37

994 32 1
                                    


He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 37

Unedited...
"Kumusta ka na, Keana?" tanong ni Drake. Nag-text itong nasa malapit lang at inanyayahan siyang mag-merienda kaya pinaunlakan ni Keana.
"Okay lang," sagot ng dalaga at isinubo ang isang kutsarang vanilla ice cream.
"Mabuti at okay na pala kayo ni Alwyn," ani Drake at napatingin sa mukha ng dalaga. Aminado siyang masuwerte si Alwyn kay Keana. Nice choice 'ika nga.
"Nagkaroon lang nang kaunting problema," tugon ng dalaga. May iilang napapatingin kay Drake pero kung gawan man sila ng issue, alam niyang siya pa rin ang paniniwalaan ni Alwyn. Wala naman siyang ginagawang masama. Isa pa, nagpaalam naman siya sa kasintahan--hindi nga lang nag-reply.
"Normal lang 'yan sa isang relasyon, Keana."
"Oo nga. Ang mahalaga, honest kami sa isa't isa," pagsang-ayon ni Keana kaya ngumiti si Drake.
"Kailangan 'yan, tiwala sa isa't isa," ani Alwyn at kinain na rin ang natutunaw na ice cream.
"Ikaw? Kumusta ka na? Ilan na ang girlfriend mo?" tanong ni Keana.
"Ilan talaga?" Tumawa si Drake at kapagkuwa'y sumeryoso ang mukha, "Wala pa."
"Bakit? Ang pogi mo naman at mabait pero bakit wala pa?" tanong ni Keana.
"Pogi ako at mabait pero hindi mo ako sinagot," natatawang sagot ni Drake kaya nailang tuloy si Keana. "Biro lang. Alam ko namang mahal mo si Alwyn. Well, hindi ko pa nahanap ang destiny ko. Nahanap ko na pala pero bigla siyang nawala na parang bula."
"M-May iba na siya?" tanong ni Keana.
"Parang ganu'n na nga," sagot ng binata at pinagmasdan ang mukha ni Keana.
"Baka may inilaan si God para sa 'yo," ani Keana na naiilang sa mga titig ni Drake. Bakit parang may kahulugan ang sinasabi nito? Assumera naman yata niya kapag isipin niyang siya ang babaeng tinutukoy nito.
"Sana nga," sagot ni Drake at muling kumuha ng ice cream, "meron 'yan at huwag na sanang kunin sa akin. Masakit din naman ang mawalan ng minamahal sa buhay."
"Oo nga," pagsang-ayon ni Keana. Kung hindi lang nakakahiya, makiusap sana siyang mag-change topic na lang sila.
"Ba't ba ganito ang pinag-uusapan natin? Ang corny ko na," natatawang sabi ni Drake.
"Hindi naman," sagot ni Keana. "Pero may napipisil ka na bang babae?" Sabi niya sa isip, change topic, pero heto ngayon, siya na naman ang nagsimula ng usapan.
"Actually, engaged na ako," nakangiting sagot ni Drake kaya nanlaki ang mga mata ni Keana.
"Really?"
"Yes. Susubukan ko na lang na mahalin siya," nakangiting sabi ni Drake pero nakita ni Keana ang lungkot na gumuhit sa mga mata ng binata.
"B-Bakit parang malungkot ka?" pabirong tanong ni Keana pero iyon talaga ang gusto niyang itanong.
"Wala naman. Naalala ko lang ang unang minahal ko. Oh 'di ba? Ang corny ko?" sagot ni Drake at malakas na tumawa.
"Oo nga, ang corny na natin!" natatawang pagsang-ayon ni Keana pero tumigil siya sa pagtawa nang makitang papasok si Alwyn.
"Boyfriend!" tawag niya kaya lumapit si Alwyn sa kanila na may seryosong mukha.
"Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot," bungad ni Alwyn nang makalapit.
"Nag-text ako sa 'yo pero hindi ka nag-reply kaya hindi ko na tiningnan pa nag cellphone ko. Naka-silent kaya hindi ko na napansin ang tawag mo," depensa ni Keana at tiningnan ang cellphone.
"Kain ka muna, Alwyn. Mukhang mainit ang ulo mo," sabat ni Drake na nakangising nakatingala sa binata.
"Busog pa ako. Pumunta lang ako rito para kunin ang girlfriend ko," sagot ni Alwyn na wala man lang kangiti-ngiti sa mga labi.
"Possessive?" nakataas ang kilay na tanong ni Drake.
"Binabantayan ko lang ang kasintahan ko," sagot ni Alwyn at nakipagtitigan kay Drake.
"Paano, hindi mo na bantayan ang una kaya natatakot ka na sa pangalawa. Magaling. Tama lang 'yan." Mas lalong naningkit ang mga mata ni Alwyn sa sinabi ni Drake.
"Alwyn? Maupo ka muna, boyfriend," alok ni Keana pero hinila ni Alwyn ang kanang kamay niya.
"Halika na, hinahanap ka na nina Kean."
"Pero--"
"Pauwi na rin ako, Keana. Sumama ka na sa boyfriend mo," sabi ni Drake at pinahidan ng tisyu ang bibig saka tumayo.
Padabog na lumabas si Keana sa ice cream house.
"Lubayan mo si Keana!" sabi ni Alwyn kay Drake kaya ngumisi ang huli.
"Takot ka bang maulit ang nangyari kay Audrey?"
"Wala akong pakialam kay Audrey pero binabantaan kita, huwag na huwag mong galawin si Keana!" matapang na wika ni Alwyn.
"Fine! Nasa akin naman ang first wife mo kaya okay na ako sa kaniya, masarap naman siya kaya salamat," nakangising sabi ni Drake at lumabas na.
Lumabas na rin si Alwyn para sundan ang kasintahang nakatawid na at papasok na sa gate ng Westbridge.
Tumakbo siya para mahabol ito.
"Keana!" tawag niya at binilisan ang paghabol.
"Huwag mo akong kausapin!" galit na sabi ni Keana kaya napatingin ang nakakasalubong nila.
"Sorry!" paumanhin ni Alwyn at hinarangan ang dalaga saka hinawakan sa magkabilang balikat.
"Ang bastos mo kasi sa kaibigan ko--uhmp!" Nanlaki ang mga mata niya nang takpan ni Alwyn ang mga labi niya ng mga labi nito sa harap ng maraming tao.
"Nagseselos ako, hindi mo lang alam pero sobrang nagseselos ako!" pag-amin ni Alwyn at niyakap ang kasintahan. "Natatakot ako na baka paggising ko, naagaw ka na ng iba sa akin."
Pasimpleng tinulak ni Keana si Alwyn at hinawakan ang kamay nito. "Halika na sa tambayan, boyfriend. Mas masarap kumain ng ice cream kapag ikaw ang kasama ko."
Ngumiti si Alwyn at pinisil ang kamay ng dalaga.
"Nakakahiya, hinalikan mo ako sa maraming tao," pabulong na sabi ni Keana pero biglang nawala nang akbayan siya ni Alwyn.
"Pagbigyan mo na ako, girlfriend. Minsan lang naman e."
"Alwyn!" tawag ni Tom kaya napalingon silang dalawa. "Kanina pa kita hinahanap, may mahalagang bagay akong sasabihin sa 'yo."
"Mamaya na," sagot ni Alwyn kaya sumenyas si Tom na pupunta muna sa billiaran.
"Ano ang mahalagang bagay na 'yon?" nagdududang tanong ni Keana.
"Hindi ko rin alam. Mamaya kapag mag-usap kami, ipapaalam ko sa 'yo," sagot ni Alwyn at hinalikan sa noo ang dalaga.
"Paano pala kayo nagkakilala nina Tom?" tanong ni Keana habang naglalakad patungo sa tambayan.
"Matagal na, sa underworld pa. Pero naging close lang kami nang nag-transfer siya rito sa Westbridge," sagot ni Alwyn kaya nagtatakang tumingala si Keana.
"Boyfriend? Ano 'yong underworld? Saan 'yon?" curious na tanong ni Keana kaya natigilan si Alwyn.
"H-Ha? 'Yong sa dati 'yon. T-Tawag namin sa lugar kapag gumamit kami ng bawal na gamot," pabulong na sagot ni Alwyn. Sana lang ay huwag nang magtanong pa si Keana.
"Gano'n ba? Huwag ka nang bumalik pa roon, okay?" sabi ni Keana at tumingala sa kasintahan.
------------------------------
"Si Keana po?" tanong ni Alwyn.
"Natutulog pa. Puntahan mo nga, tamad kumain e," sagot ni Yna. Kanina pa niya pinapatawag sa katulong para kumain pero hindi pa rin bumababa.
"Sige po," ani Alwyn at umakyat sa hagdan para puntahan ang kasintahan. May usapan silang mamamasyal mamayang hapon pero naisipan niyang puntahan na lang ito nang maaga.
"Girlfriend?" tawag niya matapos buksan ang pinto.
"Alwyn? Bakit ka nandito?" tanong ni Keana at tinapon ang hawak na tisyu sa basurahan.
"Kumain ka na raw ng breakfast mo," sabi ni Alwyn at lumapit sa dalaga. "Okay ka lang ba?"
"I-I'm fine," sagot ng dalaga na hindi nakatingin ng diretso sa kasintahan.
"May problema ba?"
"W-Wala," sagot ni Keana.
"Shit! A-Ano ang problema?" natarantang tanong ni Alwyn.
"B-Bakit? Ano ba ang problema?" inosenteng tanong ni Keana.
"Dumudugo ang ilong mo," sabi ni Alwyn at kinuha ang tisyu saka pinahidan ang tumutulong dugo sa ilong ni Keana. Itatapon na sana niya ang tisyu sa basurahan pero nakita niyang puno na ito ng tisyu na may dugo.
"Keana?" galit na tanong ni Alwyn at bumalik sa kasintahan. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Ano ang nangyayari? M-May sakit ka ba? Ano?" natatakot na tanong niya nang makitang dumami ang tumutulong dugo mula sa ilong ng kasintahan. Kinuha niya ang panyo saka pinahidan.
"O-Okay lang ako," sagot ni Keana, "Normal na ito sa akin kapag naiinitan."
"Hindi na ito normal! Halika, magpalit ka ng damit at magpapa-checkup tayo!" yaya ni Alwyn na pinapatayo si Keana.
"Ayaw ko!" tanggi ng dalaga at sumiksik sa sofa.
"Keana naman! Kailangan mong magpatingin sa doctor!"
"Ayaw ko! Normal lang ito sa akin. Ganito talaga ito mula pa nang bata ako," tanggi ni Keana at pinahidan ng tisyu ang ilong pero wala nang dugo.
"Anong normal? Magpatingin tayo. Girlfriend naman, huwag ka nang magpasaway!" galit na sabi ni Alwyn. Kinakabahan na siya.
"I'm fine kaya huwag kang mag-alala. Huwag ka ngang makulit, Alwyn!"
"I'm fuckin' serious! Kailangan mo ng doctor!" malakas na sabi ni Alwyn at naikuyom ang kamao kaya natigilan si Keana. Sinisigawan ba siya ni Alwyn?
"S-Sorry, natakot lang ako," mahinang paumanhin ni Alwyn at naupo sa tabi ng kasintahan pero hindi sila kasya kaya pinatayo niya si Keana at naupo.
Kumalong naman si Keana patagilid sa lap niya.
"Okay lang ako, boyfriend. Normal lang ito sa akin," malambing na sabi ni Keana at ipinulupot ang mga kamay sa leeg ng kasintahan.
"Kailangan mo pa ring magpa-checkup," sabi ni Alwyn at niyakap sa bewang ang kasintahan.
"Boyfriend? Paano kung mamamatay na ako?" tanong ni Keana at hinalikan sa pisngi ang kasintahan.
"Huwag mong sabihin 'yan. Matagal pa ang buhay mo dahil nandito pa ako, iingatan pa kita," sagit ng binata saka hinaplos ang malambot na pisngi ni Keana. "Hindi kita pababayaan, girlfriend."
Ngumiti si Keana at sinalubong ang mga mata ni Alwyn. "Kapag mamamatay ako, pakabait ka at gusto ko, hindi ka na bumalik sa magulo at hindi makataong mundo mo."
"Hindi na ako babalik sa dating mundo ko basta nandito ka lang sa tabi ko," sagot ni Alwyn at yumuko para halikan ang mabangong leeg ni Keana at iniangat ang mukha para magpantay ang kanilang mga labi. "Walang masamang mangyari sa 'yo, okay?"
Tumango si Keana. "I love you, boyfriend," bulong niya.
Isiniksik ni Alwyn ang mukha sa leeg ng dalaga at niyakap ito nang sobrang higpit. Naramdaman niya ang paggalaw ng mga kamay ni Keana na nasa pagitan ng nga katawan nila pataas sa dibdib niya.
"Kyaaah!" tili ng dalaga nang buhatin siya ni Alwyn at inihiga sa kama kasabay ng katawan nitong pumaibabaw sa kaniya.
"A-Alwyn..." nataranta niyang sabi nang mas idiniin ni Alwyn ang katawan sa kaniya.
"Lalaki lang ako, g-girlfriend, at nadadarang lalo na kapag kasama kita," bulong ni Alwyn at binigyan ng smack kiss si Keana. "A-Alam mo bang palagi mo na lang pinapasakit ang puson ko?"
"B-Boyfriend kasi--" Tinakpan ni Alwyn ang bibig niya gamit ang mga daliri ng kanang kamay.
"Naiintindihan kita, girlfriend." Bumaba ang mukha ni Alwyn sa dibdib ni Keana at itinaas ang blusa nito. Napalunok ng laway ang dalaga at nataranta ang utak kung pipigilan ba niya si Alwyn o hindi? Hanggang sa nakaramdam siya ng lamig sa balat ng dibdib nang tuluyang inilantad ni Alwyn ang tinatago niya.
"Perfect," bulong ni Alwyn. Wala sa sariling napahawak si Keana sa ulo ng binata nang angkinin ng mga labi nito ang kanang nipple niya. Gusto niyang takpan ang sarili pero hindi niya kayang itulak si Alwyn lalo na't nadadala siya sa ginagawa nito. Nahihiya siya pero gusto niya ang init ng dila nito at ang kiliti sa tuwing sipsipin nito ang nipple niya.
"Oooh... B-Boyfriend..." ungol niya.
"I need you now, girlfriend," bulong ni Alwyn habang nakatingala sa kaniya. Puno ng pagnanasa at pagsamba ang nakaukit sa mga mata nito kaya hindi kayang kumilos ni Keana.
"B-Boyfriend, natatakot ako," pabulong na sagoy ni Keana at napakagat sa ibabang labi nang hapitin siya sa bewang ni Alwyn. Ramdam na ramdam niya ang katigasan nito tanda ng pananabik sa katawan niya.
"Pananagutan kita, girlfriend," bulong ni Alwyn at dinilaan ang leeg niya patungo sa baba hanggang sa nakarating sa mga labi niya.
Niyakap ni Keana si Alwyn nang pisilin nito ang boobs niya. Gumagalaw na rin ang katawan nito sa ibabaw niya kaya napapaliyad siya.
Alam niyang may gustong gawin ang katawan nila. Matagal na nilang gustong gawin pero alam nila pareho na bawal.
Nang hindi sumagot si Keana, nagmamadaling hinubad ni Alwyn at tshirt pero hindi pa rin inaalis ang katawan sa ibabaw ng dalaga.
Wala sa sariling napahawak ang mga kamay ng dalaga sa malapad at mainit na dibdib ng kasintahan.
"Uhmm..." ungol ni Alwyn saka yumuko para angkinin ang pinkish nipple ng dalaga. Wala namang lasa pero sarap na sarap siya. Napangiti si Alwyn nang napasabunot si Keana sa buhok niya na para bang nagustuhan nito ang kaniyang ginagawa.
"B-Boyfriend... Ahhhh..." ungol ni Keana at hinaplos ang matigas na likod ni Alwyn.
Umangat ang mukha ni Alwyn. "I love you, girlfriend."
Pareho silang natigilan nang may malakas na kumakatok sa pinto kaya para silang nasunugan na nagmamadaling inayos ang mga sarili.
Naunang nakabawi si Alwyn at nang mapansing okay na si Keana, mabilis na lumapit siya sa pintuan ay binuksan ang kung sino manh istorbo sa labas.
"Kumain na kayo," sabi ni Yna.
"Sige po, susunod na lang kami," nakangiting sagoy ni Alwyn na hanggang ngayon, hindi pa rin humuhupa ang nararamdaman.
"Sige," ani Yna at sinulyapan muna si Keana na nakaupo sa kama bago tumalikod.
Nang isinara ni Alwyn ang pinto, tumayo si Keana at lumapit sa kaniya.
"Kain na tayo, boyfriend. Nagugutom na ako," yaya ni Keana pero hinapit siya ni Alwyn sa bewang.
"Pasensiya sa nangyari, girlfriend, hindi ko sinasad--"
"Pareho nating ginusto iyon, boyfriend," sagot ni Keana at masuyong hinalikan sa mga labi si Alwyn, "Mas masakit ang puson mo kaysa sa akin kaya okay lang."
Napailing na lang si Alwyn saka hinila ang dalaga palabas ng kuwarto habang kaya pa niyang pigilan ang sariling hubaran ito.

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon