14

938 40 1
                                    


He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 14

Unedited...
"Ano ang plano ninyo sa sem break?" tanong ni Erika kay Keana habang nasa tambayan sila.
"Wala. Matagal pa iyon," sagot ni Keana at pinagmasdan ang kukong walang kakulay-kulay.
"Ang boring," sabi ni Erika, "Makalayas na nga!"
Nang lumabas si Erika, binuksan ni Keana ang TV para manood. Wala silang pasok ngayon at as usual, iniwan na naman siya ni Kean.
Napatingin siya sa pintuang bumukas. Ngumiti siya kay Jerome na may dalang pagkain.
"Para sa akin 'yan?" tanong ni Keana nang makita donut na bitbit ng binata.
"You want?" alok ni Jerome at naupo sa tabi niya saka inilapag ang box ng donut sa mesa. Binuksan niya ito kaya tumambad sa mga mata ni Keana ang iba't ibang flavor ng donuts.
"Sure!" walang hiyang sabi ni Keana saka inunang damputin ang chocolate flavor. Natawa si Jerome sa kaniya dahil para itong patay-gutom kung kumain. Iyong parang katulong na dalawang araw nang hindi pinapakain ng amo.
"Sorry, nagutom lang talaga ako," paumanhin ni Keana, "Hmm... Ang sarap!"
Hindi ito ordinary donut lang. Hindi ganoon katamis pero lasang-lasa niya ang chocolate donut na may nuts.
"Hindi ka ba natatakot kumain?" magiliw na tanong ni Jerome. Sa tuwing kita niya kay Keana, nagpapalibre ito sa mga pinsan o 'di kaya'y kumakain.
"Hindi naman. Masarap kaya ang kumain," sabi ni Keana. Paminsan-minsan, nag-iexercise naman siya sa bahay lalo na kung Sabado at Linggo. Pero theadmill lang. Tamad kasi siyang maglakad o mag-jogging sa labas.
"Tama ka nga naman," pagsang-ayon ni Jerome saka kumuha ng strawberry donut at kumain.
"Kayo na pala ni Alwyn? Mabuti naman at sinagot mo siya," ani Jerome kaya nabitin sa ere ang pagkagat sana ni Keana ng donut.
"Ikaw sana," biro ni Keana saka ipinagpatuloy ang pagkain. Ang guwapo naman ni Jerome. Kaya nga crush na crush niya ito e.
"Loko ka talaga, Keana," nakangiting sabi ni Jerome.
Napasulyap sila sa taong kakapasok lang.
"Tol, donut mo," alok ni Jerome kay Alwyn.
"Salamat pero wala akong ganang kumain ng matamis," sagot ni Alwyn at naupo sa harapan ng dalawa.
"Nagustuhan mo ba? Si Mommy ang gumawa nito," tanong ni Jerome kay Keana na nakapangatlong donut na yata.
"Talaga?" tanong ni Keana na napatingin sa hawak na donut.
"Yups. Ito ang business niya kaya nagdala ako para my pang merienda tayo," proud na sabi ni Jerome. Mahilig mag-bake at kung anu-ano pang puwedeng lutuin ang mommy niya hanggang sa marami ang nasasarapan sa ginagawa niya kaya ayun, nagpatayo ng business.
"Ang saya naman pala sa bahay ninyo. Jerome? Asawahin mo na lang kaya ako?" sabi ni Keana.
Napasulyap si Alwyn sa kanila lalo na kay Keana na para bang wala lang dito ang sinabi.
"Baliw ka talaga. Sige ka, magtampo sa 'yo si Alwyn, patay ka talaga," pananakot ni Jerome. Gusto niya ang character ni Keana. Friendly ito at napaka-jolly. Noong una, nahihiya pa ito sa kaniya pero nang lumaon, naging vocal na ito sa pag-amin na crush siya nito. Kung ibang babae lang, siguro sinamantala na niya pero hindi si Keana. Pinsan ito ng mga kaibigan niya kaya hindi puwede. Isa pa, may iba na siyang mahal.
"Hmm? Hindi naman 'yan magtatampo," sabi ni Keana na sa pagkain siya naka-focus.
"Hindi nga ba, Alwyn?" tanong ni Jerome pero napailing lang si Alwyn.
Tumayo si Jerome, "Alis na muna ako, may pupuntahan pa ako," paalam ng binata saka lumabas na ng tambayan.
"Hindi mo ba sila titirhan niyan?" tanong ni Alwyn sa kasintahang kulang na lang, isubo niya ang donuts ng sabay-sabay.
"Kapag may matira, e di tirhan ko sila," sagot ni Keana.
"Psh! Ang siba mo sa pagkain," sabi ni Alwyn.
"Hindi mo naman ako pinapakain!" sagot ni Keana kaya napa-poker face na lang si Alwyn.
"Boyfriend? Gusto ko ng pizza," sabi ni Keana.
"What? Kakatapos mo lang ng donut a," hindi makapaniwalang sagot ni Alwyn. Napatingin siya sa katawan ni Keana. "Saan mo ba inilalagay ang lahat ng kinakain mo? Kaunti na lang, may bilbil ka na. Mag-diet ka nga."
"Nagdi-diet ako. Sabihin mo lang kung ayaw mo akong bilhan dahil ang bulsa mo lang talaga ang nagdi-diet. Mabuti pa si Jerome, may dalang pagkain. Samantalang ikaw, wala man lang ibinigay sa akin kahit kendi!" pagtatampo ni Keana.
"Hindi ka naman nagsabi," sagot ni Alwyn. Akala niya, may klase pa ito.
"Kailangan ko pa bang sabihing nagugutom ako? Ikaw ang boyfriend ko kaya responsibilidad mo na busugin ako!" sabi ni Keana.
"May mga magulang ka naman kaya reponsibilidad pa rin nila na pakainin ka," depensa ni Alwyn pero inirapan lang siya ni Keana.
"Gusto ko ng pizza!"
"Busog ka pa, mamaya na lang."
"Gutom ako! Alwyn naman, gutom ako!"  naiiyak na sabi ni Keana. Paano, hindi siya kumain kaninang umaga dahil tinanghali siya ng gising.
"Bumili ka kung gusto mo! Pagod pa ako," sagot ni Alwyn.
"Mahal mo ako, o hindi?" seryosong tanong ni Keana kaya natigilan si Alwyn. "Paano mo nasabing mahal mo ako kung pizza lang, hindi mo pa kayang--"
"Tumayo ka na! Bibili tayo ng pizza!" iritadong sabi ni Alwyn na nakatayo na.
"H-Hindi ba puwedeng ikaw na lang? O magpa-deliver na lang tayo?" kalmadong sabi ni Keana dahil nagsusuntukan na naman ang mga kilay nito.
"Gusto mo ng pizza? Bibili tayo," seryosong sagot ni Alwyn. No way na magdala siya ng pizza rito. Kung hindi sasama si Keana, e di 'wag. Tutal, may deal naman sila.
Napatingin siya sa dalagang padabog na naglakad palapit sa pintuan kaya sinundan niya ito.
"Basta maraming pizza," sabi ni Keana habang naglalakad sila.
Pagdating sa parking lot, napasimangot ang dalaga nang malamang motorsiklo ang dala ni Alwyn.
"Kukunin ko lang ang helmet ni Kean," nakasimangot na sabi ni Keana.
"May extra ako," sagot ni Alwyn at inabot sa kaniya ang isa pang helmet.
"Planado a," sabi ni Keana.
"Palagi akong may extra," sagot ni Alwyn at pinaandar ang motor saka napalingon sa kasintahang kakalagay lang ng helmet. Nakapantalon naman ito kaya walang problema sa kaniya.
Nahihiyang sumakay si Keana. Hindi niya idinikit ang katawan sa likod ni Alwyn. Baka kasi manyakin siya nito. Kawawa naman ang boobs niya kung madurog lang. Ang tigas pa naman ng katawan ni Alwyn.
Nang makalabas na sila, wala rin siyang nagawa kundi napayakap sa bewang ni Alwyn dahil kapag hindi, baka mahulog siya hanggang sa nakarating na sila sa Pizza Parlor na kinainan nila noong isang araw.
Pagkapasok nila, agad na tinawag ni Keana ang waiter at nagbigay ng order.
Matapos ang kinse minutos ay kumakain na sila pero kaunti lang ang kay Alwyn.
"Diet ka?" tanong ni Keana habang kinakagat ang dulo ng sliced pizza.
"Busog pa ako," sagot ni Alwyn.
"Hindi ba, business partner kayo ni Black sa gym? Libre mo 'ko. Gusto kong mag-exercise," sabi ni Keana. Nabahala na rin siya dahil sa labis na pagkain. Kasalanan ba niya kung palagi siyang gutom? Baka may bulate na siya?
"Sabihin mo lang kung kailan ka available," sagot ni Alwyn at napasulyap sa babaeng pumasok kasama ang limang barkada.
"Salamat," nakangiting wika ni Keana habang umiinom ng Fit 'n Right. Balance lang. Dapat may pampapayat siyang inumin.
"Alwyn?" tawag ng babaeng palapit sa kanila kaya napatingin si Keana sa mga ito.
"Kilala mo sila?" bulong ni Keana nang ilipat sa kasintahan ang mga mata.
"Yes," sagot ni Alwyn.
Napatingin ulit si Keana sa babaeng abot hanggang tainga ang ngiti habang nakatingin kay Alwyn. Matangkad, balingkinitan ang katawan at unat ang mahabang buhok. Well, maganda at mukhang may kaya sa buhay ayon sa porma. Sa tindig pa lang ay mukhang modelo ito.
"Long time no see, mga two weeks na," nakangiting sabi ng dalaga. Ang ibang kasama nito ay nakataas ang mga kilay habang nakatingin kay Keana na walang pakialam sa kanila at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Nandito pala kayo," sabi ni Alwyn.
"Who is she? Bagong pet mo?" maarteng tanong ng pinakamatangkad sa kanila at itinuro pa si Keana kaya tumigil si Keana sa pagkain. Fuck her. Tama ba ang narinig niya? Tinawag siyang pet ni Alwyn?
"Girlfriend niya," taas noong sabat ni Keana.
"Ow? So? Ikaw pala ang bago niya?" nakataas ang kilay na tanong ng babaeng ex ni Alwyn.
"Audrey, kumakain kami ng girlfriend ko kaya puwede bang nextime na lang tayong mag-usap?" pakiusap ni Alwyn dahil kabisado na niya ang ugali nito at umiiwas lang siya sa gulo.
"Nakakaistorbo ba kami? Pasensiya na," pagtataray ni Audrey.
"Oo, masyado kayong istorbo sa pagkain ko. Isa pa, may pinag-uusapan kami ng boyfriend ko," sabat ni Keana na nakipagtitigan kay Audrey. Pakialam niya sa mga titig ng mga alipores nito? Hindi naman siya mamamatay sa titig lang.
"Boyfriend mo na boyfriend ko rin," nakangising sabi ni Audrey kaya kusang umarko ang kanang kilay ni Keana.
"Girlfriend mo rin siya, Alwyn?" tanong ni Keana.
"Ex ko siya," sagot ng binata.
"Ex ka na raw niya. Ako na lang ang girlfriend niya," sabi ni Keana.
"Please, Audrey, nag-uusap pa kami," seryosong sabi ni Alwyn kaya tumayo si Audrey nang mabasa ang pagbabanta sa mga mata nito.
"Mag-enjoy muna kayo," makahulugang sabi ni Audrey.
"Nag-ienjoy naman talaga kami, inistorbo n'yo lang," sagot ni Keana na nawalan na ng gana sa pagkain.
Nang lumayo na ang mga ito, pinagmasdan ni Keana ang mukha ni Alwyn.
"Tapatin mo nga ako, tino-two time mo ba ako?" tanong ni Keana.
"Wala na kami ni Audrey bago pa maging tayo kaya imposibleng dalawa kayo ang girlfriend ko," sagot ni Alwyn.
"Okay, sabi mo e. May usapan naman tayo kaya sa akin pa rin mapupunta ang natirang apat na milyon," sabi ni Keana. Pakialam niya kung sandamakmak pa ang ex ni Alwyn. Basta may pera na siya.
"Hindi pa naman ako lumabag sa usapan, Keana. Kaya huwag kang maging kampante," sagot ni Alwyn.
"Lumabag ka na lang. Mas pabor sa akin iyon," ani Keana. Nagulat si Alwyn nang tumayo ito at walang pasabing lumabas kaya agad na sinundan niya. Tutal, bayad na rin naman sila.
"Keana, sandali!" tawag niya pero tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. Baka kung mapano pa ito kaya sinundan na lang niya. Ang bilis pala nito maglakad kapag naiinis.
"Kapal ng mukha! Sarap ng kain ko e!" bulong ni Keana. Naiiyak siya para sa pizza na naiwan. Nawalan na kasi siya ng gana dahil sinira ng babae ni Alwyn.
"Keana, sandali!" tawag ni Alwyn kay biglang napapreno si Keana at hinarap ang binata para sigawan.
"Sorry na," paumanhin ni Alwyn na may bitbit na bulaklak.
"Kinuha mo na naman ang bulaklak ng patay!" sabi ni Keana na nakatingin ilang pirasong sunflower na bitbit ni Alwyn.
"Hindi a, binili ko 'to," sabi ni Alwyn. May nadaanan siyang flower shop at nag-aayos pa ang mga nagtitinda kaya hinablot na niya ang nadaanang bulaklak at tinapunan ng isang libo ang tindero.
"Sinungaling ka!" sabi ni Keana. Naalala na naman niya ang puting rosas nito noong party ng kaibigan niya.
"Kuya! S-Sukli mo po," hinihingal na tawag ng bata na palapit kay Alwyn.
"Keep the change na," nakangiting sabi ni Alwyn.
"Talaga po?" tanong ng bata na tinanguan ni Alwyn.
"See? Binili ko na talaga 'to kaya huwag ka nang magtampo. Ikaw lang naman ang girlfriend ko," sabi ni Alwyn saka kinuha ang kamay ni Keana saka ipinasa ang hawak na bulaklak.
"S-Salamat," sagot ni Keana at pasimpleng inamoy ang bulaklak.
"Bati na tayo?" tanong ni Alwyn kaya napa-pout si Keana.
"Ako lang ang girlfriend mo?"
"Oo naman, ikaw lang ang girlfriend ko," sagot ni Alwyn na nakatitig sa maganda mukha ng kasintahan.
"Sige na nga, bati na tayo, boyfriend," pagpayag ni Keana at nginitian si Alwyn.
"Halika na, balik na tayo, girlfriend," nakangiting yaya ni Alwyn. Mabuti na lang dahil ang bilis niyang napaamo si Keana. Ayaw pa naman niya kapag sinisigawan siya nito gaya ng dati.
"Alwyn? Ampon ka ba?" tanong ni Keana habang naglalakad na sil pabalik sa sasakyan ni Alwyn.
"Bakit mo natanong?" baliktanong ni Alwyn.
"Ang kapal kasi ng kilay mo, hindi kayo magkamukha ng mommy mo," sagot ni Keana. Nakita kasi niya ang family picture nina Alwyn sa condo nito.
"Oo, ampon nga lang ako," sagot ni Alwyn kaya si Keana naman ang nagulat.
"Siguro ang ama mo, orangutan," mahinang wika ni Keana kaya ginulo ni Alwyn ang buhok niya saka hinawakan siya sa kamay.
"Tatawid tayo, baka masagasaan ka," sabi ni Alwyn kaya hindi na hinila ni Keana ang kamay na hawak ni Alwyn tapos tumawid na sila habang inihaharang ang katawan nito sa kaniya dahil baka may motoristang lalabag sa stop light at masagasaan sila.

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon