49

1K 37 1
                                    

He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 49

Unedited...
"Hayop ka, Tom! Bakit si Keana pa?" galit na tanong ni Alwyn at napatingin sa dalagang nasa wheelchair at dinala sa gitna ng ring.
"Bakit? Dahil gusto kong masaksihan niya ang pagkamatay mo o hindi kaya ay ang pagkamatay niya sa harapan mo!" puno ng galit na sagot ni Tom at napangisi. "Pero mas maganda siguro kapag sabay ninyong masaksihan ang kamatayan ng bawat isa."
"Demonyo ka!" sabi ni Alwyn pero tumawa lang si Tom. Hindi ito ang Tom na naging kaibigan at pinagkatiwalaan niya sa mahigit na isang taong nakilala niya.
"Mas demonyo kang hayop ka!" sigaw ni Tom na halos lumabas na ang mga ugat sa leeg. Sumenyas siya sa lalaking nasa likod ng wheelchair ni Keana kaya tinanggal nito ang busal sa bibig at piring sa mga mata bago lumabas ng ring.
"A-Alwyn..." umiiyak na sambit ni Keana sa pangalang ng kasintahang nasa harapan nang makita ito kasama si Tom. Ang ingay ng paligid at nasa loob sila ng ring. Sinubukan niyang tumayo pero nakakadena ang mga kamay niya sa patalikod ng wheelchair at ganoon din ang kaniyang mga paa.
"K-Keana, huwag kang matakot, girlfriend. Ililigtas kita," nanlulumong sabi ni Alwyn. Awang-awa siya sa dalagang luhaan at sobrang puyat ang mukha.
"Kung mangyaring mailigtas mo siya!" sabat ni Tom na sumeryoso ang mukha.
"T-Tom? Alwyn?" Palipat-lipat ang mga mata ni Keana sa dalawang napagitnaan niya. "A-Ano ang nangyayari? Bakit parang maglalaban kayo?"
"Tumahimik ka, Keana! Pasensiya ka na lang, minahal mo pa kasi si Alwyn kaya nadamay ka pa sa kasalanan niya sa akin!" nanlilisik ang mga matang sagot ni Tom kaya natigilan ai Keana at gumapang ang takot sa dibdib. Bakit ganito ang mga pinagsasabi ni Tom sa kaniya? Bakit parang ibang Tom na ang nasa harapan nila? Hindi na ito ang nakilala niyang Tom na masiyahin at palagi siyang binabati at inaasar.
"Itinuring kitang kaibigan pero traidor ka rin pala! Hanap ako nang hanap kay Keana pero nasa harapan ko lang pala ang tunay na nagpakidnap sa kaniya!" umuusok ang ilong na sabi ni Alwyn. Kanina pa niya hinihintay ang pagsukod ni Tom pero hindi ito kumikilos at nakipagdaldalan pa sa kaniya.
"Nagulat ka ba? Ano ang akala mo? Hahayaan ko na lang ba kayong maging masaya?" napa-smirk si Tom at mabilis ang pagkilos na lumapit kay Alwyn at susuntikin sana ito sa kanang pisngi pero kaagad na nasalo ng binata at sa hindi niya inaasahan, isang solidong suntok sa sikmura ang natanggap niya mula kay Alwyn kaya napaatras siya at napahawak sa sikmura.
"Mahina ka pa, Tom! Isa ka lang baguhan na walang magawa kundi ang gumamit ng maduming taktika para umabot sa final round!" sabi ni Alwyn at sinubukang lumapit kay Keana pero kaagad na humarang si Tom pero nasalo ng kaniyang kanang binti ang atakeng pagsipa sana ni Tom nang mabasa niya ang galaw nito.
"A-Alwyn!" natarantang sigaw ni Keana nang makitang dumudugo ang kanang binti ni Alwyn dahil sa sugat.
Napatingin si Alwyn sa sariling binti nang makaramdam ng hapdi. May malaking hiwa ito kaya tumutulo ang dugo. Mabilis ang mga matang napasulyap siya sa sapatos ni Tom. May patalim na nakatago sa unahan nito kaya nasugatan siya.
"Ganito ka pala maglaro, ang dumi mo!" sabi ni Alwyn na hindi inalintana ang sugat. Kailangan niyang makalapit kay Tom. Hindi niya alam kung may ibang deadly weapon pa itong nakatago sa katawan.
"A-Alwyn? Tama na! P-Pakiusap, Tom. T-Tama na," luhaang pakiusap ni Keana. Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa mga luha. Natatakot siya para kay Alwyn lalo na't may sugat ito sa binti.
"Gusto mong masaksihan kung paano ko bawian ng buhay ang syota mo, Keana? Puwes, manood ka!" nakangising sabi ni Tom kaya mas lalong umiyak si Keana.
"Tulong! T-Tulungan ninyo kami," sumisigaw na pakiusap ni Keana sa mga taong naghihiyawan pa sa palibot na para bang natutuwa pa sa mga nangyayari.
"Walang magawa ang sigaw mo, Keana. Kami ang may-ari ng underworld na ito kaya wala kang magagawa!" sabi ni Tom kaya natigilan si Alwyn. Hindi niya ito alam.
Aatake sana si Tom gamit ang mga paa pero mabilis na nakailag si Alwyn.
"Keana!" sigaw ni Alwyn at isinalag ang kanang kamay sa paa ni Tom na sisipa sana kay Keana.
"A-Alwyn! Oh my ghad! Alwyn!" umiiyak na sabi ni Keana nang makita ang pagkahiwa ng palad ni Alwyn dahil sa matalim na bagay sa sapatos ni Tom. Sinusubukan niyang kumawala sa silya pero mas lalo lang humihigpat ang kadena na nakatali sa kaniya. "T-Tom, tama na. P-Parang awa mo na, tigilan mo na ito."
"Hayop ka, Tom! Huwag mong idamay si Keana rito!" galit na sabi ni Alwyn habang pinipigilan ang pagduruga sa kabilang palad. Wala siyang maramdamang hapdi. Mas nananaig sa kaniya ang takot para kay Keana.
"Huwag idamay? Mas mabuti nang mamatay muna siya bago ikaw, Alwyn! Nang maramdaman mo kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal sa buhay!" puno ng hinanakit na sabi ni Tom.  "Alam kong nandito sina Nathalie para iligtas ka pero bago pa mangyari iyon, kailangan muna nilang mahanap ang lahat ng bomba na nakatago sa lugar na ito dahil kung hindi, sasabog tayong lahat dito!" Tinawagan na niya si Nathalie bago pa siya umakyat dito sa ring. Oras na makialam ito sa laban, sasabog ang buong paligid at alam nitong hindi siya nagbibiro.
"Ano ba ang pinagsasabi mo?" tanong ni Alwyn. Naguguluhan siya kung bakit ganito kalalim ang galit ng kaibigan sa kaniya. "Kaibigan kita pero traidor ka!"
"Traidor? Ngayon, alam mo na ang salitang traidor?" singhal ni Tom at nakangising humarap kay Alwyn. "Ikaw ba? Hindi ba't minsan ka nang maging traidor?"
Napaatras si Alwyn at naikuyom ang kamao. Paano siya aatake kung may matalim na gamit ito?
"Hindi kita maintindihan," sagot ni Alwyn at napasulyap kay Keana. Gusto na niyang yakapin ito nang makita ang sobrang takot sa mga mata.
"Si Spencer! Hindi ba't naging tauhan ka rin nila pero tinraidor mo lang sila?" sumbat ni Tom kaya natigilan si Alwyn. "Nagulat ka? Hindi ba't pinatay ninyo si Tom at bala ng baril mo mismo ang tumama sa puso niya dahilan ng kamatayan niya?"
"T-Tom..." sambit ni Alwyn. Naalala niya si Spencer. Namatay ito dahil lumaban sa mga pulis kasama ang ama niya nang magkaroon ng raid sa laboratory nila ng shabu. Iyon din ang time na nakipagsabwatan siya sa mga NBI para isiwalat ang lihim ni General Guttierez na ama ni Spencer.
Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Tom. "I-Ikaw ang secret lover ni Spencer nang nasa Arellano pa siya." Hindi patanong kundi pagkumpirma na sabi ni Alwyn. Sa pagkakaalam niya, bisexual si Spencer at may nakatunog ng pakikipagrelasyon nito sa kapwa lalaki kaya lumipat ito sa Westbridge dahil sa takot na malaman ng amang general ang tunay na pagkatao niya.
"Pinatay mo siyang hayop ka kaya papatayin ko rin si Keana!" galit na sigaw ni Tom habang nanlilisik ang mga mata at tumakbo palapit kay Keana pero mabilis na humarang si Alwyn at sinalag ang mga kamay nito. Sinisipa siya ni Tom sa mga paa pero hindi niya inalintana ang sakit na dulot ng matalim na edge ng sapatos ni Tom. Buong lakas na binali ang kaliwang kamay ni Tom.
"Agh!" daing ni Tom at napaatras habang nakasuporta ang kanang kamay sa nabaliwang kaliwa.
"A-Alwyn? M-Marami ka nang sugat," natarantang sabi ni Keana nang makita ang mga sugat ni Alwyn sa magkabilang paa. Nanghihina siya dahil sa dugo pero hindi niya kayang himatayin. Hindi puwede dahil kailangan siya ng anak na nasa sinapupunan niya. "B-Boyfriend? L-Lumaban ka. P-Parang awa mo na, lumaban ka."
Ito na ba ang katapusan nila ni Alwyn? Mamamatay na ba sila sa harap ng maraming taong natutuwa pa habang pinapanood sila?
Sumugod si Tom pero mabilis na pinaulanan ng suntok ni Alwyn sa dibdib.
"Hiyaaah!" sigaw ni Tom at malakas na sinipa si Alwyn sa kanang tuhod kaya napaluhod si Alwyn dahil bumaon ang matalim na kutsilyong nasa sapatos nito sa tuhod niya. Sinubukan niyang tumayo pero para siyang lumpo na nawalan ng lakas ang mga tuhod niya sa sobrang sakit.
Masakit na rin ang katawan ni Tom pero sinamantala niya ang panghihina ni Alwyn saka lumapit kay Keana.
"H-Huwag kang lumapit! T-Tom, huwag kang lumapit!" sabi ni Keana at sinusubukang igalaw ang upuan pero hindi talaga.
"Puta ka! H-Huwag si Keana! Ako ang may kasalanan kaya a-ako ang patayin mo, Tom!" sabi ni Alwyn at inipon ang lakas para makatayo. Hindi si Keana niya.
"Aaaah!" malakas na sigaw ni Keana nang maramdaman ang hapdi sa kanang balikat niya nang hiwain ng maliit na punyal na galing sa sapatos nito.
"Keana!" sigaw ni Alwyn.
"Magpaalam ka na sa mag-ina mo, Alwyn!" sabi ni Tom at hinigpitan ang paghawak ng punyal para itarak sa tiyan ni Keana.
"Huwag!" sigaw ni Keana at napapikit nang iangat ni Alwyn ang hawak na punyal na sa tiyan niya ang puntirya nito. Nakaramdam si Keana ng mabigat na bagay na dumagan sa kaniya kaya dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata.
"A-Alwyn..." sambit niya nang yakapin siya ni Alwyn para iharang ang katawan nito sa tiyan niya. "B-Boyfriend..." Parang demonyong patuloy pa rin sa pagsaksak si Tom sa likod ni Alwyn na nakaharang sa katawan ni Keana.
Bang! Bang! Bang! Bang!
Napatili si Keana nang tumalsik ang dugo ni Tom sa kanila nang niratrat ng bala ang katawan nito mula sa kung saan saka biglang humandusay sa sahig. May nagsigawan at may nagtakbuhan na sa mga manonood. Pumasok na rin ang mga pulis sa pinto at tinutukan ang lahat ng narito para arestuhin kaya bumalik sila sa mga upuan nila.
"A-Alwyn!" tili ni Keana nang mapansing sumusuka ng dugo ang binatang nakayakap sa kaniya. "A-Alwyn? Ano ang nangyari? G-Gumising ka! M-May mga pulis na!" umiiyak na sabi niya at ginalaw ang katawan para magising si Alwyn.
Nanginginig ang buong katawan niya sa takot nang makita ang kutsilyong nahulog mula sa likod ni Alwyn. Ang langsa ng buong paligid nilang tatlo dahil sa pinaghalong dugo nina Alwyn at Tom.
"A-Alwyn!" umiiyak na sigaw ni Nathalie kasama si Black habang palapit sa kanila. Not again.
"L-Ligtas na... k-kayo ng b-baby natin," nahihirapang sabi ni Alwyn na hinahabol ang hininga bago tuluyang ipinikit ang nanlalabong mga mata. Sa huling pagkakataon ng laban niya, ngayon lang siya lumaban para sa tama.
"Oh shit!" sambit ni Black at kaagad na binuhat ang katawan ni Alwyn palabas ng arena. Si Keana naman ay kinalagan ni Nathalie.

A/n:
Have you read the "University Princes and Beki si Black?" If yes, congrats at maintindihan ninyo ito. Hehehe.
3 chapters left. Chapter 50, Finale at Epilogue. Sa 3 chapters na natitira, Expect the expected. Hehehe

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon