46

860 31 1
                                    

He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 46

Unedited...
"Wala talaga. Hindi namin ma-trace ang lokasyon ng hinayupak na si Drake dahil paiba-iba siya ng number!" naiinis na sabi ni Tom.
"Lahat ng warehouse at ari-arian nila, napuntahan na namin pero wala pa rin," pagbabalita ni Manuel. Natahimik silang dalawa at nakiramay sa pananahimik ni Alwyn. Sinubukan naman nila pero wala talaga. Masyadong matinik si Drake.
"Si Audrey? Nakontak na ninyo?" tanong ni Alwyn pero umiling si Tom at kinuha ang isang bote ng alak sa ibabaw ng mesa na nasa harapan nilang tatlo.
Ilang sandali pa'y tumunog ang cellphone ni Alwyn. Numero ni Audrey ang tumatawag kaya kaagad niyang sinagot.
"Nasaan ka, Audrey?" bungad ni Alwyn.
"Nasa tabi-tabi lang, Alwyn!"
"Hayop ka! Ibalik ninyo si Keana!" galit na sabi ni Alwyn. Wala siyang pakialam kung minahal man niya ito noon. Matagal na iyon at nagsisisi siya kung bakit minahal niya pa ito. Ang sama ng ugali nito.
"Kailangan mong pumasa at umabot sa championship bago mo makuha si Keana, Alwyn. Kung mahal mo siya, lumaban ka!" wika ni Audrey na mas ikinagalit ni Alwyn.
"Aabot ako sa championship at sinisigurado kong papatayin ko si Drake!" pagbabanta ni Alwyn.
"Aasahan ko 'yan, Alwyn," sabi ni Audrey at tinapos na ang pag-uusap nila.
"Si Audrey? Ibig sabihin, may kinalaman siya rito?" bulalas ni Manuel nang natahimik si Alwyn at nilagok ang laman ng bote ng alak.
"Hindi ko inakalang ganito pala kasama ang babaeng pinakasalan ko at unang pinangarap na maging ina ng mga anak ko," sising-sisi na sabi ni Alwyn.
"Ganoon talaga ang mga babae, sa una lang mabait at mahinhin. Oras na makuha na nila ang loob mo, doon na sila magpapakita ng tunay na pagkatao," napailing na sabi ni Tom.
"Bilyones na ang pustahan sa underworld," pagbibigay alam ni Manuel.
"Grabe. Ang tindi siguro ng bakbakan," ani Tom at napatingin kay Alwyn. "Pero wala pa ring tatalo kay Alwyn."
"Magbabayad sina Audrey at Drake!" puno ng determinasyong sabi ni Alwyn saka tumayo.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Tom.
"Uuwi na. Magpapahinga para sa tournament," sagot ni Alwyn at iniwan ang dalawang kaibigan.
Habang nagmamaneho ng motor, tinawagan niya si Nathalie at nakipagkita rito. Kung may isang tao man siyang puwedeng pagkatiwalaan, si Nathalie iyon para kung ano man ang mangyari sa kaniya, alam nito ang lahat.
"Hahanap tayo ng paraan para matagpuan kung saan niya dinala si Keana," wika ni Nathalie at naikuyom ang kamao matapos ikuwento ni Alwyn ang kalagayan nito.
"Sana lang. Please, huwag mong hayaang may masamang mangyari sa mag-ina ko," pakiusap ni Alwyn. Desperado na talaga siya at kulangnpa siya sa pagtulog.
"Tutulong ako sa abot ng aking makakaya," sabi ni Nathalie at hinawakan ang kamay ni Alwyn na nakapatong sa ibabaw ng mesa.
"Mag-ingat ka, Natty. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag madamay ka sa gulong ito," pakiusap ni Alwyn at niyakap ang dalaga. "Ayaw kong may mangyari ding masama sa iyon, Nat."
"M-Mas lalong ayaw kong mapahamak ka, Alwyn. Please, sikapin mong manatiling buhay dahil hahanap kami ni Black ng paraan." Mula nang malaman ni Black ang ginagawa niya, sinusuportahan na siya nito at madalas na tinutulungan.
"Pasensiya ka na kung naging pabigat pa ako--"
"Alwyn! Huwag mong isipin iyan. Pamilya tayo kaya tutulong ako sa abot ng aking makakaya," sabi ni Nathalie. Labis siyang nag-aalala para kay Alwyn. "Ikaw na lang din ang pinakamalapit sa akin kaya ayaw kong pati ikaw, mawala pa. Ayaw kong mangyari sa 'yo ang nangyari kay Jigs."
"Gawin mo kung ano ang nararapat na tama, Nat," pagsuko ni Alwyn.
"K-Kahit na madamay pa ang ama mo?" naawang tanong ni Nathalie. Alam niyang napakahirap nito para kay Alwyn dahil kailangan nitong mag-risk ng mga mahal niya sa buhay.
"K-Kung ano ang nararapat at tama, gawin ninyo pagkatapos ng laban. Pakisabi kay K-Keana na mahal na mahal ko siya at alagaaan niya ang anak namin," pakiusap ni Alwyn.
Natigilan si Nathalie at napatitig sa mukha ni Alwyn. "Ikaw ang magsabi sa kaniya niyan pagkatapos nitong laban mo. Ikaw ang mag-alaga sa mag-ina mo."
Mapait na ngumiti si Alwyn. "Hindi ko alam kung makikita ko pa sila pagkatapos ng tournament," malungkot na saad ni Alwyn at tumingin sa malayo. "I wish I could save her."
Pinisil ni Nathalie ang kamay ni Alwyn. "You can. Tiwala ka lang, nandito kami nina Black. Hindi ka namin pababayaan, Alwyn."
-------------------------
"Masyado kang agresibo," wika ni Zero at sumugod kay Alwyn pero nasasalo rin ng binata ang atake ng mga paa niya.
"Shit!" wika ni Alwyn nang matamaan ng solidong suntok sa kanang pisngi. Napatigil si Zero at tinanggal ang gloves sa kamay.
"Masyadong solido ang depensa mo sa mga paa ko pero pagdating sa kamay, open ka. Mahina ang opensa mo sa kalaban at nawawala ang focus mo sa laban. Kapag ganito ka pa rin, uuwi kang bangkay," seryosong sabi ni Zero.
"Kailangan kong iligtas ang mag-ina ko," sambit ni Alwyn at naupo sa silya na nasa gilid ng ring.
"I know," sabi ni Zero at naupo rin silyang nasa opposite ring ni Alwyn. "Pero kapag ganito ang atake mo, hindi ka aabot sa championship. Masyadong maiksi ang panahon at kulang ka pa sa ensayo."
Tumayo si Alwyn at o ihanda ang sarili. "Umatake ka, Zero!"
Umiling si Zero. "Mapapagod ka lang. Mawawalan ka ng lakas at mananakit ang buo mong katawan."
Muling napaupo si Alwyn at napahilamos. Pagod na nga siya.
"Kailangan kong umabot sa championship," pabulong na sabi ni Alwyn. Hindi puwedeng matalo siya dahil nakasalalay sa standing niya sa tournament ang kaligtasan ni Keana.
"Bakit mahilig kang lumaban sa underworld?" tanong ni Zero at inaayos ang tali sa kamao.
"Mas malaki ang pera sa tourmanent," sagot ni Alwyn. Pera lang ang habol niya noon dahil iyon ang isinaksak ni Julius sa utak niya. "Ikaw? Magaling ka naman, Zero. Bakit hindi ka underworld fight?"
"Magkaiba tayo ng misyon sa buhay," sagot ni Zero at dinukot ang isang pakete ng mamahaling sigarilyo at kumuha ng isa saka hinithit.
"May misyon ka ba ngayon?" tanong ni Alwyn. Walang emosyon ang mukha ni Zero at palagi itomg seryoso sa tuwing makita niya. Nagkakilala sila rito dahil nagpapaturo din ito kay Carlos kung paano lumaban. Isang secret agent si Marcos kaya sanay ito sa pakikipaglaban pero walang idea ai Alwyn kung saan o anong agency ito nagtatrabaho dahil masyadong maingat ang trainor nila.
"Yes," sagot ni Zero at ibinuga ang usok.
"Babae?" tanong ni Alwyn. Wala naman siyang nakita o nabalitaang babae ni Zero dahil tatlong beses pa lang niya ito nakita.
"This will be my last mission," sagot ni Zero na puno ng galit sa mga mata. "My last mission before I die," he added.
"Kaya mo 'yan, ikaw pa," sabi ni Alwyn. Inalok siya ni Zero ng sigarilyo pero tinanggihan niya. Bawal na raw siyang manigarilyo sabi ni Keana dahil ayaw nito na naninigarilyo siya.
Napatingin siya sa cellphone na tumutunog sa ibabaw ng mesa.
"Ang kidnapper na 'yan," sabi ni Zero kaya tumayo si Alwyn at patalon na bumaba sa ring saka kinuha ang cellphone.
"Hello?"-Alwyn.
"Mabuti at kaagad na sinagot mo," sabi ni Drake.
"Kailangan mo?"
"Gusto kang makausap ni Keana. Baka kasi huling pagkarinig na raw ng boses mo," sabi ni Drake kaya naikuyom ni Alwyn ang kamao.
"Hayop ka! Oras na may mangyaring masama kay Keana, dudurugin ko ang bungo mo!" pagbabanta ni Alwyn.
"A-Alwyn?"
Boses ni Keana ang narinig niya kaya kaagad na nanlamig siya.
"K-Keana? Ano ang ginagawa nila sa 'yo? Sinasaktan ka ba ni Drake?" nag-aalalang tanong ni Drake. God, sana ligtas lang si Keana at ang baby niya.
"O-Okay lang. Ayaw ko na rito. A-Alwyn? Ayaw ko na rito," humihikbing sabi ni Keana kaya halos madurog ang puso ni Alwyn.
"K-Kapit ka lang, Keana. Ililigtas kita," determinadong sabi ni Alwyn habang nakatingin kay Zero na nakatitig sa kaniya at halatang nakikinig sa usapan.
"B-Boyfriend? U-Uuwi na ako--"
"Tama na!" sabat ni Drake na mukhang inagaw ang cellphone kay Keana. "Last call ko na ito, Alwyn. Gusto kitang makalaban sa championship."
"Mas gusto kitang makalaban! Siguraduhin mo lang na aabot ka, Drake! Dahil alam kong mahina ka!" pang-iinsulto niya. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Drake.
"Ipanalangin mo na ako ang makakalaban mo sa championship, Alwyn!"
"Ikaw ang manalangin na hayop--" Tumigil na si Alwyn sa pagsasalita nang mapansing wala na siyang kausap. "Fuck!"
Bumaba si Zero at lumapit sa kaniya. "Mukhang interesting ang laban ninyo ngayong taon a."
"Masyadong madumi," sabi ni Alwyn na nagtagis ang bagang.
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Zero. "Oo nga, masyadong madumi at mapanlinlang," makahulugang sabi nito at pinagmasdang maigi ang mukha ni Alwyn. "Pero marami ang uuwing wala nang buhay."
"A-Ano ang ibig mong sabihin?"
Subalit hindi sumagot si Zero. Sa halip, naglakad ito palabas kaya hinarangan ito ni Alwyn.
"Ano ang ibig mong sabihin, Zero?"
Walang emosyong tumitig si Zero sa mga mata ni Alwyn at tinapik ito sa balikat. "Expect the unexpected, Alwyn." Tumalikod na si Zero at lumabas.

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon