41

1K 34 2
                                    

He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 41

Unedited...
"Kumain ka na," sabi ng ina ni Alwyn.
"Wala ho akong gana. Si Daddy?" tanong ng binata.
"Nasa kuwarto. Nasaan ang girlfriend mo?" tanong ni Nami.
"Si Keana? Nasa bahay nila. Mom? Kailan kayo babalik sa ibang bansa?" pag-iiba ni Alwyn. Hanggat naaari, ayaw niyang pag-usapan nila si Keana.
"To be honest? I don't have an idea," sagot ni Nami kaya hinila ni Alwyn ang isang silya at naupo sa harapan ng ina. Malaki ang utang na loob niya sa mag-asawa. "Bakit? Gusto mo na bang bumalik kami ng daddy mo sa ibang bansa?"
"Mom? Bakit kayo umuwi rito?" curious na tanong ni Alwyn. Hindi mahal ng mga magulang niya ang Pilipinas kaya nakakapagtataka na tumagal sila ng one month at hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik.
"My unfinish business daw ang daddy mo," sagot ni Nami. "Alwyn? I feel so sorry tungkol sa inyo ni Audrey. Wala rin akong magawa pero engaged na siya kay Drake."
"Tapos na iyon at masaya na kami pareho. Si Keana ang para sa akin at wala na akong mahihiling pa kundi ang mapasaakin siya nang tuluyan."
"Mahal mo talaga siya, ano?" nakangiting sabi ni Nami at napatitig sa mukha ng ampon na kahit na lumukot ang kilay, guwapo pa rin ito.
"Walang rason para hindi ko siya mahalin," sagot ni Alwyn. "Mahal na mahal ko si Keana."
"Ehem!"
Napalingon ang mag-ina nang may tumikhim sa likuran nila.
"Good noon, Dad," bati ni Alwyn dahil pasa alas dose na.
"Sumunod ka sa akin sa library," seryosong sabi ng ama at walang emosyong tinalikuran sila.
Sumenyas si Nami kay Alwyn na sundan ang ama kaya tumayo ang binata.
"Maiwan na muna kita, Mom."
Ang daming bagay na sumasagi sa isipan ni Alwyn habang umaakyat sa hagdan pero lahat ng ito ay mabibigyan ng kasagutab kapag makausap na niya ang ama.
Maingat na binuksan niya ang pinto at pumasok. Nakaupo sa swivel chair ang ama niya na para bang may malalim na iniisip.
"Maupo ka," sabi nito nang mapansin ang presensiya niya.
"Ano ang pag-uusapan natin, Dad?" tanong ni Alwyn.
"Kumusta ang buhay mo, Alwyn? Matagal ka nang hindi tumatawag sa amin, ah," tanong ni Julius na napatitig sa mukha ng anak. Magmula nang pinaghiwalay niya sila ni Audrey, hindi na nagpakita pa sa kanila ni Alwyn. Alam niyang masama ang loob nito sa kanila pero wala silang magagawa.
"Alam mo kung bakit, Dad," walang ganang sagot ni Alwyn at naupo sa upuang nasa tapat ng table ng ama.
"I'm sorry, Alwyn. Pero alam mong business is business. Hindi puwedeng sa 'yo lang iikot ang mundo ni Audrey. Kailangan namin ang pamilya nina Drake," paumanhin ni Julius pero walang pinagsisisihan sa ginawang paghiwalay sa dalaga.
"As what I have said, okay na sa akin ang lahat. Now, what brought you here, Dad?" tanong ni Alwyn at nakipagtitigan sa ama. Alam niyang may ibang motive pa ito kaya nanatili sa Pilipinas.
"I'm planning to expand our business dito sa Pilipinas. Naghahanap pa kami ng mommy mo nv perfect site for our new project," sagot ni Julius. Habang tumatagal, lalong tumatalino si Alwyn.
"Business? Kasama na ba iyon ang illegal--"
"Shut you mouth, poor boy!" mabilis na saway ni Julius.
"Hindi mo ba puwedeng itigil ang gawain mo, Dad? Paano na lang sina Mommy at Audrey?" tanong ni Alwyn. Ilang beses na niyang kinukumbinse ang ama na tumigil na pero tila bingi ito at nagmamatigas.
"Wala kang alam, Alwyn! Binuhay ko kayo sa ganito kaya huwag kang nagmalinis dahil kasama ka rin naman sa naging operasyon noon!" paalala ni Julius.
"Wala ba akong karapatang magbagong buhay?" tanong ni Alwyn.
"Huwag kang magmalaki na nagbagong buhay ka na kung nagsimula ka rin naman sa pera ko!" paalala ni Julius.
"Nagsimula ako muli sa wala at lalong-lalo na na wala ang pera ninyo!" pagtatama ni Alwyn. Dahil siya ang dating nakikipag-usap sa business partner ng ama, natuto siya kung paano pagalawin at palaguin ang negosyo.
"Enough!" pagsuko ni Julius. "Kaya ako umuwi, dahil kailanganin ko ang tulong mo."
"Ano ang gusto mong sabihin?" tanong ni Alwyn. Masama ang kutob niya sa gusto ng ama.
"Kailangan ko ng malaking pera," sabi ni Julius na nakatitig sa mga mata ng batang inampon at hinasa niya sa pakikipaglaban.
"Hindi kita matutulungan," sabi ni Alwyn. "Hinding-hindi na."
"Wala kang utang na loob!" Tumaas ang boses na wika ni Julius.
"Sa pinagagawa mo sa akin, matagal na akong bayad sa utang na loob ko sa 'yo!" depensa ng binata saka tumayo. Nakuha na niya ang nais nito.
"Wala ka pa ring magagawa, Alwyn. Hawak ko pa rin ang buhay mo! Ako ang nagbigay ng lahat sa 'yo kaya ako pa rin ang masusunod!" ma awtoridad na sabi ni Julius saka napahampas sa mesa pero tila bingi si Alwyn at tinalikuran ang lalaking nagbigay ng karangyaan sa kaniya.
"Alwyn! Nandito ka pala," masayang sabi ni Audrey nang makakasalubong niya sa hagdan. "Nagbago na ba ang isip mo? Iiwan mo na ba siya at babalik ka na sa akin? Alwyn? Puwede tayong magtanan."
Tumigil si Alwyn nang isang hakbang na lang ang pagitan nila. "Tapos na tayo, Audrey. Pasensiya ka na, hindi ko na kayang iwan si Keana!"
Nilampasan niya ang dating asawa.
"Babalik ka rin sa akin!" pahabol ni Audrey na puno ng pag-asa ang nasa boses nito.
"Maging masaya ka na lang kay Drake," sabi ni Alwyn at umalis na. Ne hindi man lang siya ipinaglaban ni Audrey sa mga magulang nila. Natuwa pa nga ito nang malamang kay Drake ito ipapakasal kaya mas lalong lumalim ang galit niya kay Drake dahil maliban sa mahigpit na kalaban niya ang gang nito, naging mortal na kaaway pa niya ito sa puso ni Audrey.
Habang nagmamaneho, ngayon niya lang naalalang buksan ang cellphone.
"Fuck!" pagmumura niya nang makita ang messages ni Keana. Nakailang missed calls din ito.
Tinawagan niya pero off na ang cellphone nito kaya dumiretso siya sa mansion ng mga Villafuerte.
"Magandang hapon po, Tita Yna. Nasaan si Keana?" magalang na tanong niya sa ina ni Keana habang nagdidilig ito ng mga bulaklak sa hardin nila.
"Nasa itaas. Puntahan mo nga, kanina pa 'yon badtrip," sagot ni Yna at nginitian si Alwyn. May sumpong ang anak niya ngayon at kanina pa minumura si Alwyn sa harapan nila.
"Salamat po," ani Alwyn at mabilis na pumasok sa mansion at dumiretso sa itaas nang hindi makita si Keana sa sala.
Kumatok muna siya sa pinto ng dalawang beses bago pumasok a kuwarto ni Keana.
"Girlfriend?" tawag niya nang makitang nakatalukbong ito ng kumot. Lumapit siya kay Keana saka naupo sa tabi nito pero walang kibo ang dalaga. "Alam kong gising ka."
Yumuko si Alwyn saka hinalikan ito sa braso.
"Umalis ka na at huwag ka nang magpakita sa akin kahit kailan!" pagtataboy ni Keana saka tumalikod kay Alwyn at niyakap ang hotdog pillow. "Magsama kayo ng Audrey mo! Pareho lang naman kayong pangit!"
"Sorry na," paumanhin ni Alwyn at nahiga sa tabi ng dalaga saka niyakap ito sakop ang hotdog pillow.
"Sorry mo mukha mo! Magkasama lang kayo ni Audrey, nakalimutan mo na ako?" sumbat ni Keana. Nagpaalam ito sa kaniya kanina na uuwi muna sa mga magulang pero nang makarating ay hindi na nag-text o tawag pa sa kaniya.
"Nagseselos ang girlfriend ko?" malambing na tanong ni Alwyn saka hinigpitan ang pagkayakap kay Keana. "Hindi naman kami nag-usap ni Audrey."
"Wala akong pakialam! Doon ka na sa bruhang Audrey mo!" singhal ni Keana at tinutulak palayo si Alwyn pero mas lalo lang humihigpit ang yakap nito sa kaniya.
"Huwag kang magselos, girlfriend. Magtiwala ka lang sa akin," bulong ni Alwyn na malapit sa tainga ng dalaga at hinipan pa nito ang batok niya kaya nakaramdam ng kiliti ang dalaga.
"Don't do that!" naiinis na saway ni Keana. Sapilitang pinaharap siya ni Alwyn sa kaniya at niyakap sa bewang para hindi na makawala pa.
"Huwag ka nang magtampo, girlfriend. Halika, pasyal tayo," yaya ni Alwyn at inamoy ang buhok ng dalaga. Ang bango talaga ni Keana, sarap amuyin ng buong araw.
"Ayaw ko! Pasyal kayo ni Audrey mo!" pagmamaldita ni Keana. Mas lalo pa siyang nairita nang malakas na tumawa si Alwyn.
"Hmm? Selos ang girlfriend ko," tukso no Alwyn.
"Kyaah!" tili ni Keana nang pumaibabaw ang kasintahan sa kaniya. "Alis ka! Ayaw ko sa 'yo!" Sinusuntok niya si Alwyn pero ang tigas ng katawan nito.
"Ang cute mo magselos, girlfriend," nakangiting sabi ni Alwyn at kiniliti ito sa magkabilang tagiliran. Naiinis na tumatawa naman si Keana.
"Tama na! Break na tayo!" sigaw niya na tumutulo na ang mga luha kaya tumigil si Alwyn.
"H-Hey, huwag ka nang umiyak, Keana. Hindi naman kita ipinagpalit kay Audrey e," pag-aalo ni Alwyn at pinahidan ang mga luha ng dalaga.
"H-Hindi mo na ako mahal. B-Babalik ka na kay Audrey kasi s-siya ang--s-siya ang f-first love mo," luhaang sabi ni Keana. Kanina pa siya balisa dahil natatakot siya na baka hindi na bumalik si Alwyn sa kaniya.
Niyakap ni Alwyn ang dalaga, "Hindi 'yan totoo. Hindi kita ipagpalit kahit na ikaw pa mismo ang mang-ayaw sa akin." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Keana. "Girlfriend? Listen. Ikaw lang ang mahal ko mula nang makilala kita at si Audrey? Bahagi na lang siya ng nakaraan ko. Alam mo iyon, girlfriend. Alam mo na wala akong ibang mahal at gustong pakasalan ulit kundi ikaw lang."
"B-Bakit hindi ka nagte-text?"
Natahimik si Alwyn. Matatanggap kaya ni Keana ang mababaw dahilan niya?
"S-Sa totoo lang, masyadong magulo ang utak ko nang makausap ko si Daddy kaya nawala sa isip ko ang cellphone ko pero ikaw, hindi ka naman nawala sa puso ko. Sorry, alam kong mababaw lang ang rason ko pero iyon talaga ang totoo," honest na sagot niya. Kaysa naman hahanap pa siya ng ibang rason.
"Iyon ba talaga ang dahilan?" nagdududang tanong ni Keana.
"Oo," sagot ni Alwyn saka hinalikan ang dalaga sa mga labi. Hindi gumanti o kumilos si Keana. Hinahayaan lang nito ang gagawin ni Alwyn sa malambot na katawan niya hanggang sa tuluyan na nitong maitaas ang tshirt niya.
"I love you, girlfriend. Tatlong linggo na lang, ga-graduate na tayo," sabi ni Alwyn. Malapit na ang pinakahinihintay niyang araw--ang mag-propose kay Keana.
"W-Wala na ba talaga kayo ni Audrey?" naka-pout na tanong ulit ni Keana. Medyo kumalma na siya. May tiwala naman siya kay Alwyn pero hindi lang maiwasan na magduda lalo na't first love ito ni Alwyn.
"Wala na. Hindi ko hahayaang may sumira sa relasyon natin, girlfriend. Sa ngayon, kailangan ko ang tiwala mo dahil hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko. Hinding-hindi ko iyon makakaya," puno ng pagmamahal na sabi ni Alwyn saka yumuko at inangkin ng mga labi ang kanang dibdib ni Keana.
Napasabunot ang dalaga sa buhok ni Alwyn at napaliyad nang sipsipin nito ang nipple niya saka ang kabilang kamay ay naghihimas naman sa kaliwa. Hindi na siya nahihiyang hubaran ni Alwyn.
"M-May tiwala naman ako sa 'yo, boyfriend. H-Huwag mo lang akong lokohin at iiwan," nauutal na sabi ni Keana dahil nawawala yata ang katinuan niya sa kalandiang ginagawa ni Alwyn sa kaniya.
"Thanks. Miss na kita, girlfriend," bulong ni Alwyn at dinilaan ang leeg niya paakyat sa baba nito.
Ibababa na sana ni Alwyn ang shorts ni Keana nang pigilan nito ang mga kamay niya kaya nagtatakang napatitig siya sa mga mata ng kasintahan.
"B-Boyfriend, meron ako ngayon e," nahihiyang sabi ni Keana habang napakagat sa ibabang labi. Natawa siya nang marinig ang ungol ng pagtutol ni Alwyn.

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon