special chap

2K 37 2
                                    


He's Been A Badboy

by: sha_sha0808 Ash Simon

SPECIAL CHAPTER

Ito na talaga😁
Unedited...
"B-Boyfriend? Hindi ko alam kung paano mabuhay nang wala ka kaya sasama na ako sa iyo sa kabilang buhay," naiiyak na sabi ni Keana at nanlulumong napatingin sa anak na umiiyak.
Gusto niyang balikan pero ayaw niyang bitiwan ang mga kamay ni Alwyn.
Napabuntonghininga ang binata saka niyakap siya. "Hindi ba't sabi ko, ingatan mo ang anak natin habang wala ako?" malungkot na tanong ni Alwyn.
"W-Wala kang sinabi," sagot ni Keana at tumulo ang mga luha. "Sabi mo lang, magiging mabuting ama ka pero i-iniwan mo kami," sumbat ni Keana at mahinang sinuntok ang palapad na diddib ni Alwyn.
"Hindi naman kita iniwan, nandito lang ako palagi sa inyo," sabi ni Alwyn at napatingin sa anak nilang malakas na umiyak na.
"A-Alwyn? Sasama na ako!"pagmamatigas ni Keana at niyakap nang mahigpit si Alwyn nang papakawalan na sana siya. "A-Alwyn, ayaw ko nang mabuhay. Sama mo na ako, please."
"K-Keana--" Alwyn.
"K-Kung mahal mo 'ko, isasama mo ako. H-Hindi mo ako iiwan. B-Boyfriend--ouch!" hiyaw ni Keana nang dumapo ang plastic na baso sa ulo niya.
"Tapos ka nang magdrama?" galit na sabi ni Kean sa kakambal na nasa tabi na ng anak ng dalawa. "Baka puwedeng padedehen mo na ang anak ninyo at kagabi pa ito walang dede?"
Natigilan si Keana at napatingala kay Alwyn. "S-Sasama ako kay Alwyn," sagot niya sa kakambal.
Ngumiti si Alwyn at ginulo ang buhok ni Keana. "Pasaway ka talaga." Hinila niya ang kasintahan palapit sa anak nilang kanina pa umiiyak.
"Maupo tayo, girlfriend. Mahirap magpadede nang nakatayo," sabi ni Alwyn kaya wala sa sariling naupo si Keana.
"A-Alwyn? Hindi ko maintindihan," naguguluhang sabi ni Keana at hinawakan sa magkabilang pisngi si Alwyn. Ang init nito at walang sensyales na namatay. Or maybe, pareho lang silang patay na? Pero nakikita pa sila ni Kean.
"Talagang iiwan mo ang anak natin para sumama sa akin?" hindi makapaniwalang sabi ni Alwyn at binuhat ang anak gamit ang isang kamay dahil hindi siya binibitiwan ni Keana.
"A-Aalagaan nina Mommy si Baby," sagot ni Keana.
"Haist! Ikaw ang ina kaya ikaw ang mag-alaga!" sabat ni Kean na kanina pa naiirita sa drama ng dalawa.
"Bakit ka ba sabat nang sabat?" singhal ni Keana.
"Nakakabuwesit ka na kasi! Pagsamahin ko kayo ni Alwyn sa hukay e!" sagot ni Kean. Siya na ang naaawa sa bata.
"H-Hindi mo kasi alam ang pakiramdam nang mawalan ng mahal sa buhay!" naiiyak na sabi ni Keana at niyakap ang braso ni Alwyn na hawak niya.
"Keana? Kailangan na ng gatas ng anak natin," nakangiting sabi ni Alwyn.
"Ikaw ang kumausap kay Keana, Alwyn!" sabi ni Kean kaya nanlaki ang mga mata ni Keana.
"N-Nakikita mo si Alwyn?" bulalas ni Keana kaya napa-poker face si Kean.
"Ano ang tingin mo sa akin, bulag?" sagot ni Kean na salubong na ang kilay. Kanina pa nagdadrama si Keana e.
Napatingin si Keana kay Alwyn na nagtataka at nagtatanong ang mga mata. Ngumiti si Alwyn.
"Sabi nila, nagpaulan ka raw sa puntod ko noong isang araw at pag-uwi mo, inaapoy ka na ng lagnat kahapon at nagdidiliryo kaya nagdesisyon sina Tita Yna at Tito Kyler na i-CS ka na dahil baka mapano pa kayo ni Baby pero ilang oras na ay hindi ka pa rin nagigising," pagpaliwanag ni Alwyn.

"P-Pero hindi ako nananaginip? B-Buhay ka?" naiiyak na tanong ni Keana. Panaginip nga lang ba ang lahat?
Ngumiti si Alwyn. "Buhay ako, girlfriend."
"B-But we saw you. N-Nasaksihan namin na inilibing ka," naguguluhang sabi ni Keana. "P-Paano nangyari na buhay ka?"
"Yes, ako ang nakita ninyong inilibing," sagot ni Alwyn.
"P-Paano nangyari?" nagtatakang tanong ni Keana.
"Nang umalis ka, nagising ako. Sina Audrey at Drake ang namulatan ko. Kinausap nila ako na turukan ng gamot para hindi maging palpabale ang pulso at hindi rin maging audible ang heart rate ko para lumabas na physically and clinically dead ako sa loob ng tatlong araw. Kinausap nila ang doctor at ang morgue kaya mahigit bente kuwatro oras lang ay inilibing na nila ako. Nang tuluyan na akong matakpan ng lupa, saka nila binuksan ang casket sa ilalim dahil may ginawang tunnel sina Drake at lagusan palabas ng cementeryo," paliwanag ni Alwyn.
"B-Bakit hindi ka nagpakita sa akin? B-Bakit ilang buwan pa? Bakit nila ginawa iyon?" sunod-sunod na tanong ni Keana na hindi pa pumapasok sa isipan niya ang mga nangyayari.
"Nasa paligid lang ang tauhan ng ama ni Tom at bantay-sarado ako kahit sa huling hantungan ko. Hindi ako puwedeng bumalik sa 'yo dahil malalagay ka sa panganib. Matindi ang galit nila sa akin kaya gusto nilang makasiguradong patay na talaga ang pumatay sa anak nila. Gusto kong gumawa ng magandang mundo para sa anak natin. Gusto kong linisin ang paligid nila para hindi sila mamulat sa madilim na mundong minsang kinasasadlakan ko. I just want to have a better place to live. For you. For our kids. For us. Tapos na ang lahat. Nandito na ako, buhay na buhay. Malaya na tayong mamuhay nang masaya kasama ang mga anak natin, Keana," mahabang sagot ni Alwyn. Actually, si Zero ang nagturo sa kanila ni Drake kung paano lumaban at mas maging magaling dahil iyon naman ang nagplano ng lahat kung paano matatakasan ang maraming bantay ng underworld. Marami pa siyang ikuwento kay Keana pero sa ngayon, ito na lang muna.
"H-Hindi ba galit sina Audrey at Drake sa 'yo?" tanong ni Keana.
Umiling si Alwyn, "Hindi na. Kasal na silang dalawa at masaya na sila sa buhay nila ngayon. Isa pa, tinulungan ako ni Drake para mapuksa ang sangkot sa nangyari sa underworld." Dinukot nila si Audrey kaya matindi ang galit ni Drake sa mga ito at kagaya niya, iisa lang ang layunin nila-ang bumagsak ang underworld.
Nakakalungkot lang dahil kasama ang ama nila ni Audrey na nakulong. Pero nandiyan pa naman ang ina nilang mabait na gumagabay sa kanila.
"B-Buhay ka nga," umiiyak na sabi ni Keana saka niyakap si Alwyn. "A-Alwyn? Buhay ka. A-Alam mo bang halos hindi ako makatulog at makakain dahil a-akala ko, wala ka na?"
"Ssssh. Tahan na, nandito na ako at hindi na kita iiwan," madamdaming pag-aalo ni Alwyn at hinalikan si Keana sa noo. Nagpapasalamat siya sa Panginoon sa pagbigay sa kaniya ng pangalawang pagkakataong mabuhay. Iyong buhay na wala nang kinatatakutan dahil malaya na siya.
"Wala talaga kayong balak na bigyan ng gatas ang pamangkin ko?" galit na tanong ni Kean. "Nakatulog na lang ang sanggol sa kakaiyak pero inuuna pa ninyo ang kalandian ninyo? Anong klaseng mga magulang kayo?" sumbat ni Kean. Kanina pa siya nauurat sa dalawa.
"S-Sorry," paumanhin ni Keana at kinuha ang anak kay Kean. "H-Hindi ko alam kung paano magpadede," malungkot na sabi ni Keana kaya tumawa si Alwyn.
"Same lang 'yan ng ginagawa ko," bulong ni Alwyn kaya namula ang magkabilang pisngi ni Keana.
"Landian muna bago ang anak e!" galit na sabi ni Kean saka lumabas na. Kung puwede lang na sa kaniya niya padedehin ang pamangkin, ginawa na niya sana kanina pa.
-------------------------
"Boyfriend?" tawag ni Keana nang pumasok sa kuwarto kasama bitbit ang tatlong buwang anak nila. Nakaka-adjust na siya sa pag-aalaga rito. Hindi kagaya last month, nangangapa pa siya. Kapag umiyak ang anak, umiiyak din siya. Paano, nangingitim talaga ito kapag umiyak kaya si Alwyn na lang parati ang nag-aalaga.

He's Been A BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon