45

913 30 3
                                    

He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 45

Unedited...
"D-Drake? Gusto ko nang umuwi," nanghihinang sabi ni Keana.
"Kumain ka nang marami," walang emosyong wika ni Drake.
"K-Kailangan ko nang umuwi dahil hinihintay na ako ni Alwyn," sabi ni Keana. Three days na pero wala pa rin si Alwyn. Miss na niya ito at natatakot siya sa kung ano man ang puwedeng mangyari sa kaniya.
"Kumain ka at magpalakas, Keana. Ayaw kong may mangyaring masama sa 'yo lalo na ngayong buntis ka."
Napatingin si Drake kay Keana na nakaupo sa kama. Malungkot at nanglalalim ang mga mata nito dahil kulang sa tulog pero maganda pa rin ito. Ganda na minsan nang bumihag sa puso niya.
"H-Hahanapin ka niya. Magbabayad kayo sa ginawa ninyo sa akin! Papatayin kayo ni Alwyn!" humihikbing sabi ni Keana at napahigpit ang pagkahawak sa tuhod saka napasiksik sa headboard ng kama.
"Mabuti at naisipan mo 'yan. Kaya nga kumain ka nang marami para ligtas kayo ng anak mo oras na matagpuan ka na niya," sabi ni Drake.
"B-Bakit mo ito ginagawa, Drake? Kaibigan ang turing ko sa 'yo! Kahit na sinasabi ni Alwyn sa akin na masama kang tao, pinagkatiwalaan pa rin kita!" sumbat ni Keana. Ipinaglaban pa niya si Drake kay Alwyn pero ito lang napala niya.
"Well? Sana nakinig ka kay Alwyn," wika ni Drake na umiba ang tono ng boses. Pagalit ito at puno ng emosyong hindi mawari ni Keana. "Ito ang napapala ng mga babaeng hindi nakikinig sa kasintahan."
"H-Hindi iyan totoo! Mali lang ako dahil nagtiwala ako sa isang kagaya mo!" puno ng pagsisising singhal ni Keana. Kung puwede lang niyang mabalik ang oras, hinding-hindi siya makikipagkaibigan kay Drake. Too late for her.
"So? Hindi ka nagtiwala sa boyfriend mo?" puno ng sarcastic na tanong ni Drake. Natahimik si Keana at napayuko. May tiwala siya kay Alwyn at lahat ng bagay, naniniwala siya rito perp bakit pagdating kay Drake, sinuway niya ito?
"H-Hahanapin kayo ng mga Villafuerte at Lacson oras na malaman nilang dinukot ninyo ako! Wala silang ititira sa inyo!" puno ng pag-asang sabi ni Keana. Kailangan niyang tibayan ang loob para sa sanggol na nasa sinapupunan niya.
"Hindi makialam ang mga Lacson sa problemang ito. At kung makialam man, tapos na ang laban!"
"A-Ano ang ibig mong sabihin?"
"Oras na malaman ng mga Lacson kung nasaan ka, I'm sorry to say, papatayin na kita, Keana," seryosong sagot ni Drake kaya napanganga ang dalaga. "Walang ibang makakaligtas ng buhay mo kundi si Alwyn lang."
"I-Ililigtas kami ni Alwyn," pabulong na sambit ni Keana. Napapagod na ang puso't isipan niya.
"Huwag kang mag-alala, mahal ka ni Alwyn kaya hindi ka niya hahayaang mamatay. Ipanalangin mo na ako ang makakalaban niya sa championship," makahulugang sabi ni Drake at lumabas na sa silid na pinagtataguan kay Keana.
Iyak nang iyak si Keana habang nakahawak sa sinapupunan niya. Napakasaklap ng nangyayaring ito sa kanilang mag-ina.
"Tahan na, baby. Ililigtas tayo ni Daddy. Kapit ka lang, malapit na niya tayong matagpuan," pakiusap niya sa anak na para bang nakikinig ito sa kaniya. Ito na lang ang nagbibigay sa kaniya ng lakas para lumaban at manatiling buhay. Aasa siya kay Alwyn dahil sa ngayon, ito na lang ang tanging makakapitan niya.
-------------------
"Dude? Hindi namin mahanap si Audrey," sabi ni Tom nang pumasok sila sa condo ni Alwyn na ilang araw nang walang pahinga at tulog.
"Nilibot na namin ang buong ka-Maynilaan at mga tambayan ng barkada niya pero wala," segunda ni Tom at naupo sa tabi ni Alwyn.
"Sinigurado ni Drake ang lahat," wala sa sariling wika ni Alwyn. Lahat ay planado at alam nitong hahanapin nila si Audrey kaya sinigurado nitong nakatago na ang dalaga. Si Audrey na lang ang gateway nila patungo sa kinaroroonan ni Drake pero mukhang wala nang pag-asa.
"Ano ang balak mo?" tanong ni Tom at kinuha ang sigarilyo sa bulsa saka sumindi ng isang stick at ibinuga sa harap ni Manuel.
"Hindi ba't may koneksyon sina Keana sa mga Lacson? Balita ko, trained assasin ang mga iyon," sabi ni Manuel kaya napatingin si Tom sa kaibigan.
"Ano ang pinupunto mo? Huwag mong sabihin, hihingi tayo ng tulong sa mga Lacson?" tanong ni Tom kaya napabutong hininga si Alwyn. Naisip na niya ang bagay na iyan. Kahit ang mga magulang ni Keana, nagtatanong na kung nasaan sila pero sinabi lang niyang nasa bakasyon at hanggang ngayon, nasa Antique pa at walang signal sa kanila.
"Hindi," sagot ni Alwyn. "Hindi tayo hihingi ng tulong sa mga Lacson." Sigurado siyang may spy sa palibot at hindi niya kayang i-risk ang buhay ni Keana.
"Dude naman, wala ka nang choice. They will kill her," ani Tom kaya naikuyom ni Alwyn ang kamao.
"We need to find her bago pa magsimula ang championship," sabi ni Alwyn.
May schedule na siya at Taiwanese ang una niyang makakalaban kung sakaling dumalo nga siya. Kahapon ang submission kaya wala siyang choice kundi ang magpalista dahil kung hindi, papatayin nila si Keana.
"What if hindi sila tutupad sa usapan?" nag-aalalang tanong ni Manuel.
"Tutupad siya," siguradong sagot ni Alwyn. Kilala niya si Drake, may isa itong salita. "Ako lang ang kailangan niya sa championship!"
"Ano ba kasi ang problema ni Drake at sa ganitong paraan ka pa talaga niya hinamon?" naiinis na tanong ni Manuel. Sila ni Tom ang nahihirapan sa pinaggawa ni Drake kay Alwyn at Keana.
"Alam kasi nilang wala nang choice si Alwyn kapag buhay na ni Keana ang pag-uusapan," sabat ni Manuel at napasulyap kay Alwyn. Alam niyang papatayin ni Alwyn si Drake oras na magkatapat sila.
"Walang kaso at walang makikialam kapag sa underworld niya ako mapatay," sagot ni Alwyn. Malalaking tao ang nasa palarong iyon kaya kahit na matataas na opisyalis pa ng gobyerno ay walang magawa para arestuhin sila. Dahil sa lugar na iyon, walang illegal o legal ang pagpatay oras na nakatungtong ka na sa loob ng arena.
"Papatayin ka talaga ni Drake?" nakangising wika ni Manuel. Kabisado niya ang kapasidad ni Alwyn sa pakikipaglaban dahil ilang beses na niya itong nakitang sumabak sa gitna ng malaking arena.
"No, mahina si Drake kaysa kay Alwyn," sabat ni Tom. Sigurado siya sa bagay na iyon.
"That's why ginagamit niya si Keana para mapatumba ka," pagco-conclude ni Manuel.
Narinig nila ang malalim na buntonghininga ni Alwyn at napasabunot sa buhok. Desperado na ito. Madaling sabihin at planuhin pero mahirap gawin lalo na't hindi niya kabisado ang takbo ni Drake.
Dagdagan pa ng ama niya. Kung kakampi ni Audrey si Drake, pustahan, ama niya ang nasa likod nito.
"Shit!" sambit niya at napatayo. Naalala niya ang huling sinabi ng kaniyang ama. Kailangan nito ng malaking pera mula sa kaniya.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Tom.
"I need to see my father!" puno ng galit sa mga mata na sagot ni Alwyn at mabilis na lumabas saka dumiretso sa ducati at pinaharurot papunta sa bahay nila. Halos paliparin na nga niya ang motorsiklo para makaharap ang ama. Kahit sa traffic light, hindi siya sumunod. Mabuti na lang dahil walang traffic enforcer na humabol sa kaniya. Subukan lang nila dahil magsasayang lang sila ng oras.
Napatayo si Julius nang makita siyang papasok sa mansion.
"Alwyn! Payag ka na ba--"
"Ikaw nga ba? Ikaw ba ang may pakana ng pagkawala ni Keana?" galit na tanong ni Alwyn.
"Hindi," sagot ni Julius na nakatitig sa anak na mukhang papatay ng tao. Napangisi siya. "Ngayon, sigurado na akong malaking pera ang maibibigay mo sa akin."
"Huwag mong idamay ang mag-ina ko! Pakawalan mo siya at pinapangako kong ipapanalo ko ang laban!" pagba-bargain ni Alwyn.
Napailing si Julius. "Pera lang ang kailangan ko, Alwyn. Hindi ko kayang ipahamak ang isang Villafuerte para lang sa pera. Kilala mo ako. Ang ipinagbawal ko lang ay ang ang relasyon ninyo ni Audrey dahil wala siyang mapapala sa 'yo. Businessman ako. Kung kayo ang magkatuluyan ni Keana, mas pabor sa akin iyon dahil legal na anak kita. Para ano pa't kikidnapin ko siya?" Kung sina Audrey at Alwyn ang magkakatuluyan, pera pa rin niya ang iikot pero kapag madikit si Audrey sa pamilya nina Drake at si Alwyn sa mga Villafuerte, big fish na sa kaniya ito.
Nakita ni Alwyn ang sinciridad sa mga mata ng ama kaya napaupo siya.
Isa lang ang ibig sabihin nito, si Drake at Audrey lang ang may kinalaman sa lahat. Silang dalawa lang ang nagplano ng pagkidnap kay Keana.
Wala sa sariling lumabas si Alwyn sa bahay ng mga magulang.
Nagmaneho siya nang magmaneho hanggang sa napadpad siya sa isang lugar na isinumpa niyang hindi na siya babalik pa kahit kailan.
Pagkapasok niya, napatingin ang mga kalalakihang nakaupo sa mesa at naglalaro ng baraha. Dire-diretso lanh siya sa loob ng maliit na silid kung saan naroon ang maliit na ring.
"Alwyn!" masayang sabi ng matandang nasa singkuwenta ang edad at tinanggal ang boxing gloves saka lumapit sa kaniya.
"Busy ka pa yata sa kanila," sabi ni Alwyn at naupo sa sofa saka nag-de kuwatro. Napatingin ang matanda sa tatlong binatilyong tinuturuan ng boxing kanina.
"Tapos na kami. Mukhang matindi ang pangangailangan mo at naparito ka?" sabi ni Mang Carlos kay Alwyn. Siya ang trainor ng mga underdog sa underworld at dito nagsimula si Alwyn na mag-training.
"Kailangan kong mag-warm-up," walang kabuhay-buhay na sagot ni Alwyn at pinatunog ang mga daliri saka lumapit sa tatlong kabataan na nasa ibabaw ng ring.
"Huwag masyadong atat, bata. Wala 'yan silang kalaban-laban," napailing na sabi ni Carlos kaya tumigil si Alwyn at humarap sa matanda.
"Kailangan ko--"
"Tatlong araw na lang ang nalalabi bago mag-umpisa ang laban. Hindi 'yan sila uubra. May bisita ako. At sa tingin ko, makakatulong siya sa pag-ensayo mo," sabi ni Carlos kaya napataas ang kilay ni Alwyn.
"Sino?" tanong ng binata.
"Zero," tipid na sagot ng matanda kaya natigilan si Alwyn.
"I heard my name," sabi ng lalaking kakalabas sa maliit na pinto at hindi nalalayo ang edad kay Alwyn. Ngumisi si Zero nang magkasalubong ang mga mata nila ni Alwyn. "Sa tingin ko, kailangan mo ang tulong ko, bata!"

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon