43

895 28 1
                                    



He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 43

Unedited.......
"Magtatrabaho na ako sa company," sabi ni Keana. Inaayos niya ang lahat ng kailanganin niya sa pag-apply ng trabaho.
"No need na, sa bahay ka na lang," sabi ni Alwyn. Naglalakad sila sa hallway patungo sa tambayan.
"Ayaw ko! Gusto kong nagtatrabaho ako," nakalabing sabi ni Keana.
Inakbayan siya ni Alwyn. "Girlfriend? About pala sa pagno-nosebleed mo, ano ang sabi ng doctor?"
"Okay naman daw," lipad sa hangin na sagot ni Keana.
"Girlfriend? Nagpa-checkup ka ba talaga?" nagdududang tanong ni Alwyn.
"Oo naman!" naka-pout na sagot ni Keana.
"No," sagot ni Alwyn. "Huwag ka na kasing magsinungaling, Keana!"
"Nakapagpa-checkup na ako at dahil lang daw sa init kaya nagno-nosebleed ako!" sabi ni Keana.
"Kailan nga!" pangungulit ni Alwyn.
"Matagal na. Pero wala naman daw masama sabi ng doctor. Tanong mo kina Mommy!" naiinis na sagot ni Keana.
"Gaano katagal ang matagal na?" tanong ni Alwyn at hinawakan ito sa braso para tumigil sila sa paglalakad.
"Nung bata pa ako pero hindi ko na maalala kung ilang taon ako. Basta bata pa ako!" sagot ng dalaga kaya napatampal sa noo si Alwyn.
"Sabi mo, magpapa-checkup ka!" Tumaas na ang boses ng binata. Ilang beses pa niyang pinapaalala kay Keana na pumunta sa doctor dahil napag-alaman niyang may pamilya itong nagkaroon ng cancer sa dugo. Hindi lang malinaw sa kaniya kung cancer nga pero sakit sa dugo sabi ng triplets.
"Tapos na! Ayaw kong bumalik sa doctor dahil wala naman. Lahat kami, dumaan na sa blood test noon pa!" sagot ni Keana. Err? She hates hospital. Isa pa, ayaw niyang kunan siya ng dugo dahil pakiramdam niya, nanghihina siya pagkatapos. Kaunti lang ang kinukuha pero bakit pakiramdam niya, lahat yata ng dugo sa katawan niya ang kinuha.
"Huwag ka na kasing magmatigas! Magpa-checkup ka!" pamimilit ni Alwyn.
"Ayaw ko--"
"Keana, nag-aalala ako para sa 'yo! Bigyan mo naman ako ng pabor kahit ngayon lang! Please, magpa-checkup ka dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka kung ano na ang sakit mo!" galit at naiiyak na sabi ni Alwyn kaya napalabi si Keana habang nakatingala sa kasintahang hindi na maipinta ang mukha.
"Fine! Magpapa-checkup ako mamaya," pagpayag ni Keana. Minsan lang naman siya nagkaka-nosebleed at sa tuwing kasama lang niya si Alwyn.
"Sure na 'yan, ha."
"Pero sa isang kondisyon," sabi ni Keana.
"Ano?" Alwyn
"Huwag kang sumama sa akin dahil ayaw ko," pakiusap ni Keana. Ayaw na ayaw talaga niyang may sumasama sa kaniya dahil para siyang isang sakiting mamamatay na.
"Okay. But promise me, this time, magpa-checkup ka na, okay?" pakiusap ng binata kaya napalitang tumango si Keana. Hindi sila matatapos hanggang hindi nito malaman ang resulta.
"Sorry kung pinipilit kita pero ayaw ko lang na mapahamak ka," paumanhin ni Alwyn kaya napa-poker face na lang ang dalaga.
"Gagawin ko 'to dahil mahal kita at ayaw kong mag-alala ka kaya sana, magiging masaya ka na pagkatapos nito," ani Keana at hinawakan ang kamay ni Alwyn para holdinghands sila. "Halika na, nagugutom na ako."
"Soon, magkaka-baby na tayo," sabi ni Alwyn habang naglalakad sila. Kaunti lang silang tao dahil summer pa ngayon. Bumalik lang talaga sila para kunin ang transcript at iba pang kailangan para sa pag-apply ng trabaho.
"Magiging mabuting ina ako," sabi ni Keana at napahawak sa tiyan.
"Mas magiging mabuting ama ako at asawa para sa inyo," nakangiting sabi ni Alwyn at pinisil ang kamay ng dalaga.
"Boyfriend? Tingin ko, buntis na ako," sabi ni Keana at inilagay sa puson ang kamay ni Alwyn.
"Really? Magiging magulang na tayo? Magpre-pregnancy test tayo mamaya," excited na wika ni Alwyn. "Baka kambal o triplets ang anak natin."
"Kyaah. Sana nga!" tili ni Keana at tumalon dahil sa tuwa.
"Hey, huwag kang tumalon. Baka may laman na nga 'yan," natatawang saway ni Alwyn. Ang cute nitong pagmasdan lalo na't natutuwa ito sa isiping magkakaanak na ito sa kaniya.
"Masaya lang ako," malambing na sabi ni Keana at kumapit sa braso ni Alwyn. "Boyfriend? Buhat mo 'ko."
"Ang bigat mo," sabi ni Alwyn.
"Kaya nga kita e!" naka-pout na sabi ni Keana. "Kapag pumatong ka sa akin, nakakaya naman kita."
"Nakatukod naman ako," nakangiting bulong ni Alwyn.
"Boyfriend?" malambing na tawag ni Keana habang nakatingala sa kasintahan.
"Hmm?" Alam niyang may hihilingin ito sa kaniya na hindi niya magugustuhan. Kabisado na niya ang ugali ni Keana e.
"Pakagat?" naka-puppy eyes na sabi ni Keana kaya napabuntonghininga si Alwyn at wala siyang choice kundi iabot ang kanang braso sa dalaga na agad naman nitong kinagat. Nanginginig pa talaga ang bibig nito dahil sa gigil e.
"Thanks!" nakangiting pasalamat ni Keana nang pakawalan ang balat ni Alwyn.
"Hindi maganda ang trip mo, girlfriend," pag-amin ni Alwyn na hindi na sinubukang tingnan ang balat. Parang dumugo yata e.
"Pero gusto ko e!" sagot ni Keana. "Ayaw mo bang kagatin kita?"
"Ayaw sana," sagot ng binata. "Pero dahil gusto mo, kahit na habambuhay mo pa akong kagatin, titiisin ko."
Tumakbo si Keana palayo sa kaniya at nang medyo nakadistansiya na, humarap ito sa kaniya. "Kapag makasal tayo, gusto ko, girlfriend pa rin ang tawag mo sa akin, boyfriend." Todo ngiti pa na sabi ni Keana.
"Sure, girlfriend!" sagot ni Alwyn at napatitig sa magandang mukha ng kasintahan. Ang cute nito habang nakatitig sa kaniya.
Hinintay siya ni Keana at nang makalapit siya ay niyakap nito ang braso niya.
"Boyfriend? Ingatan mo kami ni Baby, ha," paglalambing ni Keana kaya napangiti si Alwyn.
"I will. Lahat ay gagawin ko para sa inyo ng baby natin kung may laman man 'yan," sagot ni Alwyn at inakbayan na naman ito. Bumaba ang mga kamay ni Keana at ipinulupot sa bewang ni Alwyn hanggang sa nakarating na sila sa tambayan.
"Hello! Alumni na tayo ng Westbridge!" nakangising sabi ni Sky na kasama si Taira.
"Si Blue lang ang naiwan," sabat ni Black.
"Makapagtapos din si Blue. At least nabili na niya ang KBS network," wika ni Nathalie. Sobrang hard working si Blue at responsableng asawa at ama.
"Oo na! Kami ni Alwyn, bibilhin namin ang buong Pilipinas at kayo ni Sky, Taira, bibilhin ninyo ang buong zoo," ani Keana kaya napasimangot si Taira.
"Hmmm? Why not? Tapos lahat ng unggoy sa kagubatan, papagawan ko ng bahay rito sa Maynila," pagsang-ayon ni Sky kaya sinapak na ni Taira.
"Sige, dalhin mo rito ang mga unggoy sa Maynila at ikaw ang ipapadala ko sa kagubatan!"
"Babymine naman, kawawa naman sila e," nagmamakaawang sabi ni Sky.
"Wait lang, boyfriend, kukunin ko lang ang mga gamit ko sa kuwarto," paalam ni Keana at mabilis na tumakbo papasok sa kuwarto. Matapos ang ilang minuto ay may bitbit na itong dalawang malaking paperbag.
"Akin na," sabi ni Alwyn at inagaw sa kaniya ang bitbit nito. "Mula ngayon, bawal ka nang magbuhat ng mabibigat dahil baka buntis ka nga."
"Nasaan na sila?" tanong ni Keana dahil si Alwyn na lang ang naiwan dito sa sala.
"Umuwi na. May mga lakad pa raw sila," sagot ni Alwyn.
"Boyfriend? Ihatid mo ako sa hospital, magpapa-checkup ako," sabi ni Keana para matapos na ang problema nitong boyfriend niya.
"Mabuti naman at payag ka na. Samahan na kita," ani Alwyn habang palabas na sila sa tambayan pero umiling si Keana.
"Idaan mo ako sa hospital at ihatid muna sa bahay ang mga gamit ko tapos balikan mo ako dahil sa condo mo ako matutulog. Miss na kita," sabi ni Keana kaya ngumiti si Alwyn. Three days na silang hindi nagkatabi sa pagtulog dahil nagbakasyon sila sa Japan pero hindi sumama si Alwyn dahil magagalit ang ama nito. Isa pa, gusto rin ni Alwyn na masolo ni Kyler si Keana dahil alam niyang iniisip ng ama nito na inaagaw niya si Keana rito. Hindi maiwasan 'yan sa mga magulang.
"Sige, babalikan kita. Tawagan mo ako kapag tapos na, okay?" sabi ni Alwyn at inilagay sa backseat ang mga paperbag saka pinagbuksan ng pinto si Keana.
Matapos ang ilang minutong pagbiyahe, nasa clinic na sila. Naisipan kasi ni Keana na sa private doctor na lang nila siya magpapa-checkup para sigurado siya at hindi maiilang.
"Ingat sa pagmaneho, boyfriend. I love you," sabi ni Keana at hinalikan si Alwyn sa mga labi bago pumasok sa clinic.
"Text o tawagan mo ako ng resulta, okay?" pahabol ni Alwyn at nagmaneho pauwi sa bahay nina Keana.
"Paano 'yan? Mukhang magkakaapo na naman si Kyler?" nakangiting sabi ng family doctor nila kaya nanlaki ang mga mata ng dalaga.
"Kyaah! I knew it! I knew it!" tili ni Keana at sa labis na kasiyahan, niyakap niya ang doktora.
"Congrats, Keana. Naku, dadami na naman ang magagandang lahi sa mundo," nakangiting sabi ni Doc. Well, hanga siya sa mga Villafuerte dahil ang ganda ng resulta nila. Wala yatang pangit sa pamilya nila kung hitsura lang ang pag-uusapan.
"Thank you po. How about sa blood ko po? Okay rin ba?" tanong ni Keana.
"Wait natin ang med.tech," sagot ng doktor. "Can you wait, mga fifteen minutes pa?"
"Sure po. Hinihintay ko pa ang boyfriend ko," sagot ni Keana at tinext si Alwyn. Tiyak na matutuwa ang mokong.
"Positive! I'm pregnant," iyan lang ang text niya. Ilang segundo lang ay tumawag na si Alwyn kaya agad na sinagot niya.
"Really? Buntis ka?" masayang tanong ni Alwyn.
"Yes," sagot ni Keana na halos tumalon sa tuwa.
"Shit! Traffic dito, girlfriend. May aksidente sa daan," reklamo ni Alwyn.
"Sige, sa SM na lang tayo magkikita. Sa KFC dahil nagugutom na ako. Sa ibang way na lang ako dadaan para hindi ka na mahirapan," sabi ni Kean.
"Wait mo 'ko riyan."
"No, boyfriend. Pauwi na ako at nagugutom na. Order mo 'ko ng fried chicken, fries at smashed potato."
"Are you sure?" nag-aalalang tanong ni Alwyn.
"Yes, sige na. Ba-bye, soon to be daddy!" masayang sabi ni Keana at pinutol na ang tawag.
"Here's your result, Keana," sabi ng doktora at ibinigay at ipinaliwanag sa kaniya ang resulta.
"Salamat po, doc. Alam kong matutuwa ang mokong na 'yon!" sabi ni Keana at nagpaalam na na umalis. Paglabas niya sa clinic, nag-abang siya ng taxi pero wala dahil halos lahat ay may sakay na pasahero bago pa dumaan sa kaniya.
"Hop in!" sabi ng driver ng itim na SUV na tumigil sa harapan niya.
"Drake!" bulalas ni Keana.
"Sakay na, ihahatid na kita. Traffic sa kabilang street dahil sa aksidente," sabi nito at bumaba saka pinagbuksan siya.
"Sige," pagpayag ni Keana saka sumakay sa frontseat.
Nang maisara ni Drake ang pinto, umikot ito sa kabilang side saka sumakay.
"Saan ka?" tanong ni Alwyn nang umandar na sila.
"SM, please," pakiusap ni Keana at tinext si Alwyn na kasama niya si Drake para hindi ito magulat kapag makitang magkasama sila.
Napasulyap siya sa braso ni Drake nang may mapansing tattoo na parang bilog sa dibdib nito nang masilip dahil sa nakabukas na dalawang butones. Parang wala naman nito noon.
"May tattoo ka pala," sabi ni Keana.
"Napag-trip-an lang ng barkada," sagot ni Drake na nakatuon ang mga mata sa unahang kalsada.
Biglang tumunog ang cellphone ni Keana kaya kinuha niya sa bag at sinagot si Alwyn.
"Boyfriend--"
"Bumaba ka na sa sasakyan, Keana!" galit na sigaw ni Alwyn sa kabilang linya.
"Bakit--" Natilapon ni Keana ang cellphone nang biglang nag-preno si Drake nang may itim na van na humarang sa kanila.

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon