44

856 23 1
                                    

He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 44

Unedited..
"Hello? Keana? Answer me!" pasigaw na sabi ni Alwyn pero sigaw na lang ni Keana ang naririnig niya.
"Oh shit!" natarantang sabi niya saka patakbong tumungo sa kotse. Papasok na siya sa mall nang matanggap ang text ni Keana na kasama nito si Drake.
"Hello? K-Keana naman!" naiiyak na sabi niya na hindi pa rin naririnig ang boses ng kasintahan.
Bang!
Nanayo ang balahibo niya nang marinig ang malakas na putok sa kabilang linya.
"Hello?"
Napatigil siya sa pagbukas ng kotse nang may nagsalita sa kabilang linya pero boses lalaki na.
"S-Sino ka?" matapang na tanong niya.
"Kumusta, bestfriend?" Kahit na hindi niya nakikita, alam niyang nakangisi ito. "Hindi pa ba familiar sa 'yo ang boses ko?"
"Hayop ka, Drake!" pagmumura niya.
"Finally, na-recognize mo rin ang boses ko," sabi ni Drake sa kabilang linya.
"Huwag mong saktan si Keana! Kung may kasalanan man ako sa 'yo, huwag mong idamay si Keana!" pasigaw na sabi ni Alwyn.
"Huwag kang mag-alala, hindi ako nananakit ng babae, Alwyn. Isa lang naman ang kailangan ko," sabi ni Drake.
"Sabihin mo na at nang matapos na tayo!" Nakatagis ang bagang na sabi ni Alwyn.
"Gusto kitang makalaban sa underworld, Alwyn!" puno ng pananabik na sabi ni Drake kaya naikuyom ni Alwyn ang mga kamao. Kung nasa harap lang niya si Drake, dudurugin talaga niya ang mukha nito hanggang sa mawalan ito nang buhay.
"Alam kong sukdulan na ang galit mo sa akin. So? Paano 'yan? See you sa underworld fight?"
"Fuck you! Pakawalan mo si Keana dahil wala siyang kinalaman dito!"
"Pasensiya na, Alwyn. Kung gusto mong makitang buhay ang girlfriend mo, magkita tayo sa laban!"
"Hayop ka! Kapag makita kita, buburahin ko ang NSO na tarantado!" pagbabanta ni Alwyn at napahigpit ang hawak sa cellphone para ibuhos ang lahat ng galit at inis.
"Gawin mo! Huwag mong sabihin!" Malakas na tumawa si Drake na mas lalong ikinulo ng dugo ni Alwyn. "Oh? Hindi lang pala si Keana ang ililigtas mo? Balita ko, buntis siya?"
"Hayop ka!"
Sinipa ni Alwyn ang pinto ng sasakyan at sabay suntok nang malakas sa bintana nang pinutol ni Drake ang tawag.
"Magbabayad kang hayop ka!" galit na sabi niya. Matagal na niyang natiktikan na sasali sa underworld fight si Drake pero wala pang kumpirmasyon pero ngayon, sigurado na siya at ginagamit pa nito si Keana para mapabalik siya.
Ne hindi na niya naramdaman ang pagtulo ng dugo mula sa sugat sa kamao niya dahil sa nabasag na salamin sa pagsuntok niya. May iilan din na nagtatakang napatingin sa kaniya pero binalewala niya ang mga ito.
Agad na pumasok siya sa kotse at mabilis na nagmaneho pauwi sa bahay nila.
"Alwyn! Mabuti at umuwi ka, anak!" natutuwang sabi ng ina nang pumasok siya sa gate. Nasa hardin ito at pansamantalang nagwawalis kasama ang katulong. Ganito ang mommy niya, gusto nitong magtrabaho na para bang walang katulong kapag nandito sa Pilipinas.
"Si Daddy?" salubong ang mga kilay na tanong ni Alwyn.
"A-Ano ang nangyari sa kamay mo?" nag-aalalang tanong ng ina at lumapit sa kaniya.
"Wala ito. I need to see him!" madilim ang mukhang sagot ni Alwyn at tuloy-tuloy lang ang lakad papasok sa mansion.
"Alwyn? Ano ang nangyayari?" nagtatakang tanong ng ina habang patakbong nakasunod sa anak na para bang susugod sa giyera kaya bigla siyang kinabahan.
"Alwyn! I'm glad--"
"Nasaan si Keana?" tanong ni Alwyn na nanginginig anv naikuyom na kamao. Sa abot ng makakaya, gusto niyang irespeto ang lalaking bumuhay at nagbigay ng pangalan sa kaniya.
"Keana who?"
"Stop pretending, Dad! Nasaan ang babaeng mahal ko!" sigaw ni Alwyn at sa inis ay sinipa ang silyang nasa tabi niya kaya napaatras ang ina at napatutop sa bibig sa sobrang pagkabigla.
"Bakit? Nawawala ba?" tanong ni Julius.
"Tama na! Nasaan si Keana? Saan mo siya dinala?" pasigaw na tanong ni Alwyn na halos lalabas na ang kaluluwa sa katawan.
"Nawawala ba siya? So? Iyon ang plano nila, ang kidnapin ang pinakamahalagang tao sa buhay mo para mapabalik ka nila sa underworld, huh?" nakangising sabi ni Julius. Iyon ang gawain niya kaya kaagad na nakuha niya ang nangyayari.
Nagtagis ang bagang ni Alwyn. "Ano ang kinalaman mo rito?" Nakipagtitigan siya sa ama. Kilala niya ito at malalaman niya kung nagsasabi ito ng totoo o hindi.
"To be honest? I have no idea. Madumi ang labanan ngayong taon at masyadong malalakas ang mga baguhan kaya malaki ang pustahan. Balita ko, may matinik na isasabak ang isang grupo at walang choice q g kabilang kampo kundi hanapin ang undefeated champion," ani Julius at napasulyap sa dumudugong kamay ng anak. Nasaksihan niya kung paano nagbabaga ang mga mata ni Alwyn na para bang isang leon na nagwawala sa isang gubat.
"Oras na malaman kong may kinalaman ka rito, mapapatay kita!" pagbabanta ni Alwyn sa ama.
"Wala akong kinalaman pero dahil nakasigurado na akong lalaban ka, pupusta ako sa 'yo sa malaking halaga!" ani Julius.
"Pera pa rin ang nasa utak mo! Kung sabagay, mula noon, pera na ang nagpapaikot sa buhay mo!" pang-iinsulto ni Alwyn.
Ngumisi si Julius. "Gusto ko lang ipaalala sa 'yo na pera ko ang bumuhay at nagsalba sa 'yo! Kung ano man ang meron ka ngayon, dahil iyon sa pera ko and you can't get rid of it!" paalala niya kay Alwyn.
"At iyon ang pinagsisisihan ko sa buhay! Ang binuhay ako mula sa masama!" matapang na sabi ni Alwyn.
"Sa halip na makipagtalo sa akin, why don't you save her? Save your strength sa nalalapit mong laban, Alwyn!"
"Babalikan ko kayong lahat oras na mabawi ko si Keana!" pagbabanta ni Alwyn.
"A-Alwyn..." naiiyak na sabi ni Nami nang hawakan sa braso ang lalaking minahal niya na parang isang tunay na anak.
"I'm sorry, mom. Pero hindi ko na kaya. Nasaan si Audrey?" tanong niya.
"H-Hindi pa siya umuuwi mula pa kahapon," sagot ni Nami.
"I'm sure nasa kay Drake siya," ani Alwyn. Sigurado siyang nakipagsabwatan si Audrey kay Drake.
Mabilis na lumabas siya sa mansion at tinawagan sina Tom at Manuel na magkita sila sa private resort nina Tom
"Ano ang nangyari?" tanong ni Manuel nang dumating si Alwyn. Kumakain na sila ngayon ng popcorn sa sala habang hinihintay ang binata.
"Kailangan ko ang tulong ninyo," sagot ni Alwyn.
"Dude? Punasan mo muna ang natuyong dugo sa kamay mo. Sino na naman ba ang biniktima mo?" tanong ni Tom at inabot ang tisyu sa kaibigan. "Basain mo na lang ng tubig para matanggal ang dugo."
"Nakidnap si Keana!" Sa halip na abutin ang tisyu na inaabot ni Tom, napahilamos siya sa mukha.
Napanganga ang dalawa at napatigil sa pagsubo.
"Ano nga ulit? Baka nabingi lang ako," tanong ni Manuel at umakto pa itong nililinis ang tainga gamit ang pointing finger.
"Dude? Nagbibiro ka lang, 'di ba?" nakangiting sabi ni Tom nang matauhan sa sinabi ni Alwyn.
"Si Drake! Kinidnap niya si Keana para lumaban ako sa underworld fight!" dagdag ni Alwyn na tumulo na ang mga luha. "For Christ's sake! Bakit si Keana pa? Bakit ngayon pa? Ngayon pa na buntis siya?"
Nabahala siya sa kalagayan ng dalaga. Iyakin si Keana at nakadepende ang buhay nito sa kaniya ngayon.
"B-Buntis siya?" ulit ni Tom.
Sa halip na magsalita, napahagulgol si Alwyn. Ngayon lang siya umiyak ng ganito. Sana ay ligtas pa ang mag-ina niya. Sana pala ay hindi na siya umuwi. Sana kahit na magalit si Keana, sumama siya sa hospital para magpa-checkup.
"N-Nagsisimula pa alng ang buhay namin!" mahinang sabi ni Alwyn at pinahidan ang mga luha. Kung sino man ang may pakana nito,nagbabayad silang lahat.
"For sure, mabibigat ang pupusta sa 'yo kaya nagawa nilang ipadukot si Keana para mabalik ka lang," ani Tom.
"Hindi ko inakalang ganito ang kaganapan sa lugar na iyon," napailing na sabi ni Manuel na naaawa kay Alwyn.
"Magbabayad si Drake! Pagbabayarin ko siya!" puno ng determinasyong sabi ni Alwyn.
"Paano?" nagtatakang tanong ni Tom. "Panigurado, gagamitin niya si Keana para magpatalo ka."
"Bago pa niya ako matalo, babawiin ko na si Keana sa kanila!" Hindi siya susuko. Ngayon pa ba na ang mag-ina niya ang nangangailangan ng tulong at lakas niya?
"Si Audrey! Hahanapin ko si Audrey!" sagot ni Alwyn. Habang nsa biyahe, sinusubukan niyang tawagan ang dating asawa pero patay ang cellphone nito.
"Ano ang gusto mo? Dukutin din natin si Audrey?" tanong ni Tom. "Makakaya mong dukutin ang dating babaeng minahal at pinakasalan mo?"
Natahimik si Alwyn. Hindi niya alam kung ano ang isasagot. May point si Tom pero wala siyang choice.
"Kung para sa ikaliligtas ng mag-ina ko, handa akong sumugal at magbenta ng ibang buhay kahit pa na sariling buhay ko!" puno ng katapangang sagot ni Alwyn.
"Hinay-hinay lang sa desisyon, dude. Masyado ka lang nadala sa galit. Walang kinalaman si Audrey rito. Isa pa, wala ring halaga si Audrey kay Drake," pagbibigay payo ni Manuel.
"I don't think so," sabi ni Alwyn habang napapaisip. Kailangan niyang gumawa ng paraan. Pero paano?
"Tutulungan ka namin sa paghahanap kay Keana," pagboboluntaryo ni Tom. "Lahat ng koneksyon ng pamilya namin, gagamitin ko para lang matulungan ka."
"Salamat sa inyo," pasalamat ni Alwyn. Ilang sandali pa'y tumunog ang cellphone niya. Number ni Keana ang tumatawag.
"Hello? Girlfriend?" natarantang sagot niya pero agad na sumalubong ang kilay nang marinig ang tawa ni Drake.
"Gusto mo siyang makausap?" tanong ni Drake. Alam niyang pinaglalaruan lang siya nito pero kailangan niyang sumugal.
"Huwag mo siyang saktang hayop ka!" pagmumura niya.
"B-Boyfriend? B-Boyfriend?" naiiyak na sabi ni Keana kaya napatayo si Alwyn.
"K-Keana?"
"G-Gusto ko nang umuwi, s-sunduin mo na kami ni Baby rito," pakiusap ni Keana. Nasa boses nito ang labis na takot at pag-alala kaya mas lalong natakot si Alwyn.
"I will. J-Just be s-strong..."
"B-Boyfriend? Natatakot ako..." humihikbing sabi ni Keana.
"Ililigtas kita. I-Ililigtas ko kayo ng anak natin, pangako," sagot ni Alwyn na hindi pinahalata sa boses ang takot sa dibdib.
"I-I'm sorry. I-I'm sorry kung p-pasaway ako, A-Alwyn. I-I'm sorry," sabi ni Keana na naririnig pa ni Alwyn ang hagulgol nito.
"K-Keana--"
"Tama na ang drama!" sabat ni Drake na inagaw kay Keana ang cellphone.
"Ito na ang huli kong tawag, Alwyn. Siguraduhin mo lang na aabot ka ng championship at gagawin ko ang lahat para ako ang makalaban mo," makahulugang sabi ni Drake.
"Papatayin kita, Drake!" pagbabanta ni Alwyn pero tumawa si Drake.
"Bago mo 'yan gawin, iligtas mo muna ang mag-ina mo, Alwyn."
Napatapon ni Alwyn ang cellphone nang naputol na ang tawag.
Awang-awa naman sina Tom at Manuel habang nakatingin sa kaibigang parang naiwang mag-isa sa mundong ibabaw.

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon