34

971 33 1
                                    

He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 34

Unedited....
"Malapit na tayong mag-graduate, one sem na lang," sabi ni Keana kay Alwyn. Semestral break nila ngayon at naisipan nilang sa Batangas magbakasyon kasama ang pamilya.
"Oo nga, after ng graduation, pakasal na tayo, girlfriend," sabi ni Alwyn at inakbayan si Keana habang naglalakad sa tabing-dagat.
"Ayaw ko pang mag-asawa," sagot ni Keana at tumingala sa kasintahan.
Tumigil si Alwyn saka hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Basta magpapakasal tayo, okay?"
"Pero hindi ngayon!" nakasimangot na sabi ni Keana.
"E di soon," wika ni Alwyn at piningit ang ilong ng dalaga pero tinulak siya ni Keana.
"Masakit, Alwyn!" reklamo ni Keana at hinawakan ang ilong. "Nabali yata ang bridge e!"
"At least hindi mo pinagawa ang ilong mo," pilyong sabi ni Alwyn kaya umusok ang ilong ni Keana.
"Hindi ako nagpagawa! Nakakainis ka!" Pagmamaldita niya saka tinalikuran si Alwyn.
"Kyah!" malakas na tili niya nang buhatin siya ni Alwyn na parang sako lang ng bigas. "Ibaba mo 'ko! Mommy! Ano ba!" Pinaghahampas niya si Alwyn pero itinakbo lang siya ng binata palusong sa dagat.
"Ibaba mo na ako!"
"Magpapakasal muna tayo!" natatawang sabi ni Alwyn at pumunta pa sa gitna. Hanggang balikat na niya ang tubig pero hindi pa rin niya ibinababa ang kasintahan.
"Hindi nga ngayon!" tili ni Keana at kinurot si Alwyn pero parang bakal lang ang katawan nito. Ne hindi man lang makaramdam ng sakit.
Ibinaba siya ni Alwyn saka niyakap sa bewang. "Kung hindi ngayon, kailan?"
Ipinulupot ni Keana ang mga kamay sa leeg ng kasintahan, "Bukas. Bukas tayo magpapakasal, okay ka na?"
Natawa si Alwyn at niyakap si Keana. "Anytime basta ikaw ang bride ko."
"Basta ikaw rin ang groom ko," sagot ni Keana at kinindatan ang binata.
"Kiss the bride na," sabi ni Alwyn at bago pa man makuha ni Keana ang ibig niyang sabihin, sakop na niya ang mga labi ng dalaga. Malambot at medyo maalat dahil sa tubig dagat pero ang sarap pa rin ng lasa ng mga labi ni Keana.
Pareho silang hinihingal nang pakawalan ni Alwyn ang mga labi ni Keana. "I love you, Keana."
"I love you too, boyfriend," sagot ng dalaga at ang kanang kamay na nasa leeg ni Alwyn at pinadausdos niya pababa sa abs ng binata habang nakipagtitigan sa mga mata nito. Napangiti siya nang mapansing napalunok si Alwyn ng laway nang pinababa niya sa puson nito ang mga kamay. Akala niya, tatanggi ang binata pero walang pagtutol mula rito kahit na ipinapasok na niya ang kamay sa loob ng swimming shorts nito.
"Gusto mo naman?" nakataas ang kilay na tanong ni Keana.
Ngumiti si Alwyn. "Sige lang, kanina ka pa niya hinihintay."
Ibinaba ni Keana ang kamay hanggang sa may nahawakan siyang matigas na bagay, "Alwyn..."
Nakatitig lang si Alwyn sa dalaga. Ito na ngayon ang namumutla sa ginagawa pero hindi pa rin binabawi ang kamay. Hinahanap nito ang dulo kaya pinipigilan lang niyang matawa sa kainosentehan ni Keana.
"Do you think, tama pa ang ginagawa ko?" tanong ni Keana at hinigpitan ang pagpulupot ng kaliwang kamay sa leeg ni Alwyn para hindi sila mapaghiwalay ng malakas na alon. Nakasuporta rin naman ang mga kamay ni Alwyn sa bewang niya.
"Oo naman. Walang mali sa ginagawa mo, normal lang ito," sagot ni Alwyn.
"Ang haba!" reklamo ni Keana.
"Mahaba ang ano?" pilyong tanong ni Alwyn at hinalikan ito sa pisngi.
"Seasnake," sagot ni Keana nang makarating sa dulo ang kamay.
"Tawag na tayo ni Mommy," bulong ni Alwyn nang makita ang ina ni Keana na pinapaypay sila.
"Nagugutom na rin ako," sabi ni Keana at pinitik ang hawak ng kamay bago hinugot.
"Aw! Shit!" daing ni Alwyn at napahawak sa pagkalalaki.
"Pasaway kasi!" pilyang sabi ni Keana at lumangoy na palapit sa dalampasigan.
Pinahupa muna ni Alwyn ang sakit bago sumunod kay Keana. Huwag lang sanang maisipan nitong putulin ang alaga niya habang natutulog siya.
Nasa cottage ang magpamilya. Si Keana ay ipinulupot ang towel sa katawan nito at inipit sa kilikili. Lumapit ito sa kaniya at naupo sa tabi niya.
"Boyfriend? Baka ginawin ka," sabi ni Keana at hinubad ang tuwalya saka ini-share kay Alwyn ang kalahati at ipinulupot ang kanang kamay sa braso ng binata.
Inabot ni Alwyn ang malaking plato at nilagyan ng kanin at ulam.
"Marunong kang magkamay?" tanong niya kay Keana.
"Oo naman," sagot ng dalaga at kumuha ng kanin at ulam sa plato ni Alwyn gamit ang kamay.
"Nasaan na si Kean?" tanong ni Yna kay Irene.
"Pinabihisan lang po si Ariana, maliligo raw sila pagkatapos ng tanghalian," sagot ni Irene.
"Mommy?" tawag ni Kean habang bitbit si Ariana. Naka-swimming trunks ito at swimsuit na kulay blue naman ang anak. "Nasaan na ang salbabida ni Ariana?"
"Nasa loob ng resthouse," sagot ni Yna. "Kumain nga muna kayo. Mamaya na 'yang salbabida na 'yan." Napasulyap si Yna kay Kyler na kakalabas lang sa resthouse. Topless ito at kahit na may edad na, makisig pa rin si Kyler. May abs pa nga ito pero apat na lang.
"Ang hot talaga ng asawa ko," mahinang sabi ni Yna.
"Huwag mo na ngang tingnan ng ganiyan si Daddy lalo na kung may ibang tao, mommy," saway ni Kean.
"Bakit? Ano ang masama kung titigan ko ang hot na asawa ko? Kayo lang ba ang may karapatang maging sweet?" nakasimangot na tanong ni Yna.
"Wifey? Kumain na kayo?" tanong ni Kyler nang makalapit sa kanila. Naupo ito sa tabi niya kaya kinuhaan ni Yna ng plato.
"Giniginaw ka?" bulong ni Alwyn nang niyakap ni Kean ang braso niya.
"O-Oo," sagot ni Keana kaya sinubuan na siya ni Alwyn gamit ang kamay.
"Kumain ka nang marami para makapagbanlaw na tayo," sabi ni Alwyn kaya binilisan ni Keana ang pagkain bago pa siya manginig sa ginaw.
Nagpaalam sila sa apat na magbanlaw na. Tanghaling tapat na kasi pero sina Kean ay maliligo pa lang. Makulimlim ang panahon kaya hindi nag-alala ang mga ito na magkaroon ng sunburn.
"Mauna ka na," sabi ni Alwyn kay Keana kaya patakbong pumasok si Keana sa bathroom.
Matapos ang bente minutos ay naka-bathrobe na si Keana na lumabas sa bathroom kaya pumasok na si Alwyn.
Paglabas niya, nakaupo si Keana sa kama na nakadantay ang mga paa sa upuan. Nakaputing white short shorts ito kaya kitang-kita niya ang mahahaba at maputing legs nito. Naupo si Alwyn sa tabi nito. Ubusod si Keana at idinantay ang mga paa sa hita ni Alwyn.
"Gusto mo ng masahe?" tanong ni Alwyn.
"Yes, please," nakangiting sagot ni Keana saka inabot ang cellphone sa bedside table at vinedeo ang ginagawang pagmasahe ng kasintahan.
"I-upload mo na naman 'yan mamaya sa Instagram?" napailing na sabi ni Alwyn.
"Actually, naka-live ako, boyfriend," nakangiting sabi ni Keana. "Smile. I love you, boyfriend ko." Itinutok niya ang cam sa mukha ni Alwyn pero sa binti ni Keana ang mga mata ng binata.
"Huwag kang malikot, minamasahe kita e," saway ni Alwyn.
Nang magsawa ay tinapos na ni Keana ang live video at nag-concentratem kay Alwyn sa ginagawa nito.
"Gusto ko nang matulog," sabi ni Keana nang humikab at nahiga.
"Sige." Tumigil si Alwyn at nahiga sa tabi ni Keana. Hinawakan niya ang kamay ni Keana nang yakapin siya nito sa bewang.
"Gusto ko nang matulog, boyfriend," sabi ni Keana at isiniksik ang mukha sa malapad na dibdib ng kasintahan nang tumagilid ito paharap sa kaniya.
"Matulog ka na," sabi ni Alwyn at hinalikan siya sa noo.
Pumikit si Keana nang maramdaman niya ang kamay ni Kean na pumulupot sa katawan niya hanggang sa tuluyan na siyang idinuyan ng diwa.
"B-Boyfriend?"
Naalimpungatan si Alwyn nang marinig ang boses ni Keana na tila namimilipit sa sakit.
"Bakit? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya at napabangon pero nakayakap pa rin nang mahigpit ang dalaga sa bewang niya. "Hey? K-Keana?" Inayos niya ang nakatakip na buhok sa mukha nito.
"Ano ang nangyari, Keana? S-Sumagot ka naman, oh!"
Namumutlang tumingala si Keana sa kaniya, "M-Masakit ang puson ko, meron na ako."
"H-Ha? Wait lang," sabi ni Alwyn at tinanggal ang mga kamay ni Keana sa bewang niya saka inayos ang pagkakahiga nito sa kama.
"D-Don't leave me," naiiyak na sabi ni Keana at hinawakan ang kanang kamay ni Alwyn nang tumayo ito.
"Dito ka lang, kukuha lang ako ng gamot," sabi ni Alwyn at yumuko saka binigyan siya ng mabilis na halik sa nga labi.
Patakbong bumaba si Alwyn sa hagdan.
"Bakit ganiyan ang mukha mo?" nagtatakang tanong ni Yna na kakapasok lang.
"S-Si Keana po kasi, masakit ang puson niya," sagot ni Alwyn.
"Ang malas mo naman," nakangiting sabi ni Yna at tinapik si Alwyn sa balikat. "Ganiyan talaga 'yan kapag meron. Akala mo, mamamatay na."
"Magpapainit lang po ako ng tubig," sabi ni Alwyn at tumungo sa kusina saka nagsalang ng tubig sa heater.
Wala siyang nakitang hot bag kaya itinapon niya ang laman ng boteng nakita saka isinalin ang mainit na tubig at bumalik kay Keana.
"Okay ka lang?" tanong niya at binalot ng panyo ang hawak na bote saka ipinatong sa puson ni Keana. "Gusto mo ng pain reliever?"
"Huwag, kaya ko pa naman," sagot ni Keana at ipinatong sa hita ni Alwyn ang ulo. Hanggat kaya niya, titiisin niya. Ayaw kasi niyang dumating ang araw na masanay na siya sa pain reliever at mawalan na ng bisa sa katawan niya ang gamot.
"Ganito ka ba talaga?" tanong ni Alwyn at tinanggal ang ulo ni Keana sa hita niya saka nahiga siya at inilipat sa braso ang ulo ng dalaga.
"Oo, mula pa noon," sagot ni Keana at isiniksik sa kilikili ni Alwyn ang mukha niya. Sa tuwing nasa katawan ni Alwyn ang mukha niya, palagi na lang siyang inaantok. Kaya nga hindi na niya kailangan ang sleeping pills. "Pero sabi nila, kapag manganak na raw ako, mawawala lang din ito. Ewan ko lang," sagot ni Keana.
"Pagod ka na ba sa pagsakit palagi ng puson mo, girlfriend?" malambing na tanong ni Alwyn na sinusuklay ang malambot na buhok ni Keana gamit ang mga daliri niya.
"Oo," sagot ng dalaga.
"Anakan na kita, girlfriend. Para mawala na ang sakit ng puson mo," biro ni Alwyn pero hinampas lang siya ni Keana sa dibdib.

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon