sabi ni Alwyn nang makuha ang iniiisip ng kasintahan.
Bitbit ang tuwalya at sabon ay pumasok si Keana sa bathroom ng mga lalaki para mag-shower.
"Mukhang seryosohan na 'yan ah," sabi ni Manuel na nakaupo malapit sa bintana. Lumapit si Alwyn at napatingin sa labas. Saka lang niya napansin na kitang-kita mula rito ang puwesto kung saan sila naghalikan ni Keana.
"Seryoso naman talaga ako sa kaniya," sabi ni Alwyn saka ipinulupot ang malapad na puting tuwalya sa bewang.
"Well? Masaya kami ni Tom para sa 'yo," sagot ni Manuel na ngumisi.
Hindi umimik si Alwyn. Kumuha siya ng mug at nagtimpla ng kape saka naupo sa tabi ng dalawa.
"Hira
p talaga kapag hindi mo kasama ang syota mo, walang kahalikan kapag umulan," daing ni Tom kaya tumawa sina Alwyn at Manuel.
Matapos ang ilang minuto, lumabas na si Keana na bitbit ang basang damit kaya tumayo si Alwyn saka kinuha ito at inilagay sa supot.
"Magkape ka muna, maligo lang ako," sabi ni Alwyn at dinala si Keana kina Tom saka ibinigay ang nakahanda nang inumin ng kasintahan.
Nang matapos maligo ni Alwyn, bumaba na sila para kumain ng tanghalian. Ang iingay ng mga kasamahan nila at ang iba ay nag-asaran pa. Paminsan-minsan, nakikisali rin si Alwyn. Si Keana ay focused lang sa masarap na pagkain dahil hindi naman sila ganoon ka-close ng mga babae. Hindi lang siya na-o-OP dahil sa kaniya ang atensiyon ni Alwyn.
Umuulan pa rin kaya nag-videoke na lang sila sa loob. Dahil sa pamimilit ng barkada, kumanta si Alwyn.
Nakikinig lang si Keana sa magandang boses ng kasintahan habang kumakain ng mainit na french fries.
Hindi niya maiwasang mapatitig kay Alwyn na sa kaniya rin ang mga mata habang kumakanta. Ang presko nito tingnan at mukhang umamo na rin ang mukha. Ang pogi pala nito kapag matagal na niyang tinititigan.
Ibinigay nito sa babaeng kaklase ang mic saka lumapit sa kaniya.
"Kakatapos lang nating kumain, lumamon ka na naman?" biro ng binata saka kumuha ng fries.
"Wala bang gravy?" tanong ni Keana.
"Wala e, sarsa lang," sagot ni Alwyn.
"Boyfriend? Pahingi ako ng kilay mo," sabi niya na ang mga mata ay sa makapal ngunit maayos na kilay ni Alwyn. Ang iba kasi, ang gulo tingnan ng kilay nila. Pero kay Alwyn, maayos na parang sinuklay lang.
"Soon, magdo-donate ako sa magiging anak natin, girlfriend," nakangiting sagot ni Alwyn at sinubuan n fries si Keana.
"Inaantok na ako," sabi ni Keana at inihiga ang ulo sa balikat ng kasintahan.
"Matulog ka lang, buhatin kita mamaya," sabi ni Alwyn kaya ipinikit ni Keana ang mga mata tapos yumakap kay Alwyn. Sarap yakapin ng boyfriend niya ngayong malamig ang panahon.
Napangiti si Alwyn at sinusuklay ang buhok ni Keana gamit ang mga daliri habang pumapadaudos ang ulo nito pababa sa lap niya. Thanks God at may yumayakap na sa kaniya ngayong tag-ulan. Mainit sa katawan at masarap sa pakiramdam.

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon