26

982 37 1
                                    

He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 26

Unedited...
"Miss? Pabili po ako ng sandwich," sabi ni Alwyn sa saleslady.
"Wala ho kaming tinitindang sandwich, nasa counter po," sagot ng saleslady at napatitig sa mukha ng guwapong binata.
"Haist! Basta 'yong sandwich na ginagamit ninyo kapag mayroon kayong bisita!" pabulong na wika ni Alwyn. Ang slow naman ng kausap niya. Ang dami pa namang nakatitig sa kaniya. Ito ang mahirap kapag sa labas siya ng Westbridge bumili, marami ang taong nakatingin sa kaniya.
"H-Ha? Egg sandwich? Tuna?" nagtatakang tanong ng babae. Okay, iba ang iniisip niyang sandwich pero impossible namang buwanang daloy ang tinutukoy nito.
"Haist! Napkin! Saan ang mga napkin ninyo!" prangkang tanong ni Alwyn na hindi na mailarawan ang mukha dahil sa babaeng kaharap.
"H-Ha? Nasa kabila lang po, doon po ang napkins," sagot ng saleslady na gusto sanang matawa pero seryoso ang costumer na kaharap.
"Salamat na lang," sagot ni Alwyn at hinanap ang mga napkin. Never pa siyang bumili ng napkin at heto na nga, makakabili na siya nang dahil kay Keana. Tumawag ito ay nagpapabili kaya wala siyang choice.
Nang makita na niya ang nga nakahilirang napkin, pinagpipilian pa niya ang Modess at Whisper pero sa bandang huli, ang Whisper na lang ang kinuha niya.
"Asar!" bulong niya nang may mga babaeng nakangiti habang nakatingin sa kaniya. Kung nandito lang sana si Keana, hindi talaga siya mahihiyang bibili dahil alam naman ng lahat na para iyon sa girlfriend niya pero wala e. Siya lang mag-isa kaya bahala na. Kaysa naman matagusan ang girlfriend niya at mapahiya.
Pagkatapos niyang magbayad sa counter, patay-malisya siyang lumabas sa grocery store saka mabilis na naglakad pabalik sa Westbridge at dumiretso sa tambayan.
Pagpasok niya, tumayo si Keana at lumapit sa kaniyam.
"Salamat, boyfriend," pasalamat ni Keana nang iabot sa kaniya ni Alwyn ang pinabiling napkin.
Napangiti ang dalaga nang makitang Whisper with wings ang ibinigay ni Alwyn.
"Masaya ka na niyan?" madilim ang mukhang tanong ni Alwyn kaya natawa na talaga si Keana.
"Bakit ganiyan ang mukha ng boyfriend ko?"
"Wala," tipid na sagot ni Alwyn saka iniwas ang mga mata.
"Nahihiya kang bumili ng napkin ko?" nakalabing tanong ni Keana.
"H-Hindi a. Magpalit ka na nga, naaamoy na ako ng malansa," biro ni Alwyn kaya dumikit ang mga kilay ni Keana. "Biro lang, girlfriend. Kahit na matagusan ka, mabango ka pa rin, mahal kita e."
"Shit! Ang dugyot ninyo!" sabi ni Kean na kakalabas lang ng kuwarto kasama si Irene.
"Whatever!" pagtataray ni Keana saka pumasok sa silid at inilapag sa kama ang napkin saka kinunan ng litrato saka ipinost sa Instagram at Twitter.
"Wen ur bf brought u this napkin with wings. I love you, boyfriend. #relationshipgoals
Napangiti siya habang pinopost saka kumuha ng isa at nagpalit.
Paglabas niya, nakaupo si Alwyn sa kama na nakatitig sa napkin na nasa kama.
"Kailangan mo ba talagang i-post 'to sa Insta?" nakasimangot na tanong ni Alwyn.
"Proud lang ako sa ginawa mo ngayon," sagot ni Keana at naupo sa tabi ng kasintahan saka niyakap ito. "Nakaka-inlove."
Napayuko si Alwyn kaya nagsalubong ang mga mata nila ni Keana. Tila nangungusap ang mga mata nito na mahalin pa niya lalo kaya napangiti na lang siya kahit na medyo napahiya siya kanina.
"Maybe, masanay rin ako sa pagbili ng napkin na mag-isa," pagsuko ni Alwyn at ginulo ang mukha ni Keana.
"Oo, tapos nextime, diaper na," natatawang sabi ni Keana.
"Ouch!" daing ni Alwyn nang kagatin siya nito sa balikat. Talagang nanginginig pa ang bibig nito habang ibinabaon ang mga ngipin sa balat niya. Napahawak siya sa ulo ni Keana. Sarap itulak pero baka masobrahan naman kaya tiniis na lang niya ang sakit. "T-Tama na--shit! Sobrang sakit na!"
Tumigil si Keana saka pinahidan ang bibig gamit ang panyong inabot ni Alwyn.
"Satisfied?" salubong ang kilay na tanong ni Alwyn habang hinihimas ang braso.
Tumango si Keana, "Yes."
"Mabuti naman. Pumasok ka sa La Luna Sangre, baka sakaling ikaw ang makapatay kay Angel Locsin!" suhestiyon ni Alwyn. Totoo yata ang bampira e.
"Jacinta Magsaysay," pagtatama ni Keana.
"Labas na tayo," yaya ni Alwyn pero hinigpitan ni Keana ang pagkakayakap sa kaniya.
"Gusto kong matulog muna, boyfriend. Inaantok ako," mahinang sabi ni Keana at hinatak pahiga si Alwyn kaya wala itong magawa kundi tabihan siya.
"Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Alwyn at inunan ang ulo ni Keana sa braso niya habang nakapulupot ang mga kamay nito sa bewang niya.
"I'm sleepy," tipid na sagot ni Keana at isiniksik pa lalo ang mukha sa kilikili ni Alwyn. Well, naka tshirt naman ito at ang bango ng mokong.
Napahigpit ang pagkayakap niya nang makaramdam ng kirot sa puson.
"Kailangan mo ng hot compress?" tanong ni Alwyn nang maramdamang namimilipit sa sakit si Keana.
"I need a hug from my boyfriend," sagot ni Keana.
"Pero mas lalong dadami raw ang lalabas na dugo kapag tumabi ka sa lalaki kapag may menstruation kayo," bulong ni Alwyn at sinuklay ang mahaba at malambot na buhok ng kasintahan.
"Gusto ko ng yakap mo," tanging sabi ni Keana at ipinikit ang mga mata. Sa tuwing mahiga siya at maamoy si Alwyn, napapanatag ang loob niya at hinihila siya ng antok.
"Girlfriend?" tawag ni Alwyn pero mahinang humihilik na si Keana kaya hindi na lang siya gumalaw. Kagabi pa ito nagrereklamo na masakit ang puson at hindi makatulog. "Sleep tight, Keana. I love you," bulong niya at hinalikan ito sa pisngi.
Nagising si Keana nang makaramdam ng gutom. Maingat na kinuha niya ang kamay ni Alwyn na nakayakap sa bewang niya. Medyo okay na ang pakiramdam niya, wala na ang sakit sa puson. Nakatitig lang siya sa kasintahang natutulog.
Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha sa mukha nito para mahalikan sa mga labi. Wala naman sigurong masama kung nakawan niya ng halik si Alwyn?
Alam ng binatang may nakatitig sa kaniya. Saka niya naalalang nasa silid pala sila ni Keana. Padilat na sana siya nang maramdaman ang mainit at malambot na mga labi ni Keana. Nanginginig pa ang mga labi nito kaya hinayaan na lang niya. Pinakiramdaman kung gisingin siya nito ng halik pero na-disappoint siya nang agad na inilayo ni Keana ang mga labi.
"Damn, I stole a kiss from my boyfriend," bulong ni Keana kaya agad na napatalikod si Alwyn. Shit! Gusto niyang tumawa pero pinigilan niya ang sarili dahil baka magalit o magtampo si Keana.
"Alwyn? Gutom na ako," sabi ni Keana na niyuyogyog sa balikat ang kasintahan. Gosh, muntik na siyang mahuli. Mabuti na lang dahil agad na inilayo niya ang mukha. Paano kaya kapag nahuli siya nito? E? Magagalit talaga siya para pagtakpan ang pagkapahiya.
Humarap si Alwyn saka pupungas-pungas.
"Nagugutom na ako," sabi ni Keana at pinag-aralan ang mukha ng binata. Mukhang wala naman itong alam sa kalokohan niyang ginawa kaya nakahinga siya nang maluwag.
"Sige, ala una na pala," sabi ni Alwyn at bumangon.
Nag-CR muna si Keana at pinauna na lang si Alwyn sa labas.
Sila na lang ang tao nang tumungo siya sa kusina.
"Umalis na ba ang mga pinsan ko?" tanong ni Keana kay Ate Yana na kusinera nila.
"Oo, busy yata" sagot ni Yana. Fourth year na ang mga ito kaya malapit na rin siyang umuwi sa probinsya para sa ipinatayong small business.
Pahgkatapos nilang kumain, hinatid siya ni Alwyn sa classroom nila.
"Ikaw ang maghahatid sa akin mamaya, ha," nakangiting sabi ni Keana nang nasa tapat na sila ng classroom nila.
"Oo, hintayin mo lang ako kung mauna ang uwian ninyo," bilin ni Alwyn saka hinalikan si Keana sa kabilang pisngi. Baka mapano pa ito mamaya dahil masama ang pakiramdam.
"Bye," nakangiting sabi ni Keana at pumasok na.
"Inlove ka na talaga kay Alwyn, ano? Akala ko ba, hindi mo siya gusto?" tanong ni Kean nang maupo si Keana sa tabi niya.
"Ganoon din naman ang sabi mo noon kay Irene pero ngayon, para kang tanga pagdating sa kaniya!" sagot ni Keana at inirapan ang kakambal.
"E di wow. Isauli mo ang five million ko!" sabi ni Kean.
Tumaas ang kilay ni Keana, "Kapal mo! Wala na 'yon!"
"Pasalamat ka sa akin. Kung hindi ako nag-offer, wala ka sanang Alwyn!"
"Mahal na talaga ako ni Alwyn bago ka makipag-deal. Duh? Mas nagpapasalamat ako sa puso ko dahil siya ang nagmahal kay Alwyn!" pagtataray ni Keana. "Umalis ka nga sa tabi ko bago pa kita sipain!"
Nang patapos ang last period nila, nasilip ni Keana si Alwyn sa labas ng classroom na nakikipagkuwentuhan kina Tom.
Mabilis na lumabas siya nangm sabihin ng guro ang magic word, "class dismissed".
"Boyfriend," masiglang bati niya.
"Ayan na pala siya. Mauna na kami, dude!" paalam ni Manuel at umalis na sila ni Tom.
"Let's go?" tanong ni Alwyn at kinuha ang bag ni Keana.
"Ingatan mo ang kakambal ko, Alwyn," bilin ni Kean nang lumabas na. Medyo okay na ang pakikitungo nito sa kaniya.
"Ako ang bahala. Ingatan mo rin si Irene," sagot ni Alwyn at inakbayan si Keana.
Nang makarating na sila sa parking lot, pinasakay muna ni Alwyn si Keana sa frontseat bago siya sumakay.
Palabas na sila ng gate nang makita niyang napahawak si Keana sa puson.
"Here, use this para hindi sumakit," sabi ni Alwyn at inabot ang hot water bag na hiniram niya sa school clinic.
"Salamat," pasalamat ni Keana at nginitian si Alwyn. Medyo bumuti na ang pakiramdam niya nang malapatag ng hot water.
"Magpa-check up ka. Baka kung ano na 'yan," sabi ni Alwyn.
"Normal lang 'to. Ganito talaga ako kapag mag-menstruation," sagot ni Keana.
"Nag-aalala lang naman ako sa 'yo," wika ni Alwyn. Baka mamaya, iba pala ang dahilan ng pagsakit ng puson ni Keana.
Pagdating sa bahay, ipinasok ni Alwyn ang sasakyan at bumaba.
"Umuwi ka na, gabi na," sabi ni Keana. Alas sais 'y media na at medyo madilim na ang paligid dahil maaga pang natutulog ang araw ngayon. Maaga ring nagigising.
Seryosong nakatitig lang si Alwyn sa kaniya kaya medyo nailang siya.
"M-May problema ba, boyfriend?" tanong ni Keana.
"Namumutla ka," nag-aalalang sagot ni Alwyn kaya napangiti si Keana.
"Okay lang ako," sagot ni Keana at hinawakan ito sa magkabilang kamay, "Salamat sa pag-aalala pero ganito talaga ako kapag may period."
"S-Sure ka, girlfriend?"
Tumawa si Keana. "Oo, ang iba nga riyan, mas sobra pa. Umalis ka na bago pa ako sumpungin ng katarayan ko," pagtataboy ni Keana. "Dito ka na lang pala mag-dinner."
"Huwag na, girlfriend. Marami pa akong gagawin sa bahay," sagot ni Alwyn saka hinalikan si Keana sa pisngi bago sumakay sa kotse. "Basta tawagan mo ako kung hindi mo na kaya, pupuntahan kita rito."
"Don't worry, I'll be fine, boyfriend," sagot ni Keana at kumaway nang isara ni Alwyn ang pinto ng sasakyan saka umatras palabas ng gate nila. Sa ngayon, wala na siyang mahihiling pa. Well, thoughtful naman si Alwyn sa kaniya.

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon